Kabanata III: Ang Reyna

1195 Words
"GALINGAN mo naman, Sina," sabi ng may ash blond ang buhok na babae habang tinutulungang tumayo ang tinawag nitong Sina.  "Nakatsamba ka lamang, Kamahalan," litanya ni Sina. "Sus. Ayaw mo lang amining mas malakas na ako kaysa sa'yo, Sina," sabi ng babaeng tinawag na kamahalan. Ngumiti lang si Sina at pinahid ang dugo sa kanyang gilid ng labi. Sigurado itong putok na naman ang labi nya. "Ayaw lamang kitang saktan, Kamahalan," muling sabi ni Sina. Tumawa ang tinawag na kamahalan.  "Pinahihintulutan naman kitang saktan ako, Sina. Tutal sparring lang naman 'to. Walang personalan, promise."  "Sigurado ka, Kamahalan?" naniniguradong tanong ni Sina dito. "Oo nga. Basta gaya ng dati, wag sa mukha ko kasi alam mo namang importante 'to," pagmamayabang ng babae. Tumango naman si Sina. Mas lalong na-excite ang tinawag na kamahalan. Nagsimula ulit mag-sparring ang dalawa. Muay Thai.  Ang kinalabasan: natalo ang tinawag na kamahalan dahil na-knock out ito pagkatapos masikmurahan ni Sina. Mabilis na tinawag ni Sina ang royal doctor para suriin ang kamahalan. Humahangos din na dumating ang head chambermaid na si Arthur ng marinig nya sa mga chismosang mga katulong na nahimatay ang kamahalan. "Anong nangyari?" bakas ang pag-aalala sa mukha ng ginoo habang tinatanong si Sina. "Eh nag-i-sparring lang po kami tapos nung hindi ko sya sineseryoso sa laban, hiniling nyang magseryoso daw ako. Kaya ayun po." Sobrang nag-aalala din si Sina sa kamahalan. Sa isip nya'y baka napuruhan nya ito. Hindi nya talaga mapapatawad ang sarili. "Nakuuu... nakuuuu... mamatay ako ng maaga sa pinaggagawa nyong mga bata kayo. Ba't mo kasi sineryoso, alam mo naman wala syang laban sa'yo. Yang nguso mo, puputukin ko pa yan. Halika ditong bata ka," sabi ni Arthur na hinampas-hampas sa braso si Sina. "Aray. Aray. Aray po. Hindi ko naman--- aray --- kagustuhan--- aray--- yun eh." Umiiwas na nagtatakbo si Sina sa loob ng sparring room pero hinahabol pa rin sya ng matanda. Nakatikim pa ng maraming pangaral si Sina. Kahit na sinabi na ng royal doctor na okay lang ang kamahalan ay panay pa rin ang pangangaral ni Arthur kay Sina. Nakayukong nakabusangot na lamang si Sina. Nagsisisi itong nakinig sa hiling ng kamahalan na alam nya namang wala talagang kaya ito sa kanya pagdating sa physical fight. Malakas naman ang kamahalan physically. Katunayan, kaya nitong patumbahin ang ibang royal guards sa totoong sparring kaso mas malakas nga lamang si Sina dito. Pero medyo masakit din ang panga ni Sina dahil dun sya napuruhan ng kamahalan kanina. Si Sina na mismo ang bumuhat sa kamahalan, bridal style, papunta sa silid nito ng sabihin ng royal doctor na kailangan lang magpahinga ng huli. Si Sina, ang head guard or security ng Kahariang Matimsay. Magkababata sila ng kamahalan at anak ito ng head chambermaid na si Arthur. Si Arthur na nasa limampu’t taong gulang na ay matagal na ring naglilingkod sa royal family lalo na sa namayapang hari at reyna. Kamukha ni Arthur ang artistang si Joel Torre.  Ulilang lubos na ang namumuno sa Kaharian Matimsay. Ito ay si Reyna Prima Donna Lazaro.  Kahit ulila na ang reyna ay isa ito sa mga larawan ng matagumpay at mabuting ehemplo sa mga babaeng mamumuno. Labing anim pa lang ito ng maging reyna dahil namatay ang amang hari nito dahil sa sakit. Patay na din ang totoong Ina ng reyna dahil namatay ito sa sakit nung sya'y limang taong gulang pa lamang. Ngayon ay dalawampu't limang taong gulang na ito. Syam na taon nya na ding tinataguyod at pinamumunuan ang Kahariang Matimyas. Ang head chambermaid na si Arthur ang nagsilbing parang gabay o royal tutor ni Reyna Prima. Malaki ang tiwala nito dito at sa anak nitong si Sina na kasing edad ng kamahalan. Bata pa lang kasi ay magkakilala na ang mga ito, magkalaro. Pero kahit noon pa man ay seryoso na si Sina sa pagbabantay sa kamahalan kahit noong prinsesa pa ito. Hinangad pa ni Sina na maging malakas para maproteksyunan ang kanyang reyna kaya nagsumikap ito. At kamakailan nga'y sya na ang head guard palasyo. Hindi dahil anak sya ng head chambermaid kundi dahil malakas talaga si Sina. Pati nga ang dating head guard ay walang kaya sa lakas at abilidad ni Sina. Ang features ni Sina ay kagaya ng actress na si Brie Larson. Magkasing tangkad din ang reyna at si Sina sa height na 5'7". Nakapagbihis na't lahat si Sina ay hindi pa rin nagigising ang reyna. The usual na damit ng isang royal guard or security which is black tux na may white polo sa loob at itim na tie plus black slacks and shoes. Mas lalo itong nag-alala at hindi mapakali na nakabantay sa labas ng pintuan kasama ng ibang royal guard. Naaalala na naman nya ang sinabi ng ama kanina na may pupuntahang party pa naman mamayang gabi ang reyna sa kabilang kaharian kaya kailangan na nitong magising dahil tanghali na. Kinakagat na ni Sina ang hinlalaki habang pabalik-balik ng lakad sa labas ng pinto ng reyna. Parang mga tuod lang namang nakatayo ang mga royal guards doon. Hindi naman nila alintana ang nakakahilong si Sina.  Well trained ang mga guards ng palasyo at hindi basta-basta natitinag. Kaya kadalasan, hindi mo sila maririnig o masyadong mapapansin pag nasa palasyo ka kasi para lamang silang ornamento sa gilid na hindi makabasag-pinggan. "Sina!" Kulang na lang ay lumukso si Sina sa tuwa sa narinig na tumawag dito. Agad na binuksan ng head guard ang pinto at tumambad dito si Reyna Prima na nasa kanyang higaan pa din. "Kamahalan, patawarin nyo po ako. Nararapat po akong parusahan sa aking kasalanang nagawa." nakayuko pa ng ninety degrees na sabi ni Sina. "Hoy, baliw," sita ng reyna dito tsaka umupo na itong nakasandal sa head board ng kama. "Ako naman ang may gusto nun. Akala ko kasi matatalo na talaga kitas," Tsaka tumawa ito ng malakas. "A-aray... Ahw... ahw..." Daing nito na hawak-hawak ang sikmura. Mabilis namang nakalapit si Sina dito at nag-alalang tinanong ang reyna.  "Kamahalan, ano pong masakit? Tatawag ako ng doctor," Tsaka akmang aalis si Sina pero pinigilan ito ni Reyna Prima. "Hoy, ito talaga. Wag na," tawag nya ulit sa head guard. "P-pero---" "Wala ng pero-pero.Okay lang ako, ano ka ba. May pasa lang siguro sa sikmura ko pero ayos lang yun," nakangiti pang sabi ng reyna. Kahit nag-aalala pa din ay wala ng nagawa si Sina sa utos ng kanyang reyna. "Nga pala, tawagin mo na lang si Pol para makapaghanda na ako sa lakad ko mamaya," utos ng reyna kay Sina. Si Pol ay ang head wardrobe ng palasyo. "Pero---" "Wala na ngang pero-pero. Ang kulit. Sige na, shoo! Okay lang ako at kaya ko," assurance ng reyna sa kanyang head security. "Go na. Alis. That's an order," nakangiting itinaboy ng reyna si Sina na agad namang sinunod ang utos nito. Nang mawala ang head security sa silid ng reyna ay sinilip nya ang sikmura. Namamaga nga iyon at nagsisimula ng mangitim ang nasuntok na parte ni Sina.  Natawa na lamang ng mahina ang reyna. Sa isip nya ay kuntento naman sya sa nangyari. Na at least kahit papano, napagtanto nyang ang isa sa kanyang pinagkakatiwalaan ay may kakayahan talagang protektahan sya. Aalis si Reyna Prima ngayon papuntang Kaharian ng Balangaw. Inimbitahan sya ng Hari doon para sa isang salu-salo. Excited na sya dahil alam nyang maraming naghihintay sa kanyang magagandang oportunidad sa kabilang kaharian. Dahil sa isipin na yun, napalitan ng ginhawa ang nararamdamang sakit kanina.  Makikita ko na ulit ang mga prinsesa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD