Hindi na namin nabuksan pa ang tungkol sa pagpunta ni Silas dito. Natatakot din akong itanong sa kanya kung papayag ba siya sa inaalok ni Silas sa kanya. Pakiramdam ko kasi…masyado iyong sensitibong topic para pag-usapan naming dalawa. Tahimik kaming kumain nang hapunan nang gabing iyon. Hindi ako makapagsalita, natatakot ako na baka kung ano lamang ang masabi ko at magalit si Zavian. Ngunit kailan ba siya nagalit sa akin? Hindi ko masabi. “Hindi ka na mapupuntahan ni Dad dito, I’ll make sure of that. Kahit maiwan kang mag-isa rito, hindi ka na niya malalapitan pa. You’re safe here, Triana.” Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Nilingon ko siya at nakita ko lamang ang blangkong ekspresyon ng kanyang mukha. Naging mapayapa naman ang aming mga sumunod na araw na magkasama. Hindi n