Chapter 2: Black Swordman

1663 คำ
LUMIPAS ang Pasko't Bagong Taon, patuloy pa rin sa pagsasaliksik ang NRC tungkol sa nangyari sa HQO. Hindi sila tumigil lalo pa't alam nilang maraming buhay ang maaaring mawala 'pag hindi nila ito itinuloy. Ang lahat ng ito'y pinagpaguran nila kaya sa loob ng mahigit dalawang buwan ay nagbunga rin ito. January 28, 3014, ito ang petsa kung saan naglabas na ng balitang nakapagbigay ng pag-asa sa marami ang NRC. Ayon sa kanila, isang virus ang sumira sa game system ng HQO. Pinangalanan nila itong XRG13 na ikina-kategorya nilang isang Hacking Virus o ang mga virus na kayang manipulahin ang isang system. Sinabi rin nilang nabuo ito mula sa isang depektibong HQO Kit pero pinag-aaralan pa rin nila kung paano ito nabuo. Sinabi ng NRC na ang virus na ito ay naging Artificial Intelligence (AI) o monster sa loob ng game. Ayon pa sa mga natuklasan, upang makabalik sa real world ang lahat ng mga player sa loob ng game ay kailangan nila itong talunin at patayin. Subalit para magawa iyon ay kailangang may mataas na level at stat ang isang player dahil ayon sa kanila, napakataas daw ng stat na mayroon ang XRG13. Ito na raw ang pinakamalakas na AI sa loob ng game. "Sa ngayon ay hindi pa namin mapadalhan ng mensahe ang lahat ng players dahil blocked ang aming mga servers...Pero ipinapangako naming gagawin namin ang lahat maibalik silang lahat dito sa real world..." Ito ang huling sinabi ng spokesperson ng NRC sa interview ng media. ISANG normal na araw sa buong Metropolis, seryosong tinitingnan ni Kirito sa loob ng kanyang kwarto ang isang HQO Kit. Isang linggo kasi ang nakakalipas ay isang 'di inaasahang bagay ang nakita niya sa Ilog Nagariki na malapit lang sa bahay nila. Nagtaka siya kung ano ito kaya agad niya itong kinuha, isang water-proof case ito at laking-gulat niya dahil isang HQO Kit ang laman nito. Ang pagkakaalam niya kasi, lahat ng HQO consoles ay nasira na at itinigil na rin ang paggawa nito kaya ipinagtaka niya kaagad ito. Pero napansin niyang parang nag-iba ang disenyo ng Head Gear nito kumpara sa kanyang mga nakikita sa ibang HQO kit. Napaisip din siya pero iba ang pumasok sa isip niya nang makita ito. "Desidido na ako, maglo-login ako sa HQO at hahanapin ko si Joji," sabi ni Kirito habang isinusulat sa papel ang pagpapaalam niya sa kanyang mga magulang. Matapos niyang magsulat ay isinuot naman niya ang Head Gear at pagkatapos no'n ay nahiga na siya. Huminga muna siya ng malalim at pagkatapos ay pinindot na niya ang green button sa CPU. Ipinikit na niya rin ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang para siyang nilalamon sa kawalan. "Transmission completed!" Dahang-dahang iminulat ni Kirito ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang isang lugar na napapalibutan ng Virtual Screens. Ito ay ang hugis parisukat at kulay asul na liwanag, ito rin ang ginagamit sa commanding at navigating sa game. Pagkatapos niyang tingnan ang paligid ay biglang isang pulang ilaw ang nag-scan sa kanyang katawan. "Gender confirmed!" Ito ang lumabas na message sa screen pagkatapos no'n. Sa game kasing ito ay awtomatikong ang totoong gender ng player ang ibibigay sa avatar na iga-grant sa isang player. Ibig-sabihin, 'di maaaring gumamit ng avatar na hindi katulad sa totoong gender ang isang player... kung babae, babae talaga at gano'n din 'pag lalaki. "Insert your IGN." Ito