Katana's POV
"BFF?? WHERE ARE YOU?"
"I'm here inside the kitchen, come over here, Steph."
Bff? Kelan ko pa naging bff ang babaeng 'yan? Tss...
"Katana, what are you doing?"
Kani-kanila lang, bff ngayon pangalan ko nalang. Tsk! Tsk!
"Look, nagluto ako ng pizza upang dalhin natin kina, Harley."
"E... Di naman ako mahilig sa pizza."
"Tss... Hindi naman 'to para sa'yo, para kay Harley, at sa buong gang."
I'm Katana, elder daughter of Meisha, and Carl. Kung maitatanong niyo kung sino 'tong kausap ko? It's only Stephanie, also a Elder daughter of tita Kier, and tito Stephen. Magkaibigan na kami simula pagkabata, together with Harley, and Blade. But, I'm older than the twin. Me and Steph are same age, kaya di nakakapagtaka na magkasundo kami sa lahat ng bagay, ayaw kong tawagin niyang BFF, why? Dahil ayaw ko...at ayaw ko ng bestfriend, mapanganib. That's a pathetic, and bullshit reason. Our mom's are bestfriend, also Harley's mom. But, sad to say...ang sabi sa akin ni mommy Meisha, she lost again for the second time. Iyong una, apat na taon lang siya nawala, sabi she's dead pero they wrong, at sa pangalawang beses nawala ulit siya ng inambush sila ng mga armadong kalalakihan.
Ang hirap paniwalaan dahil sobrang bait, at masayahin naman ang pamilya nila noon. Hindi ko makitaang masamang si tita Hell, oo, tita Hell ang pangalan nito, iyan ulit ang sabi ng mom ko. Tss... Hindi kasi ako sumasama kay mom minsan kung papasyal siya sa mansyon kina tita Hell, pero sa pagkakaalam ko hindi Hell ang pangalan niya. Tss... Nakimutan ko. Kung ano lang ang ikinuwento sa'kin, iyon lang din ang pinapaniwalaan ko. Bahala nga sila! It's not my problem, but I feel hurt everytime na mag kukwento si mommy. Hays. BFF na matalik niya raw 'yon e.
"Hoy! Babaeng ulimba!"
"What the hell?!"
"See? Kanina pa kita kinakausap ang layo ng imahinasyon mo. Tsk! Tsk! Love life ba yan?"
"Tanginang love life na yan!"
Hindi ito sumagot at tumawa nalang.
Alas sais na ng gabi at naisipan na rin namin ni Steph na ayusin ang dala naming pizza. Iyan lang ang nakaya kong gawin. Ba't ba?!
"Let's go?" Aya ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng kotse, hindi ako ang magmamaneho. Agad naman sumunod si Steph sa akin at pumasok rin ito sa driver sit.
Bastos talaga kahit kelan ang babaeng 'to! Hindi pa nga ako nakapag-seatbelt, pinaharurot niya na ito pinatakbo.
"You're such a crazy woman, Steph!"
"Hahahaha! Sorry, mas na excite ata ako kesa sa'yo."
Inirapan ko lang ang loka-loka na panay ang tawa.
"Wait!" Usal nito at napa-tingin sa rear mirror ng sasakyan. Lumingon ako dahan-dahan sa likod. "There's someone following us."
Pansin ko rin at parang kanina pa iyan. Tsk! Tsk!
"Tabi mo ang kotse." Utos kay Steph.
"No need... Hayaan mong sumunod, may tamang lugar ang mga iyan, h'wag sa hi-way na maraming madadamay."
Pagkatapos niyan sabihin 'yon ay pinatakbo niya ng mabilis ang sasakyan. Binuksan ko ang glove box upang kunin ang baril na nilagay ko kanina lang, kinasa ko ito at hinawakan ang gatilyo. At ng malayo-layo na kami sa syudad, dahan-dahan na ang pagtakbo ng sasakyan namin.
"Naka-buntot parin." Ani Steph.
Maya-maya lang ay pinaulanan na kami ng mga bala.
Napahinto ang takbo ng sasakyan dahil sa ginawa nilang pagpapaulan ng bala.
"s**t!! Steph? Are you okay?"
"Don't worry, I'm okay, Katana."
Sagot nito habang naka-yuko.
Nakita kong binuksan niya ang pinto at bumunot rin ng baril sa kanyang bente.
Isang putok ng baril ang narinig ko mula sa kanya.
Rinig kong sigaw ng isang lalaki.
Malamang, natamaan ang gagong 'yon, sniper kaya 'tong si Steph.
Hindi rin ako nagdalawang isip na lumabas ng kotse at inisa-isa ko rin pinaputukan ang mga lalaking iyon.
Isang bala, isa tao at dibdib ang aking punyerte.
Wala rin pala ang mga ito eh! Tanga lang, kasi sinayang nila ang kanilang buhay. Tss...
Lumapit kami ni Steph sa kotseng iyon para matingnan kung may buhay pa ba. Nakita ko sa aking side view ang isang lalaki na gumagalaw pa, akma nitong kunin ang baril na malapit sa kanya, subalit nabigo ito dahil pinaputukan ko ito ng baril at tumama sa kanyang kamay.
Sigaw nito dahil sa sakit na natamo niya.
Lumapit kami sa kanya. Nag bend ako ng aking mga bente at pahila kong hinawakan ang ulo nito sa ulo.
"Sinong demonyo ang nag-utos nito sa inyo!?" Pasigaw kong tanong. "Sagot!!!"
"Aaaaahhh!!"
Napasigaw nalang ito dahil idiniin ko ang baril sa kamay nito na may sugat.
"Sumagot ka! Sino!?" Singhal ko ulit.
"Hindi ko alam! Aaah!!"
"Punyeta! Ang lakas ng loob niyong sundan at paulanan kami ng bala, wala rin kami binatbat! Bibigyan pa kita ng isa pang buhay. Tatandaan ko ang mpagmumukha mo hinayupak ka!" Nanggigigil ko pang sabi nito sa kanya.
"Tss... Just leave him, wala rin naman kwenta ang taong yan." Walang ganang sabi naman ni Steph.
Tumayo ako at ibinalik sa likuran ang baril.
Nadungisan pa tuloy ang pinaka-mamahal kong alaga. Pfft...
Matapos naman iwan ang lalaking naka-handusay ay tumawag ako sa isa kong kaibigan.
Dial Aries...
Segundo lang at sinagot niya agad ito.
"Oh? Napatawag ka? Anong atin?"
"Pumunta ka sa bahay nina, Harley may ipapautos ako sa'yo."
"Ngayon na ba?"
"Malamang, bakit? Aayaw kaba?"
"Hahahahaha. Init ng ulo ah? Okay! Okay! Just give me 20minutes at pupunta na ako don."
"Sige. Bye."
Axel's POV
"Gabi na, ba't wala pa 'yong dalawa?"
"Na traffic lang siguro."
"Sana nga na trapik lang ang mga 'yon."
Kausap ko si Harley sa harden habang naglilinis ito ng baril.
"Hija? Hindi mo ba na mimiss abg mommy mo?"
Natigilan ito sa kanyang ginagawa at tumingin sa'kin.
Bumuntong hininga muna ito saka nagsalita.
"It's been 13 years ago when mom's gone. Pero bawat oras, araw, at linggo, buwan at taon hindi siya umaalis sa aking isipan. Paulit-ulit ang tanong ko sa aking sa'kin sarili. Mom? Where are you now?" Kailangan kong magpakatatag tito Axel, kailangan ko mahanap si mommy, ipaghihiganti ko siya, ang pamilya ko sa ginawa nilang pag-ambush nong gabing iyon, sarili parin sa aking alaala. Bumabalik sa aking panaginip. Bangungot na napaka-brutal."
Lumapit ako sa kanya at agad ko syang niyakap. Hindi konrin maiwasan maging emosyonal sa mga oras na ito. Ramdam ko ang paghikbi nito, pero mas ramdam ko ang galit, at puot nito sa kanyang puso.
"Maghihiganti ako, hahanapin ko si mommy, hahapin ko at uubusin ko ang mga taong nasa likod ng pang-aambush na iyon."
Kumuwala ako ng yakap sa kanya, at hinawakan sa magkabilang balikat.
"H'wag mong ilagay ang batas ang sa iyong mga kamay, Harley. Alam kong iisahang hangarin lang kayo ng kapatid mo. Mapapahamak kayo sa gagawin niyo."
"Tito Axel...walang batas ang organisasyon natin! Buhay ang kinuha, buhay rin ang kabayaran! Triple ang kukunin kong buhay sa kanila!"
Matapos nyang sabihin 'yon ay tumayo ito, kinasa ang dalawang baril at sabay-sabay ipinutok sa target shooting.
Hindi ko siya pinigilan, hinayaan kong gawin niya iyon, dahil yan lang ang tanging makakapag-pakalma sa kanyang galit.
"Maghihiganti ako!!! Tandaan niyo yan!!" Sigaw nito at humagulhol na sa iyak.
Awang-awa ako sa kanya, sa kanila. Nangungulila sa ina, iyong dating masiyahin na kambal ngayon ay nababalutan na nga demonyo sa katawan.
Nakikita ko sa kanilang dalawang ang kanilang ina. Pero sa aking napuna, mas kakaiba si Harley kisa kay Blade.
"That's enough." Napalingon ako sa aking likuran ng may nagsalita.
Blade.
"Hindi mo maibabalik si mommy kung iiyak ka lang diyan. Let's go inside."
"Kuya? Nandiyan kana pala."
"Yeah... Hinatid ko lang si Knife."
Nagtinginan kami ni Harley.
"Talaga? Hinatid mo?" Napakunot noo si Blade sa reaksyon ng kapatid. Gusto kong tumawa pero nagpipigil ako, at baka makalabit ng wala sa oras ang gatilyo.
Hindi mo pwdeng mabiro si Blade, si Harley, oo, okay pa nakakasabay pa sa amin. E, si Blade, magdasal ka nalang kapag na beastmode siya.
"Tss... I'll go ahead." Usal pa nito bago kami tinalikuran.
Nagkibit balikat nalang kami pareho ni Harley.
Rinig namin na may sasakyan na huminto sa labas ng mansyon.
"Sina na siguro yan." Ani Harley at akma na sana itong papalapitbsa gate ng biglang nagsalita si Blade.
"Stay her. Kami na ni tito Axel ang titingin."
Mas mabuti pa nga.
"Samahan ko na kayo."
Hindi sumagot si Blade at pumauna na itong naglakad.
May sensor ang gate kaya malalaman mo sa labas kung sino ang dumating. Mukhang wala namang problema, kaya pinagbuksan ito ni Blade ng gate.
"Aries?" Biglang sabat ni Harley at kumunot ang noo nito.
"Katana, sent me here. Maybe they coming also." Pormal nitong sabi.
Hindi ito pinansin ni Blade at agad kaming tinalikuran.
"Pasok ka." Ani ko at hindi naman nagdalawang isip na pumasok si Aries.
Hindi pa nan sumara ang gate, ay bumungad na sa amin sina Katana, at Stephanie, anak ni Sharp Killer or mas kilala sa Meisha si Katana, at si Stephanie naman ay anak ni Silent Killer or mas kilala sa Kiray.
Hindi pa man lumabas sa kotse ang dalawa, ay may dumating na naman.
Napa-ngiti ako ng makita ko si Heart ang nagmamaneho.
Lumabas ako at sinalubong ko ang babaeng mahal ko.
"Hoy! Hoy! Axel... Mamaya na yang harutan. Tawagin mo si Uno don dahil may dala kaming pasalubong para sa inyo." Biglang sabat ni Lomeda at napa-ngiti nalang ako.
Napahalik nalang ako sa pisngi ni Heart at saka naglakad patungo sa loob ng mansyon.
....
"Oh? Kamusta ng lakad nyong apat?" Pagtatanong ni Uno habang nasa tabi nito si Lomeda.
"Maayos naman. Iyong dala namin, 'yon lang ang nakuha namin sa kanila. Paki-check nalang." Sagot ni Heart.
"Tita Rain, Tita Maria, pwde samahan niyo ako? Gusto ko makita ang dala nyo." Salita ni Blade kina Rain, at Maria.
Tumango ito sabay ngiti.
"Wait! Bakit ikaw lang? Sama kami, gusto rin namin makita ang mga iyon." Biglang sabat ni Katana.
Hindi ito pinansin ni Blade at naglakad na ito papalayo. Agad naman kami sumunod, kahit ako gusto kong makita ang pasalubong na iyon.
Blade's POV
"Woow! As in woow!"
Tahimik ako habang si Steph ay namangha sa nakita.
"Ito 'yong pasalubong?" Tanong ni Harley.
"Anong masasabi niyo?" Naka-ngising sabi ni tita Lomeda.
Kinuha ko ang isang attachecase na nasa ibabaw ng mesa at kinuha ang baril sa loob.
Maganda ang isang yan. Ganyang baril rin ang nakita ko sa lider ng sinugod namin."
Paliwanag ni tita Heart.
Benteng attach case ang dala nila, lahat ng iyon ay baril ang laman. Paano nila nakuha ang ganito karaming baril? Apat lang sila. Nakakabilib.
"Harley, Katana, Steph. Andun ang sa inyo, paki-check nalang kung nagustuhan niyo." Limang pahabang kahon ang nasa kaliwang mesa.
"Di mo ako binigo, tita Rain." Salita ni Harley.
Ngumiti lang ito at tumango.
"E, ang sa akin?" Napalingon kami lahat ng biglang sumingit si Aries.
Si Aries, ay malapit naming kakilala, pero ako ganun ka dukit sa kanya, dahil madaldal syang lalaki.
Walang may sumagot sa tanong nito.
"By the way... Bago paman kami nakarating dito, may niligpit lang kami."
Tahimik lang akong nakikinig habang pumangunang nag kwento si Katana.
"Anyare?" Si Harley.
"Ambush... Buti nalang at naka-ligtas kami sa mga iyon. Pero wala rin naman binatbat, kaya ayon..." Si Katana.
"Ewan ko ba 'to kay Katana, ba't niya pa binuhay yung isa. Tsk! Tsk!" Si Steph at umiling pa.
"Hayaan mo sya na magsumbong, mabuti 'yong alam ng lider nila." Seryoso pa rin ito sa sinabi.
"Dito rin sa bahay, nilooban kami ng isang babae, nakita ko siya pero huli na, kasi tumatakbo ito papalayo." Singit naman ng kakambal ko.
Kung sinuman ang mga iyon, malalaman ko rin. As soon as posible mawawala na kayo dito sa mundo.
"Aries? Kaya kita pinapunta dito dahil may trabaho kang gagawin. Kunin mo 'to saka hanapin, at kapag nahanap mo yan, alam mo na ang gagawin mo." Si Katana.
"Ayos!! Dead or alive?" Tanong pa ni Aries.
"Alive. Dalhin mo sa hideout at ng mabigyan ng leksyon." Singit ko sa kanilang usapan at agad lumabas ng silid.