Naupo ako sa isang swivel chair. Parang mas kabado pa ako sa mga magpe-present ganoong hindi naman ako ang magsasalita at sasagot ng mga katanungan. Magaling naman ang dalawa at kapag may bumabato ng tanong sa kanila ay nagagawa nilang masagot. “I think, Yan Ming’s offer is still the best as of now. Mas mura at maayos naman ang serbisyo.” Narinig kong sabi ni Sierra. Parang gusto kong magsalita pero pinigilan ko lamang. Tama bang sabihin niya talaga iyan habang naandito kami? Mabuti na lang din at hindi iyon narinig ng mga kasamahan ko. Baka panghinaan sila ng loob kapag nakarinig na ikinukumpara kami sa iba. “Let them finish presenting, Sierra. Wala naman tayong masyadong alam in terms of imports and shipping, kaya hayaan natin si Zav ang mamili. Nasa kanya rin naman ang huling desis