Chapter 13

2321 Words
Excited na bumaba ng sasakyan si Brayden. Magkikita kasi sila ngayon ng bestfriend at kababata niya na ilang taon na niyang hindi nakikita. Three days ago ay kinontak siya nito na magkikita raw sila dahil kadarating lang nito mula Japan. Kaso busy si Brayden kaya ngayon lang siya nakipagkita. Ipapakilala raw kasi nito sa kaniya ang babaeng papakasalan. "Pare, it’s been a very long time!” Tuwang-tuwa si Brayden nang makapasok siya sa restaurant at makita niya si Albert na mag-isang nakaupo. Si Albert ay dati ring kasamahan ni Brayden sa banda pero nag-migrate ang pamilya sa Japan. Ang alam niya, isa na rin itong sikat na vocalist sa nasabing bansa. At si Brayden ang naunang natuwa nang malaman niya iyon. Dahil natupad pa rin nito ang pangarap. "Pare!" Tumayo si Albert nang makita siya. Pagkatapos ay nagtapikan sila. "Nagtatampo na ako sa’yo kasi noong isang araw pa kita tinatawagan pero hindi mo ako sinasagot. Mukhang super busy ka sa mga babae mo, ah.” Pabiro niya itong binatukan. “Alam mo namang parehas tayo pagdating sa babae. Stick-to-one.” Sabay silang nagkatawanan. “Ang totoo niyan, nasa isang show ako nang tinawagan mo ako kaya hindi ko nasagot. Tapos naging busy na ako nang sumunod na araw.” “Wow! Mukhang parehas tayong sinuwerte sa career na gusto natin, ah.” Napabuntong-hininga si Brayden. “Mas masuwerte ka, pare, dahil todo support ang family mo sa pagtutugtog mo. Ako, pa sideline-sideline lang kapag walang gaanong inaasikaso sa kumpanya. Alam mo namang ako lang ang inaasahan ni Papa sa family business namin dito sa Pilipinas," pagkukuwento ni Brayden. Dalawa lang silang magkapatid ni Dianna, ang little sister niyang may down syndrome. Ito rin ang naging dahilan kung bakit sa Australia nanirahan ang pamilya niya, para mabigyan ito ng tamang medication. Kaya mag-isang naiwan si Brayden dito sa Pilipinas para sa negosyo nila. Tinapik siya ni Albert sa balikat. “Okay lang ‘yon, pare. At least, kahit papaano ay nagagawa mo pa rin ang gusto mo.” “Kung puwede nga lang na iwanan ko na ang pagkakanta, eh. Kaso hindi puwede.” “Siyempre, ito ang first love natin parehas, eh. Mahirap talagang i-give up.” Malungkot na umiling si Brayden. “Mas mahirap iwanan, pare, dahil dito ko nakilala ang babaeng nagmahal sa’kin ng sobra. Number one fan ko ‘yon dati, eh.” “Wew! Parehong-pareho nga talaga tayo, pare. Corny pagdating sa babae. Sa pagkanta ko rin nakilala ang fiancee ko ngayon.” Tumawa si Albert. “Sana isinama mo na rin ang girlfriend mo. Double date sana tayo. At para makilala ko na rin sana.” Tumingin ito sa suot na relo. "Mayamaya nandito na rin ang fiancee ko." Malungkot siyang tumingin sa labas ng restaurant. Ramdam ni Brayden ang kirot na gumuhit sa puso niya. “She’s gone, pare. I mean, matagal na kaming wala. At kasalanan ko ko dahil hindi ko agad naipakita sa kaniya na mahal ko rin siya." Mapait siyang ngumiti. "Ni hindi ko nasabi sa kaniya ang feelings ko. Umalis siya na hindi man lang nagpaalam sa'kin." "I'm sorry, pare." Nakikisimpatiya na tinapik siya ni Albert sa balikat. Halatang nalulungkot din ito para sa kaniya. "Pero huwag kang mag-alala dahil sigurado akong magkakabalikan din kayo n'on. Ang sabi mo nga, minahal ka niya ng sobra. Ibig sabihin, hindi agad-agad mawawala ‘yon. Maybe, kailangan lang niya ng time and space." Napailing si Brayden, nakarehistro pa rin sa mukha niya ang sakit. “Wala ng pag-asa, pare. Seven years ago pa ‘yon at kung saan