ang sunod na message na lumabas sa screen. Lumabas din dito ang mga letter keys. Bahagya pang napaisip si Kirito para sa gagamitin niyang In-game Name (IGN) at matapos iyon ay itinype na rin niya ang kanyang naisip. "Nigito Kuzuna, recognized!" Pagkatapos no'n ay unti-unting naglaho si Kirito at pakiramdam pa niya'y parang hinihigop siya pailalim. "Welcome to X3000 Heroes Dimension!" Narinig ito ni Kirito dahilan para imulat na niya ang kanyang mga mata. Dahang-dahang lumapad ang kanyang ngiti nang makita ang paligid. Hindi makapaniwala si Kirito sa kanyang nakikita, isang napakagandang kapaligiran. May mga mayayabong na puno, luntian at malawak na damuhan, mga bulaklak at asul na kalangitan ang kanyang nakita. Napakasariwa rin ng hangin. Ibang-iba ito sa mundong kanyang kinalakihan. Ang lugar na ito ay talagang kabigha- bighani. Ito ay ang lugar kung saa'y 'di pa globalisado ang lahat... isang mundong gustong-gusto niya. Pinagmasdan ni Kirito ang paligid at napansin niyang 'di ito ang Starting Plaza gaya ng nakita niya sa Screenshots ng HQO. Agad niyang naisip na baka epekto ito ng XRG13 kaya agad niyang iniangat ang kanyang kanang braso at pagkatapos ay pumindot siya sa hangin, sa ibabaw nito. Lumabas ang kanyang Virtual Screen pagkatapos niyang gawin iyon at mabilis na ini-open ang area map. Nalaman niyang nasa isang maliit siyang Teleporting and Healing Area. Dito sa lugar na ito ay maaaring mag-heal ang isang player sa pamamagitan ng paglapit sa Healing Fountain. Maaari ring mag-teleport mula rito gamit ang Teleporting Scroll papunta sa isa pang Teleporting Area na na-clear na ng player. Naisip ni Kirito na lumapit sa Healing Fountain na nasa gitna ng plaza at dito nga'y biglang bumukas ang kanyang VS. "You received two Healing Salves. Accept [x] Ignore [o]" Ito ang notification na kanyang nabasa at agad niyang pinindot ang Accept key. "Ang astig pala ng avatar ko," sabi ni Kirito habang pinagmamasdan ang itsura niya sa tubig ng fountain. Nakita niya na ang bago niyang katawan. May kalaguan na ang buhok niya at nagkaroon pa ng matutulis na bangs. Nakasuot pa siya ng itim na coat at may kakapalan ang tela nito. Nakasuot din siya ng itim na fitted-pants. Black pointed shoes naman ang suot niya sa paa at may kabigatan ito. Maging ang talim ng espadang nakasukbit sa likod niya ay itim din. "Astigin! Black swordman ang style ko," nakangiti pa niyang sinabi habang iwinawasiwas sa hangin ang kanyang espada. Naisip din niyang tingnan ang kanyang stat at nakita niyang zero pa ang karamihan dito. 68 ang kanyang Normal Damage at nalaman niyang isa siyang Melee Type na hero, ito ay ang mga close combat attacker. Ang isa pang uri ng hero rito ay ang Range Type, ito naman ay ang mga distance attacker o mga hero na kayang umatake mula sa malayo. SINIMULAN ni Nigito (Kirito) ang game sa pagpasok sa isang malapit na kakahuyan. Habang naglalakad siya ay biglang isang itim na aso ang sumalubong sa kanya. Normal lang ang laki nito, may mapupulang mata, matatalas na pangil at mukhang napakabangis. Nakita rin niya ang health bar nito sa ulunan at kusa ring bumukas ang kanyang VS para sa data ng AI. Nalaman niyang isa pala itong Level 2 Common Wolf. Mabilis na hinugot ni Nigito ang kanyang espada dahil mukhang ito ang magiging una niyang laban. Alam niyang mababa lang ang Damage ng AI at alam din niyang dapat siyang mag-ingat lalo pa't dalawang Healing Salves pa lang ang item na mayroon siya. Unang umatake ang Common Wolf at laking-gulat ni Nigito nang mapansin ang bilis nito. Tinamaan agad siya ng kalmos sa braso at lumitaw sa vision niya ang pagbaba ng kanyang HP. Bigla tuloy siyang kinabahan at lalong nakapagpakaba sa kanya nang malaman niyang gumagamit pala ng Haste ang AI... Isang skill na nagdadagdag ng 75% sa speed ng kalaban. "Rrrr!" Muli siyang inatake ng AI dahilan para bumaba sa 82% ang kanyang HP. Sinubukan niyang bumawi pero 'di niya ito matamaan. "Masyadong mabilis ang isang 'to." Habang 'di pa sumusugod ang AI ay agad nag-isip ng paraan si Nigito kung pa'no niya ito matatamaan. Sa pag-iisip nga niya ay bigla niyang naalala ang sinabi dati ni Joji sa kanya nang pinag-uusapan nila ang HQO. "Isipin nating mamamatay tayo 'pag natalo sa game na 'to..." Napangiti si Nigito dahil do'n kaya ikinalma niya ang kanyang sarili. "Madali lang 'to," sabi pa niya at seryosong tiningnan ang Common Wolf. "Iisa lang ang direksyon ng pag-atake nito..." Muli siyang inatake ng AI pero sa pagkakataong ito ay nailagan na niya ito. Hindi rin niya inalis ang tingin dito at nang muli siyang inatake nito ay mabilis niyang isinalubong ang kanyang espada rito. Tinamaan sa katawan ang AI at gumulong ito nang bumagsak. Bumaba sa 60% ang HP nito at muling inatake si Nigito... pero isang mabilis na atake ang tumama rito. Bumaon sa katawan ng Common Wolf ang espada niya at dito'y mabilis na naging zero ang HP nito. Sumabog at nabasag ang katawan ng AI pagkatapos no'n, panalo si Nigito. "Wooh! Ganito pala 'to. Astig!" bulalas pa niya at pagkatapos ay bumukas ang kanyang VS. Naka-receive kasi siya ng 5 Experience Points (EXP) at 5 Coins dahil sa pagkapanalong 'yon. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad sa kakahuyan kung saan ay may nakalaban pa siyang mga low level AIs at lahat ng iyon ay kanyang natalo. Nakalabas siya ng kakahuyan na 25% na lamang ang natitira sa HP kaya agad niyang ginamit ang kanyang isang Healing Salve. Nabalutan siya ng berdeng liwanag dahil do'n at sa loob ng sampung segundo ay napunong muli ang kanyang HP. "Astig talaga rito! 'Di ako nagugutom, inaantok at nasasaktan," sabi pa ni Nigito habang naglalakad siya sa isang malawak na damuhan. Napangiti pa siya nang makitang 700 na ang Coins niya, kaya agad niyang tiningnan ang area map at nakita niyang may isang malapit na Village mula sa dinadaanan niya. Na-excite siya dahil gustong-gusto na niya ring masubukang bumili ng items. Tumakbo na siya para madaling makarating doon subalit isa Level 1 Wild Pig ang sumalubong sa kanya. Napangiti agad siya at mabilis na hinugot ang kanyang espada nang makita ito. "Madali lang 'to," sabi pa niya at mabilis niyang inatake ang AI. Isang mabilis na Sword s***h ang ginawa ni Nigito na sinundan pa ng isang mabilis na Straight Body Hit, dahilan para bumaba kaagad sa zero ang HP nito at mabasag na animo'y salamin. "Congratulation! You reached new level." Matapos makuha ni Nigito ang ExP at Coins ay bigla naman itong lumabas sa kanyang VS. Napa-yes pa siya dahil dito at nakita niya rin ang pagbabago sa kanyang ilang stat. Tumaas sa 120 ang full HP Bar niya, 60 ang full MP at naging 70 ang Normal Attack Damage niya. "Astig ng game na 'to! Level 2 na ako..." *TO BE CONTINUED*
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม