Chapter 11

1554 Words
Takang-taka ang Mommy Arianna ni Scarlett nang humahagulhol na dumating siya sa mansiyon. 'Buti na lang at wala pa doon ang kaniyang dalawang kapatid at ang Daddy niya. “What happened to you, baby?” Nagtatakang tanong ng ina. Bilang sagot ay sinugod niya ito ng yakap at sa balikat nito siya nagpatuloy sa pag-iyak. Masuyo naman nitong hinagod ang kaniyang likod. “Alam mong handa akong pakinggan ka kahit ano man ‘yan.”Subalit hindi sumasagot si Sarrlett kaya dinala na siya nito sa kaniyang kuwarto. Dumapa siya sa kama habang hinahaplos-haplos pa rin nito ang kaniyang buhok. “Gagaan ang pakiramdam mo kung mailalabas mo ‘yan.” Patuloy lang sa pag-iyak si Scarlett. Hindi siya makapagsalita dahil sa sobrang sakit na bumabalot sa kaniyang puso. Hindi naman siya iniwanan ni Mommy Arianna hanggang sa medyo kumalma si Scarlett. “It hurts, ‘My. Para po akong mamamatay sa sobrang sakit, ” saad niya habang humihikbi. “Akala ko ako na ang pinakamasuwerteng babae sa mundo noong mga panahong inisip kong mahal ako ni Brayden. But I was wrong. Dahil ako pala ang pinakatanga for trusting him. Bakit ganon, ‘My?" Pinunasan niya ang kaniyang mga luha. "B-bakit hindi niya ako nagawang mahalin? Dahil ba sa baduy ako? Or because I’m a boring girlfriend?” puno ng paghihinakit na pahayag pa ni Scarlett. At sa pamamagitan ng paghikbi ay ikinuwento niya sa ina ang nangyari. Napansin niya ang pagkuyom ng mga kamay ni Mommy Arianna. Hindi rin marahil nito inaasahan ang ginawa sa kaniya ni Brayden. Dahan-dahan siya nitong inangat mula sa pagkakadapa sa kama at niyakap. “There’s nothing wrong with you, baby. It’s Brayden. Hindi lang siya marunong magpahalaga ng isang 'tulad mo.” Pinunasan nito ang kaniyang luha. “He didn’t deserve these tears. He’s not worth crying for. Get up and fix yourself. Huwag mong sayangin ang luha mo doon sa lalaking ‘yon.” Luhaang umiling si Scarlett. “Pero hindi po gano'n kadali, ‘My. Mahal ko pa rin siya kahit ganito na ang ginawa niya sa’kin.” Masuyo nitong hinaplos ang kaniyang buhok. “Talagang masakit habang fresh pa ang sugat. Pero unti-unti ring hihilom ‘yan. You’re too young at madami ka pang makikilala na lalaking para sa’yo.” Maya-maya ay may narinig silang katok sa pinto ng kaniyang kuwarto. “Ma’am Scarlett, nasa baba po si Sir Brayden.” Boses iyon ni Yaya Belen. Napatiim-bagang ang dalaga. “Talagang ang kapal ng mukha niya!” Tumayo siya pero pinigil siya ng ina. “Hayaan mong ako na ang kumausap sa kaniya.” Wala nang nagawa si Scarlett nang lumabas na ng kuwarto si Mommy Arianna. Gusto niyang sumilip sa hagdan para marinig ang pag-uusap ng mga ito pero pinigil siya ng galit. Sa bintana ng kuwarto na lang niya inabangan ang binata. Malungkot itong naglalakad paglabas ng gate. “Nalulungkot ka dahil maaga kong nalaman ang panlkloko mo!” wika ni Scarlett na animo’y naririnig siya ni Brayden. Subalit hindi pa rin niya napigilan ang pagdaloy ng kaniyang mga luha papunta sa pisngi, nang tuluyan itong mawala sa kaniyang paningin. Bumalik siya sa kama at humiga. Hindi na niya nakayanan ang bigat ng talukap sa kakaiyak kaya unti-unti siyang hinila ng antok. *********** Masakit ang mga mata nang magising si Scarlett kinabukasan. May pasok siya ngayon pero wala siyang balak bumangon. Hindi na rin siya papasok ng eskuwela. Dahil bukod sa ayaw niyang makita si Brayden, ay hindi na rin niya kakayanin sakaling kutyain na naman siya ni Lilian. Wala na siyang kalaban-laban dito ngayon. Buti na lang at patapos na ang klase at nakapag-take na siya ng final exams. One week na lang din naman at magsasara na ang school year. Narinig niya ang pagkatok sa pintuan. Inakala niya ang kaniyang Mommy Arianna iyon. “Pasok po.” Walang kalakas-lakas na sagot niya. Naramdaman niyang umupo ito sa kama pero hindi pa rin siya nag-abalang tingnan ito. “Sinabi na sa’kin ng Mommy mo ang nangyari.” Nagulat si Scarlett nang boses ng ama ang kaniyang narinig. Gustuhin man niyang humarap dito ay hindi niya magawa. Natatakot siyang makita nito ang pamamaga ng kaniyang mga mata dahil siguradong pagagalitan lang siya. “I want to blame you for not listening to me. Pero alam kong may kasalanan din ako sa nangyari. Dahil sa kabila ng naramdaman ko noon na hindi maganda about that man ay hinayaan ko pa rin ang Mommy mo na kunsintihin ka. It’s because I love you. At ayokong isipin mo na lagi na lang akong humahadlang sa mga kaligayahan mo.” Lalong napaiyak si Scarlett sa sinabi ng ama. Ito ang unang beses na kinausap siya nito nang masinsinan tungkol sa ganitong bagay. Madalas ay puro sermon at paalala ang naririnig niya mula rito simula ng maging sila ni Brayden. Masuyo na hinagod nito ang kaniyang likod at nagpatuloy sa pagsalita. “Natatandaan mo pa noong eighteenth birthday mo? Di ba sinabi ko sa’yo na hahayaan na kita sa mga magiging desisyon mo sa buhay. Dahil alam kong hindi ka tutulad sa dalawa mong kapatid. Pero parang gusto ko ng pagsisihan ‘yon ngayon habang nakikita kitang nasasaktan dahil sa naging desisyon mo." Puno ng simpatiya ang boses ng ama ni Scarlett, bagaman may pagsisisi siyang naramdamam doon. "Gusto kong pagsisihan kung bakit hinayaan pa kitang magdesisyon ng sa’yo lang. "Nakalimutan kong eighteen ka lang pala.” Kinabahan si Scarlett. Parang alam na niya ang gustong sabihin ng ama. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Alam kong mahihirapan kang kalimutan ang lalaking iyon hanggat nakikita mo siya. Kaya napagpasiyahan namin ng mommy mo na ipadala ka sa Japan at doon na magpatuloy sa pag-aaral.” Natigilan siya at marahil ay nakita nito ang pagka-disgusto sa kaniyang mukha kaya maagap itong nagsalita. “And I don’t want to hear any ‘buts’ from you.” May pinalidad sa boses ng ama. High school pa lang kasi si Scarlett ay kinukuha na siya ng kaniyang Auntie Liza, kapatid ng kaniyang ama. Matandang dalaga ito at kasalukuyang nanininirahan sa Japan dahil sa isang business. Mabait naman ang matanda kaso ayaw niyang mawalay sa kaniyang pamilya kaya hindi siya pumayag na doon manirahan. Tinutulan rin iyon ng kaniyang ina kaya hindi natuloy ang pagpunta ni Scarlett noon sa Japan. Napuno ng pagprotesta ang luhaang mukha ni Scarlett. “Dad, please! Gagawin ko na po lahat ng gusto n'yo. Ngayon pa lang, kakalimutan ko na si Brayden. Lilipat po ako ng ibang school. But please, don’t send me there. Ayoko po sa Japan. Ayoko pong malayo sa inyo. Hindi ko po kaya.” Matigas ang mukha na umiling ang ama. “This is final, Scarlett. Aalis ka ng bansa sa lalong madaling panahon, whether you like it or not.” Yumakap siya sa ama na animo’y batang nagmamakaawa, habang humahuglhol. "D-dad, please... Don't do this to me. Magpapakabait na po talaga ako. I promise you that." Tinapik-tapik ni Daddy Vergilio ang likod ni Scarlett. "It's for your own good, hija." Panay pa rin ang pagmamakaawa niya sa ama. Hanggang sa may narinig silang nagsisisigaw sa labas ng kanilang gate. Sabay silang napasilip sa bintana ng kaniyang kuwarto. “Scarlett! Please, mag-usap tayo!” Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita si Brayden. Pinipilit nitong buksan ang kanilang gate. Sa kabila ng galit ay nakaramdam si Scarlett ng pangungulila sa nobyo. "Ito ang dahilan kung bakit ipapadala kita sa Japan!" galit na bulalas ng ama. "Dahil kung hindi, baka mapatay ko lang ang lalaking ‘yan kapag nakikita ko siya palagi!” Hindi na napigilan ni Scarlett ang ama nang dali-dali itong lumabas ng kuwarto niya. Nakaramdam siya ng takot sa posibleng gawin ng ama kay Brayden. Sa kabila ng pananakit nito sa kaniya ay aminado si Scarlett mahal pa rin niya ito at hindi niya kayang makitang saktan ito ng ama. Kaya hinabol niya at pinigil ang kaniyang Daddy Vergilio. “Dad, please. Don’t hurt him. Ako na po ang kakausap sa kaniya.” Matigas itong umiling. “Hindi ko hahayaang makita ka pa at mahawakan ng sira-ulo na 'yon! Stay here!” Alam ni Scarlett kung paano magalit ang ama oras na sinuway pa niya ito. Nag-abang na lang siya bintana sa posibleng gawin nito sa nobyo, habang kinakabahan. Tinatawag siya ni Brayden pero hindi niya ito pinansin. Maya-maya’y lumabas na ang kaniyang ama, kasunod ang kaniyang Mommy Arianna. Nagulat si Scarlett nang biglang suntukin ng kaniyang Daddy Vergilio si Brayden. Lihim na nasaktan si Scarlett para sa nobyo. Gusto niya itong babain pero nasasaktan pa siya. At natatakot siya sa ama. Marahil ay mas malala pa ang inabot ni Brayden sa Daddy Vergilio niya kung hindi pinigil ng kaniyang ina. Nagpupumilit pa rin si Brayden hanggang sa dumating na ang mga security guards at kaladkarin ito palabas ng village. Ngunit kahit papalayo ay patuloy pa rin nitong isinisigaw ang pangalan ni Scarlett. Nanlulumo na lang siyang bumalik sa kama at muling umiyak. Naaawa siya sa binata pero hindi rin niya masisisi ang kaniyang Daddy Vergilio. Mas lalong hindi niya masisisi ang sugatang puso. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay natuloy na nga sa Japan si Scarlett. Hindi na rin siya natulungan ng kaniyang Mommy Arianna na kumbinsehin ang Daddy Vergilio na huwag siyang ipadala roon. Dahil ayon dito, may punto ang kaniyang ama sa pagkakataong iyon. Wala naman siyang nakuhang reaksiyon mula sa mga kapatid niya. Kaya sobrang labag man sa kalooban ay napilitan si Scarlett na mangibang-bansa. Umalis siyang baon ang wasak na murang puso...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD