Pagkatapos ng klase, imbes na umuwi ay dumiretso si Scarlett sa Anonas. Nalaman kasi niyang may show doon sila ni Brayden. Kanina pa niya ito tinatawagan pero hindi sumasagot. Medyo nagtatampo siya sa binata kasi first monthsary nila pero hindi man lang siya nito naalalang batiin.
Buong araw din silang hindi nagkita. Balak pa naman sana ni Scarlaett na sabihin ang totoo kay Brayden. Na siya ang ang secret admirer nito. Marahil ay busy lang ang nobyo kaya nagpasya na lang siyang puntahan ito.
Dumaan muna si Scarlett sa mall at bumili ng gift para kay Brayden. Naisip niyang gitara ang ibigay dahil mahilig din namang tumugtog ang nobyo. Excited si Scarlett habang papunta ng Anonas. Siguradong magugulat at matutuwa si Brayden kapag nakita siya at ang kaniyang regalo.
Pagdating sa bar ay ipinarada ni Scarlett ang kotse ng kaniyang Mommy Arianna, na hiniram niya sa ina dahil coding ang kaniyang sasakyan.Pagkatapos ay pumasok na sa loob ang dalaga habang dala-dala ang biniling gitara. Sa bungad pa lang ay nakita na ni Scatlett na nag-iinuman na ang mga ka-grupo ni Brayden at mukhang tapos na ang show. Pero napansin kaagad ng dalaga na wala ang boyfriend niya.
“Hi, guys," bati niya nang makalapit. Medyo lasing na ang mga ito. “Mukhang hindi na ako umabot sa show n'yo, ah.”
Humarap sa kaniya si Mico. “Hello, Scarlett. Yeah, right. Sayang nga at hindi ka nakahabol. Nanibago tuloy kami kanina na wala ang aming number one fan.”
Malakas na tumawa ni JC. Halatang ito ang pinakalasing sa lahat. “Tayo lang, 'no? Pero hindi si Brayden kasi inspired na inspired nga kanina, eh.”
Napansin niyang siniko ni Mico si JC. At pinandilatan naman ito nina William at Diego. Pero hindi na lang na iyon pinansin ni Scarlett. Kahit ang totoo ay tila kumabog dibdib niya.
"Nasaan nga pala si Brayden?" tanong ni Scarlett habang nagpapalinga-linga sa paligid. “First monthsary kasi namin ngayon kaya siguro inspired ‘yong kaibigan niyo,” biro pa ng dalaga.
Tumungga ng alak si JC at saka tumingin uli sa kaniya na namumungay sa kalasingan ang mga mata. “'Buti nga sana Scarlett kung gan'on. Kung ganado siya dahil sa'yo. Kaso hindi, eh. Alam-”.
Napalunok si Scarlett. Lumakas ang kaba niya. Tila may karayom na tumusok sa kaniyang puso.
“JC!” mabilis na saway ulit ni Mico kay JC.
“W-what do you mean, JC?” hindi nakatiis na tanong ni Scarlett. Naguguluhan na kasi siya sa inaaktp ng mga kaibigan ni Brayden.
“W-wala ‘yon, Scarlett. Lasing na kasi ‘yang si JC, eh. Kaya kung anu-anong sinasabi," paliwanag ni Mico. Napansin ni Scarlett na parang tensiyonado ito.
Pilit na nilabanan ni Scarlett ang kaba sa dibdib niya. “Kayo talaga. Nasaan ba kasi si Brayden?”
“Huwag mo ng hanapin dahil siguradong masasaktan ka lang.” Puno ng sarkasmo ang boses ni JC nang sumagot ulit ito..
Lalong dumilim ang mukha ni Mico habang pinandidilatan si JC. Sina William at Diego naman ay nakikiramdam lang. Kinukutuban na si Scarlett nang hindi maganda.
Ngunit hindi nagpatinag si JC at matapang na sinalubong ang matalim na tingin ni Mico. “She deserves to know the truth! Napakabait ni Scarlett para masaktan lang, para lokohin lang. Kung kaya ng konsensiya n'yo, puwes ako, hindi!” Saka ito luluray-luray na tumayo at hinawakan siya sa braso. “Hindi ko ‘to sinasabi sa’yo para saktan ka, Scarlett. Naging mabait ka sa grupo kaya kaibigan na rin ang turing namin sa’yo. Brayden is my friend pero hindi ako sang-ayon sa ginagawa niya sa’yo.”
Hindi makuha ni Scarlett ang ibig iparating ni JC. Subalit lalong lumalakas ang kaniyang kutob. Umiinit na rin ang tagiliran ng kaniyang mga mata. Pakiramdam niya ano mang oras ay sasabog na ang mga luha niya. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa tatlo pang kaibigan ni Brayden, na para bang humihingi ng kasagutan mula sa kanila. Pero tahimik lang ang mga ito, bagaman nakakuyom ang mga kamao. Nang walang makuhang sagot sa mga ito ay saka muling tumingin si Scarlett kay JC.
