Seven years later...
“Sigurado ka bang uuwi ka na ng Pilipinas?” tanong ng Filipino-Japanese na kaibigan ni Scarlett na si Alwyna. Ito ang una niyang naging kaibigan sa university na pinag-aralan noon sa Japan. Siguro ay dahil namana nito sa ina ang Filipino traits kaya agad silang nagkapalagayan ng loob.
“Oo. Tinawagan kasi ako ni Mommy kahapon. Malala na daw ang sakit ni Daddy na Hypertrophic Cardiomyopathy, a kind of heart disease," malungkot na tugon ni Scarlett. Bigla ang paninikip ng kaniyang dibdib nang maalala ang kalagayan ng ama.
Nalungkot din ang mukha ni Alwyna. Bakas sa mukha ang mukha ang simpatiya. “Di ba last year lang ang lakas-lakas pa niya? Noong huli siyang pumunta rito?”
Huminga nang malalim ang dalaga para linisin ang naninikip na dibdib. “Pinilit daw ni Daddy na itago sa’kin ang sakit niya dahil ayaw niyang mag-alala pa ako.” Pumiyok ang boses ni Scarlett. "N-nakakatampo nga, eh."
“Kawawa naman si Tito. Gustuhin man kitang pigilan ay hindi ko kaya, Scarlett. Because your family badly needs you right now. Nalulungkot lang ako kasi wala na akong makakasama palagi sa bar para manuod ng mga live bands.” Hinawakan ni Alwyna ang mga kamay ni Scarlett. "Don't worry. I'll pray for his fast recovery. Trust me. Gagaling din ang Daddy mo. At makakabalik ka rito para sabayan pa rin akong manood ng live bands."
Sa kabila kasi nang nangyari sa kanila noon ni Brayden ay hindi nawala ang pagkahilig ni Scarlett sa music. Madalas pa rin siyang manuod ng mga musical show at ang madalas nilang puntahan ni Alwyna ay ang Superdeluxe Bar sa Tokyo.
Dito niya nakilala ang present boyfriend niyang si Albert. Isang pure Filipino vocalist ng band na regular na tumutugtog sa nasabing bar. Kaka-graduate lang nila noon ni Alwyna nang una siya nitong dalhin sa Superdeluxe. At saktong ang grupo nila ni Albert ang tumutugtog sa stage. Kaagad na nagustuhan ni Scarlett ang boses nito dahil hindi nalalayo kay Brayden. Aminado siya ng mga panahong iyon na nakikita niya ang binata sa katauhan ni Albert. Katangahan mang matatawag, subalit patuloy pa rin siyang umiibig sa lalaking nanakit sa kaniya ng mga panahong iyon.
Panay ang cheer noon ni Scarlett sa grupo nila Albert sa tuwing nagpi-perform ito kaya napansin siya ng binata. Naging magkaibigan sila hanggang sa niligawan siya. Mabait ito, sweet, thoughtful at higit sa lahat ay very loving. Mga katangiang nakita niya noon kay Brayden. Pero kalaunan ay may nakita si Scarlett kay Albert na wala sa binata. At iyon ay kaya siya nitong mahalin nang walang ibang babaeng namamagitan. Walang Lilian na sumasagabal.
Kaya pagkalipas ng isang taong panliligaw ay ibinigay niya kay Albert ang kaniyang matamis na ‘oo’. Katunayan, nagbabalak na silang magpakasal next year. Dapat nga this year kaso magiging sukob naman sila ng Ate Sofia niya.
“You’re so quiet na naman," untag sa kaniya ni Alwyna. Pilit pinapasaya ang boses. “Stop upsetting yourself, okey? Magiging okay din si Tito. 'Di ba ikaw na rin ang nagsabi na fighter siya?”
Mapait na ngumiti si Scarlett sa pagitan ng namamasang mga mata. Totoong inaalala niya ang kalagayan ng ama. Dahil sa kabila ng ginawa nitong pagpapadala sa kaniya sa Japan ay hindi siya nagalit dito. Bagkus ay naintindihan na niya ito noong nasa Japan na siya, dahil natutunan niyang kalimutan si Brayden. Humilom ang sugat noon sa kaniyang puso. Bagaman aminado si Scarlett na hindi iyon naging madali. Dahil halos gabi-gabi siyang umiiyak at nangungulila kay Brayden. Hanggang sa natutuhan na lang ng dalaga na galit ang manaig sa kaniyang puso kaya unti-unti siyang nakapag-move on.
Batid ni Scarlett na may bahagi pa rin ng kaniyang puso ang kumokontra sa tuwing sinasabi niya sa kaniyang sarili na totally deleted na si Brayden sa kaniyang puso’t-isipan. Ngunit binabalewala na lamang niya iyon. Iniisip na lang niya kung gaano siya kamahal ni Albert. Ang kaniyang fiancee.
