Tahimik lang ako sa isang tabi habang pinag-mamasdan ang mga bituin sa kalawakan. Sobrang ganda dahil bawat isa sa kanila ay kumikislap. Napalingon ako kay Blade na kanina pang may kinakausap sa telepono nito, at pabalik-balik sa kanyang nilalakaran. Napa-buntong hininga nalang ako at ibinalik ang pag-layag ng pag-iisip. "Let's go." Napa-tingala ako ng biglang nagsalita si Blade sa aking tabi. "Saan tayo?" Inosente kong tanong. "Sa mundo ko. Get inside." Hinawakan niya ang aking pulsuhan, saka pinag-buksan ng pinto sa may passenger seat at saka inalalayan pumasok. Kanina pa ito salita na dadalhin niya raw ako sa mundo niya, e, hanggang ngayon hindi pa kami nakakarating sa mundo na sinasabi niya. "Kanina pa tayo, hinto ng hinto. Hindi ko alam kung makakarating pa ba tayo sa mundo na