"A-ano ba talaga ang gusto mong sabihin, JC? Diretsahin mo na ako."
Huminga nang malalim ang lalaki na tila hirap na hirap magsalita saka nagpatuloy. “N-niligawan ka lang ni Brayden para gantihan si Lilian. Para pagselosin ito.”
Para iyong bomba na sumabog sa harapan ni Scarlett. Lumikha din ng ingay ang gitarang nabitiwan niya nang bumagsak iyon sa sahig. Ang mga mata niya ay kusa na ring bumigay. Animo'y ulan na nag-unahan sa pagpatak anh kaniyang mga luha.
Pati ang kaniyang mga tuhod ay biglang nanghina na tila hindi na siya kayang suportahan. Nanikip ang kaniyang dibdib na para bang may pumipiga doon nang malakas. Hindi nakapagsalita si Scarlett
hanggang sa napahagulhol na lang siya.
Tinapik-tapik ng dalaga ang dibdib niyang parang sasabog sa sobrang sakit. "N-no. You're lying, JC. Hindi ako lolokohin ni Brayden."
"I'm sorry, Scarlett. Pero kailangan mo lang malaman ang totoo."
Akmang yayakapin siya ni JC pero itinulak niya ito.
Mabilis na tumakbo palabas ng bar si Scarlett nang hindi na niya makayanan ang sakit. Ni hindi na niya pinulot ang gitara na bumagsak sa sahig. Habang tumatakbo palabas ng bar ay patuloy pa rin sa paglandas ang kaniyang mga luha. Dali-dali siyang pumasok sa kaniyang kotse at doon siya nagpatuloy sa paghagulhol.
Ayaw niyang maniwala kay JC. Pero ano naman ang dahilan nito para siraan ang kaibigan? At bakit hindi man lang kinontra nina Mico? Isa pa, ramdam niyang nagsasabi ng totoo si JC.
"B-Brayden... Bakit mo ginawa sa'kin ito? Naging mabait naman ako sa'yo, ah?" pagtatangis ni Scarlett. "O sadyang tanga lang talaga dahil mahal na mahal kita?"
Sa sobrang galit at sakit na naramdaman ni Scarlett, sinaktan niya ang kaniyang sarili. Mayroong pagsasampalin niya ang mukha, sasabunutan ang buhok at kukurutin ang sarili. Hindi niya matanggap na nasasaktan siya ngayon dahil sa katangahan. Pero ang mas masakit, hindi matanggap ng puso ni Scarlett na nasasaktan siya ngayon dahil sa lalaking minamahal.
Sana sa umpisa pa lang ay naniwala na siya sa hinala ng pakikipaglapit at panliligaw sa kaniya ni Brayden. At ang masaklap pa, noon pa niya alam na mahal pa rin nito si Lilian pero nagbulag-bulagan siya. Isa siyang hangal na humanga at umibig sa isang lalaking walang puso. She hates herself so much for being so stupid!
"I hate you, Brayden!" aniya sa pagitan ng luhaang mga mata.
Habang nagluluksa sa loob ng sasakyan, mula sa bintana ay nakita niya ang kotse ni Brayden na kadarating lang. Sumiklab ang galit sa puso ni Scarlett nang lumabas ito ng sasakyan.
Bababa sana siya para kumprontahin ang nobyo. Ngunit nagulat siya nang kasunod nitong lumabas ay ang babaeng dahilan ng kaniyang paghihinagpis ngayon.
Si Lilian!
Umikot ito sa kabilang pintuan at walang sabi-sabi na niyakap at hinalikan si Brayden sa labi. Parang gumuho ang mundo ni Scarlett sa nakita. Ramdam niya ang unti-unting pagkawasak ng kaniyang puso.
Nakatalikod si Brayden kay Scarlett pero kitang-kita niya nang hawakan nito sa balikat ang dalaga. Na animo'y lalo pang pinalalim ang paghahalikan.
Parang sinaksak ang kaniyang dibdib ng libong beses. Hindi na tumigil sa pagdaloy ang kaniyang mga luha. Ni hindi niya makontrol ang panginginig ng sariling katawan. Parang gusto niyang manakit.
Gusto sana ni Scarlett na lumabas ng sasakyan para kumprontahin sina Brayden at Lilian. Ngunit hindi na niya kayang makita ang harap-harapan na panloloko ng boyfriend. Ayaw na rin niyang lalong magmukhang tanga at kawawa sa harap ng dalawa kaya nagpasiya na lang siyang lisanin ang lugar na iyon.
Winasak ni Brayden ang kaniyang puso. Gusto ni Scarlett na isalba kahit man lang ang pride niya.
Sa pag-alis niya sa lugar na iyon ay baon sa dibdib ni Scarlett ang sobrang galit para sa lalaking minahal ng sobra-sobra pero nagawa pa rin siyang saktan at lokohin.