man siya ngayon naroroon, sigurado akong masaya na siya. At iisipin ko lang na masaya na siya, nagiging okay na ako." Kumisap si Brayden nang maramdaman niyang humapdi ang kaniyang mga mata. "Nagiging happy na rin ako." Tumango-tango si Albert. “Well, tama ka diyan, pare. Siguro nga hindi lang talaga kayo para sa isa’t-isa.” Napakibit-balikat na lang si Brayden. Ayaw na niyang pahabain pa ang pa-uusap nila tungkol sa babaeng iyon. Dahil lalo lang siyang nasasaktan. “Ikaw? Talagang masuwerte ka sa career at sa lovelife mo," pag-iiba niya ng usapan. Kumislap ang mga mata ni Albert. “Talaga, pare! Sobrang suwerte ko dahil nakita ko na ang babaeng gusto kong makasama habambuhay.” “Wow! I’m so happy for you, pare. Napaka-suwerte siya sa’yo. Ano nga pala ang pangalan niya?” Sa halip na sagutin siya ay tumayo si Albert nang tila may makita. Nakatalikod si Brayden sa entrance ng restaurant kaya hindi niya nakikita ang mga pumapasok doon. “O, nandito na pala siya, eh," kapagkuwan ay sabi ni Albert at saka tumayo. Lumingon si Brayden para makita ang sinasabi ng kaibigan. Pero daig pa niya ang binuhusan nang malamig na tubig nang makilala ang babaeng tinutukoy ni Albert. Maraming taon man ang lumipas subalit hindi niya maaaring makalimutan ang maamo nitong mukha. Nawala man ang malaki nitong salamin, at sophisticated man ito ngayon kumpara sa boyish look nito noon ay ito at ito pa rin ang babaeng minahal noon ni Brayden. Bumilis ang t***k ng puso ng binata nang makita niya ang pagkagitla rin sa mukha ng babae. Ibig sabihin ay naaalala pa siya nito. Scarlett... Nagpatingin-tingin sa paligid ng entrance si Brayden. Umaasa siyang ibang babae ang tinutukoy ni Albert. Ngunit hindi iyon nangyari nang lapitan ito ng kaibigan niya at hinalikan sa pisngi. Napakuyom siya. Dinig na dinig niya ang unti-unting pagkawasak ng kaniyang puso. “Ma-traffic ba, hon?” Narinig niyang tanong ni Albert sa nobya, na lalong nagpawasak sa puso niya. Ni hindi siya makatingin nang diretso sa mga ito. Nang magkatinginan silang dalawa ni Scarlett ay kaagad itong umiwas. Humarap ito sa nobyo. “M-medyo. k Kaya natagalan ako. Kanina pa ba kayo?” Nakangiting inakbayan ni Albert si Scarlett. "It’s okay, hon. By the way, this is Brayden. Siya ‘yong kinukuwento ko sa’yo noon na kaibigan ko nang high school at naging vocalist din ng band namin.” Humarap sa kaniya si Albert. “Pare, this is Scarlett, ang sinasabi ko sa’yo kanina na babaeng mahal na mahal ko at pakakasalan ko.” Pinilit niyang maging kalmado sa harap ng kaibigan at magpanggap na okay lang siya. Kahit ang totoo ay durog na durog na ang puso niya. Inilahad niya ang kamay na bahagyang nanginginig. “N-nice meeting you, Scarlett.” Atubili nitong inabot ang kaniyang kamay at taas-noong sinalubong ang kaniyang tingin. “N-nice meeting you again, Brayden.” Madiin ang pagkasabi nito sa ‘again’ kaya nagtaka si Albert. “Again?” Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Scarlett. "Nagkita na ba kayo dati?" “Yes, we were-” “Schoolmates kami dati sa Collegio de St. Agnes, hon," mabilis na agaw ni Scarlett sa sasabihin sana ni Brayden. “Oh! How coincidence, huh?" Hini makapaniwalang sabi ni Albert "Hindi ko alam, pare, na lumipat ka pala ng eskuwelahan. Akala ko sa De La Salle ka gumraduate kung saan tayo nag-high school.” “Nang mag-shift ako ng course ay nag-transferred out na rin ako sa La Salle," sagot ni Brayden pero matiim pa rin siyang nakatitig kay Scarlett. Kung hindi