Pinahid ni Scarlett ang mga luha at muling humara kay Alwyna. “Thank you, friend. Tama ka. Malalagpasan ni Daddy ang sakit niya. He's stronger than me.”
Pinunasan din ni Alwyna ang mamasa-masang mga mata. “I’m gonna miss you. For almost seven years, nasanay na akong kasa-kasama ka sa halos lahat ng bagay.”
Pinisil niya ang kamay ng kaibigan. “Me, too. But don’t you worry. Dahil sa oras na gumaling si Daddy ay babalik din naman 'agad ako rito. Kasi walang makakatulong si Auntie Liza sa pagma-manage sa Filipino Veggies de Tokyo.” Isa iyong vegetarian restaurant na katabi ng Superdeluxe bar sa Tokyo na pag-aari ng Aunti Liza ni Scarlett.
“Paano si Albert? Maiiwan siya rito?”
Umiling si Scarlett. “Actually, patapos na ‘yong contract nila sa Superdeluxe. Kaya nag-file muna siya ng vacation leave para makasama sa’kin sa Pilipinas.”
Tumango-tango si Alwyna. “Well, that’s good. Dahil siguradong malulungkot ‘yon kapag naiwan dito. Kaso ako naman itong alone, once na umalis na kayo rito.”
Tinapik niya sa balikat ang kaibigan. “Magkikita pa rin naman tayo.”
“Yeah right. Dito nga pala gaganapin ang wedding n'yo, 'no?” May excitement na nakaguhit sa mukha nu Alwyna.
Iyon ang napag-usapan nila ni Albert, na ayaw niyang sa Pilipinas gaganapin ang kanilang magiging kasal. Dahil siguro ay iniiwasan ni Scarlett na magkaroon pa ng impormasyon si Brayden tungkol sa kaniya. Ayaw niyang magkaroon pa sila ng communucation.
Sa loob ng dalawang taon nilang relasyon ni Albert ay batid ni Scarlett sa kaniyang sarili na ito na ang tamang lalaki para sa kaniya. Pero ewan ba niya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang isipin na ito ang lalaking maghahatid sa kaniya sa altar. Parang may lihim na hinahangad ang kaniyang puso na hindi niya masabi.
Ni hindi kayang kumbinsehin ni Scarlett ang sarili na mahal niya si Scarlett. Kaya lang siya pumayag na magpakasal dahil naniniwala ang dalaga na balang araw ay matutuhan din niyang mahalin si Albert.
“Alam ko ang ibig sabihin ng pananahimik mo na 'yan." Napakislot si Scarlett nang tapikin siya ni Alwyna. "Tungkol ito sa lalaking parte ng past mo. Am I right? Si Brayden, 'di ba?"
Sa tagal ng friendship nila ni Alwyna ay wala nang itinago rito si Scarlett, lalong-lalo na ang tungkol kay Brayden. Ultimo ang pagkakahumaling niya noon sa binata hanggang sa kung paano siya nito sinaktan.
Malimit siyang payuhan ni Alwyna na kalimutan na si Brayden dahil hindi nga raw ito deserving na mahalin. Gayun pa man, batid ni Scarlett alam ni Alwyna ang damdamin niya para sa binata.
Muli itong nagsalita. “Handa ka na ba sakaling magkita kayo ulit?”
Natigilan si Scarlett. Inaamin niyang hindi niya napaghandaan ang bagay na iyon. Sa pag-uwi niya ay posible nga pala silang magkita ulit.
“Maybe," kunwa'y balewala na sagot ng dalaga. "Seven years had past but I still hate him. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang panloloko niya sa'kin noon. Siguro sapat na iyon para hindi na ako maapektuhan oras na magkita kami.”
Napailing si Alwyna. “Ang bitterness mong ‘yan ang magpapahamak sa’yo, friend. Kailangan mo munang kumbinsehin ang sarili mo na nakalimutan mo na nga siya."
She took a deep breath. “Nandiyan naman si Albert, eh. Sapat na siya para labanan ko ang ano mang feelings na meron pa ako para kay Brayden.”
Napailing ulit si Alwyna. “Sorry, friend. Pero hindi ako sigurado diyan."
Hindi matagalan ni Scarlett ang gan'ong usapan kaya pilit niyang iniba ang topic nilang magkaibigan. Marami pa silang napag-usapan hanggang sa umuwi na si Alwyna. At naging busy na rin si Scarlett sa restaurant.
Makalipas ang dalawang linggo ay umuwi nga siya ng Pilipinas, kasama si Albert at ang mga ka-banda nito.