“Anong kailangan mo, Javier?” Nakaupo na siya sa tapat kong sofa. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito dahil ang daming pumapasok sa isipan ko na maaaring dahilan ni Javier para magpakita siya sa akin. Sa loob ng matagal na panahon ay ngayon na lamang niya ako sinadya ng ganito. Kung nagkikita man kami ay iyong hindi planado sa isang event or conference, pero iyong magpapakita siya sa harapan ng bahay ko, hindi ko mapigilang isipin na may binabalak siya. “How are you? Ang huling kita ko sa ‘yo ay noong conference pa, ah? Audrey misses you—” “Bakit hindi mo pa diretsahin ang tunay na pakay mo, Javier?” We can’t be this friendly. Hindi ako komportable lalo na’t hindi maganda ang history naming dalawa. Bumuntong-hininga si Javier. “I want you to come back, Triana. Alam ko na maaaring hin