siya nagkakamali, galit ang nababasa niya sa mga mata ng dalaga. At nasasaktan siya. Nakaramdam ng selos si Brayden nang hapitin ito ni Albert sa beywang at alalayan sa pag-upo. Bigla ay nagbago ang tingin niya sa kaibigan, pakiramdam niya ay tina-traidor siya nito. Panaka-naka pa rin silang nagkakatinginan ni Scarlett hanggang sa dumating na ang kanilang inorder na pagkain. “Kumusta na nga pala kayo ng Lilian ba ‘yon? Di ba siya ‘yong girlfriend mo nong huli akong umuwi dito?” Muntik nang masamid si Brayden sa klase ng tanong ni Albert. Si Lilian pa nga pala ang huling babae na naikuwento niya noon kay Albert. Nag-aalala na tumingin muna siya kay Scarlett bago nagsalita. Pero nakatutok lang ito sa pagkain. “Matagal na kaming wala n'on, pare.” “Oh, really? Di ba mahal na mahal mo ‘yon? Siguro dahil don sa babaeng sinasabi mo sa’kin kanina na number one fan mo, 'no? Iyong nagmahal sa’yo ng sobra.” Marahil ay agad nahulaan ni Scarlett ang pinag-uusapan nila kaya sa gulat ay nabitawan nito ang kutsara. Natalsikan tuloy ng pagkain ang damit ni Albert. “Oh! I’m sorry, honey. Dumulas kasi sa kamay ko, eh,” paliwanag ni Scarlett at saka mabilis na pinunasan ng tissue ang suot ng kasintahan. Hindi matagalan ni Brayden na panoorin ang pagiging sweet ng dalawa kaya iniliko niya sa ibang direksiyon ang mga mata. “It’s okay... it's okay." Pinahinto ni Albert si Scarlett sa pagpupunas. "Pero kailangan ko munang pumunta ng comfort room para maglinis. Ayos lang ba kung iwanan muna kita dito sa bestfriend ko?” “No-” “Okay lang, pare," maa mabilis na sagot ni Brayde. "Para naman makumusta ko ang schoolmate kong ‘to.” Nahalata niya ang matalim na tinging ipinukol sa kaniya ng dalaga. Pero binalewala niya iyon. "Just take your time." ************** Nang umalis si Albert ay niwan sila ni Scarlett na parehas walang imik. Tila nakikiramdam lang sa isa't isa. Sigurado siyang wala itong kabalak-balak na kausapin siya kaya siya na ang unang nagbukas ng usapan. “You’ve changed a lot, Scarlett. And I like it... You look more beautiful.” Buong-puso niyang sinuyod ng tingin ang mukha ng dalaga. Kaya pala hindi na ito nakasuot ng salamin dahil naka-contact lens na. Nanatili itong walang kibo subalit hindi siya sumuko.”Kumusta ka na, Scarlett?” “Hindi ba obvious na okay at masaya na ako kay Albert," maanghang na sagot ng dalaga nang tingnan siya nito nang matalim. Napakuyom si Brayden. Parang hiniwa nang matalim na kutsilyo ang puso niya. “Well, I’m so glad to hear that." Pilit siyang ngumiti. "Okay na sa’kin ‘yong marinig na masaya ka. At least, kahit isa man lang sa’tin ay nakapag-moved on sa nangyari sa’tin.” She smirked. “And what are you trying to say? Na na-dehado ka rin sa nangyari sa'tin? Dahil kung gan'on nga, ito lang ang masasabi ko, Brayden. Ang kapal ng mukha mo!” puno ng sarkasmo ang boses nito. Pagkatapos ay umiwas ng tingin. Dumoble ang sakit na rumehistro sa mukha ni Brayden. “Bakit, Scarlett? Ano sa palagay mo ang mararamdaman ko pagkatapos akong iwanan ng girlfriend ko? Na hinintay kong bumalik pero sa muli naming pagkikita ay malaman ko na lang na girlfriend na pala siya ng bestfriend ko." Nilunok ni Brayden ang tila bara sa kaniyang lalamunan nang magnadyang pumiyok ang kaniyang boses."Ipinagpalit mo ako na walang formal closure, Scarlett. Tapos tatanungin mo ako kung nadehado ba ako sa relasyon natin before?” Ikinagulat niya ang mabilis na pagdapo ng palad nito sa kaniyang pinsgi. “How dare you say that, Brayden? Ikaw pa ngayon ang may ganang maghinakit pagkatapos ng ginawa mo sa’kin noon?" Namula ang mga mata ni Scarlett. "At ang kapal pa ng mukha mo para humingi ng closure? Bakit? Relasyon na bang matatawag ang isang buwang pagpapakatanga ko sa’yo?” “Hindi iyan ang ibig kong sabihin, Scarlett." Sinubukan niyang hawakan ang kamay ng dalaga pero umiwas ito. "I admit, kasalanan ko kung bakit hindi ko agad sinabi sa’yo kung gaano kita kamahal," malungkot na paliwanag ni Brayden. "P-pero iyon lang naman ang kasalanan ko, eh. Kung hinayaan mo lang sana akong magpaliwanag sa’yo.” Natawa ng sarkastiko si Scarlett. “It’s too late, Brayden. Whatever you wanna say, it’s useless. Dahil masaya na ako kay Albert at matagal na kitang binura sa buhay ko. At ikakasal na ako." Nasaktan siya sa narinig. Pero sigurado si Brayden na nahuli ng paningin niya ang mga luhang kumislap sa mga mata ni Scarlett bago ito muling umiwas ng tingin. "I miss you, Scarlett. I miss you so... Bad." Pumiyok na ang boses niya kaya tumigil na siya. Hahawakan pa sana niya ang kamay ng dalaga. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili bago pa man makahalata si Albert na parating na. Pilit na ibinalik ni Brayden ang sarili sa tamang huwisyo. “Sorry if natagalan ako, ha," bungad ni Albert na walang kamalay-malay sa mga nangyari. Ayaw ni Brayden na paglihiman ang kaibigan. Pero hindi pa ito ang tamang oras para sabihin niya ang totoo. Baka hindi rin niya kayanin. “It’s okay, hon," si Scarlett ang unang sumagot na halatang pilit ding pinapakalma ang sarili. “Siyanga pala, nabanggit n'yo kanina na schoolmates kayo dati, di ba?” tanong ni Albert kapagkuwan. “Baka naman kilala mo, hon, ‘yong babaeng tinutukoy ni Brayden. Iyong number one fan daw niya noon na inlove na inlove sa kaniya.” Lihim silang nagkatinginan ng dalaga. Magsasalita na sana si Brayden pero naunahan siya ni Scarlett. "Hindi naman kami personal na magkakilala ni Brayden, hon, eh. Nakilala ko lang siya dahil sa banda nila.” Naramdaman ni Brayden na tila tinutusok ng karayom ang kaniyang puso sa muling pagtatanggi ni Scarlett sa kaniya. "Gan'on ba?" Ngumiti sa kaniya di Albert. “'Buti hindi mo ‘to naging avid fan? Napakahilig nito sa music, eh.” “Hon, di ba may appointment ka pa sa manager n'yo?” mabilis na saad ni Scarlett. Alam ni Brayden na gusto lang nitong makaiwas kaya nagyaya ng umalis. Napatingin sa suot na relo si Albert. “Oh! I almost forgot. Okay lang ba, pare, kung mauna na kami?" “It's okay, pare," pagsisinungaling niya. Ang totoo niyan, gustong-gusto pa niyang manatili sila roon dahil gusto pa niyang makasama si Scarlett. Pero alam ni Brayden na wala na siyang karapatang pagmasdan nang matagal ang dalaga. Hindi katulad noong kaniyang-kaniya pa lamang ito. Tumayo na si Albert at inalalayan naman si Scarlett. "Nice meeting you again, pare. One of these days, doon naman tayo sa condo unit ko mag-bonding.” Tumango lang si Brayden sa kabila ng duguang puso. Tinapunan niya ng tingin ang dalaga subalit nanatili itong nakatanaw sa labas ng restaurant at halatang iniiwasan siya. “Bye, Scarlett..." paalam niya sa dalaga kasabay ng pagkirot ng kaniyang puso. “Bye,” kaswal nitong tugon na hindi man lang nag-abalang tingnan siya. Magka-holding hands na lumabas ng restaurant ang dalawa na lalong nagpadurog sa puso ni Brayden. Malungkot siyang umalis nang makaalis na sina Scarlett at Albert.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD