Knife's POV
"WERDO NILA, BAKIT MAY MGA BARIL SILA?"
Napa-buntong hininga ako habang naghanap ng damit pantulog sa malaking cabinet ng guest room nina Ma'am Harley. Naiilang ako sa pangalan niya lang ang itatawag ko. Ang bait niya pala, subalit may side siya kakaiba, katulad lang kanina, akala ko pa namab ipuputok niya talaga 'yong baril sa kapatid niya.
Hmp... Speaking of kapatid.
Ang gwapo pala ni Bossing, ngunit, kung ano ang kabait ni Ma'am Harley, ay ganun rin ka sungit ang Bossing ko na iyon. Magkasalungat sila ng ugali. Tsk!
"Mabait raw sa mga babae, e, kung kausapin ako kanina kulang nalang barilin ako e." Napatingin ako sa kama kung saan ko nilagay ang baril na binigay sa akin. Kinuha ko ito at pinagmasdan.
"Hmmp... Hala! Bakit may dugo 'to? Nakapatay na ba siya?" Nilapag ko ang baril sa mesa at umupo ako sa kama.
Ang lambot. Sarapa siguro manirahan sa bahay na ito, pero pakiramdam ko may kulang sa bahay na ito. Parang may nawawalang napaka-importanteng tao. Hays.
Kakaiba rin ang bawat kilos, at galaw nila, parang maya't maya lang ay may susugod sa kanila. Kagaya kanila, hindi ko inaasaahan na mangyari sa'kin ang eksinang iyon, akala ko sa t.v ko lang makikita. Tss...
Nahiga ako at hinayaang kong maglayag ang aking isipan sa mga bagay-bagay na hindi ko maintindihan dahil sa mga nangyari kanina. Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
KINABUKASAN, nagising ako dahil sa malakas na katok sa labas ng pinto. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang oras.
"Anak ng kagang!! Alas dose na ng tanghali." Bulalas ko at agad bumangon sa kama.
Dali-dali kong tinungo ang pinto at pinag-buksan ito.
"Waaaaah...."
Agad kong sinara ito dahil ang taong nasa labas ng pinto ay si Bossing.
"Hey! Open the f*****g door, Knife!!"
Lintik naman! Ano bang kailangan nito. Hindi pa ako nakapag-suklay, ni mumog nga di ko pa nagawa, at mag suot ng bra.
Pucha naman 'tong si Bossing, sarap dakutan.
"Knife! Open this f*****g door! What the hell are you doing?!"
"Sandali! Lintik naman ohh?! Ano ba kasing kailangan mo?!"
"Just open the door! I have something to tell."
"Hindi pa ako nakapag-momug! Five minutes, bossing tooothbrush lang ako."
Naghintay ako ng ilang segundo para sa sagot nito, pero wala akong may natanggap.
Patakbo akong tumungo sa banyo na kasing laki na ng bahay namin, at saka nag toothbrush.
Makalipas ang limang minuto ay lumabas na ako. Feeling fresh ang lola niyo. Hehehehe.
"Your late one minute."
Nagulat ako ng nakapasok si bossing sa loob ng guest room.
"Anong ginagawa mo dyan?"
"This is my house, do you have any problem?"
Oo nga pala.
"Sorry, bossing late na ako gumising. Uuwi na rin ho ako mamaya, salamat sa accommodation sa mansyon niyo."
Tumayo ito at tumungo sa pinto.
"Have your breakfast and lunch first, may itatanong pa ako sa'yo, just make it fast."
Bigla kong naalala ang nangyari kaninang madaling araw. Base sa boses ni bossing seryoso ito. Well, seryoso naman talaga siya, ayan ata ang buhay niya, ang sumeryoso.
Nakatungo akong sumusunod sa kanyang ng bigla itong huminto at nabangga pa ako sa kanyang likuran. s**t! Ang tigas niya.
"What the!! Are you stupid, woman? Hindi kaba tumitingin sa nilalakaran mo?!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
"Maka-stupid ka sa'kin akala mo kung kilala mo ako ah?!"
"Tss... Why are you following me!?"
"Malamang bossing susundan kita, alam ko ba ang pasikot-sikot sa nakakalula niyong bahay? Hello!"
Nakapamulsa pa itong naka-harap sa akin.
Ang tangkad niya, makisig ang mangangatawan, gwapung-gwapo ang mukha parang artista, maputi, matigas, ang ibig kong sabihin na matigas ay ang mga muscles nito, at basta! Perfect guy na siya para sa mga babaeng nangarap ng ganitong nilala, h'wag mo ng isali ang ugaling bastos, at walang modo. Tsk!! Erase lahat na sinabi ko dahil sa huli kong binanggit.
Para sa akin, hindi siya 'yong tipo kong guy, oo, tama, hindi nga siya.
"Babae?! Your spacing out!" Bango niya. Hehehehe. Bwisit ka bossing, mapang-akit ka talaga, sinabayan mo pa ang pabango mong imported.
"Isang stupid pa, mag re-resign na ako sa pagiging barista sa bar mo." Pagbabanta ko sa kanya.
Akala mo hah?!
"Okay. Just pay all the damage last night."
Anak ka ng.
"Ano!? Bakit ako?! Ako ba ang gumawa ng gulo doon? Ikaw naman diba? Wengya talaga."
"Tss... Pass your resignation letter if you want to resign, then."
Tangina ka! Inaasar mo talaga ako. Wala ka talagang awa, lalaki!
Inirapan ko nalang ito at nauna na sa kanyang maglakad.
"Hi! Beastmode ka ata ah? Hulaan ko, si Blade, ano?"
Sinalubong ako ng isang lalaki.
Tito ni bossing.
"Hindi ka po ba naiinis o nagagalit sa pag-uugali ng lalaking 'yon?"
Naka-busangot kong tanong.
"Ako si Uno. By the way, pasanayan ng ugali dito. Ganito kami dito sa mansyon. Lugi ka kapag nagpatalo ka sa kanilang mga pag-uugali, ganyan talaga sila, lalo na yang si Blade, seryoso ang buhay. Hahahahaha."
"I hear you, Tito Uno." Napalingo ako sa aking likuran ng bigla itong sumulpot at may hawak na baril.
Na naman?! Gun man ba ang lalaking 'to? Hindi mawawalan ng baril sa kamay.
"Relax, hijo... Bini-briefing ko lang 'tong si Knife para di masyadong matakot sa'yo, napaka-gentlemen mo kasi. Hahahaha."
Ganun lang 'yon? Tatawanan niya lang ang lalaking beastmode?
"Fine! Taas kamay na ako. Baka maiputok mo pa yang gatilyo, mawawalan ng pag-ibig si Lomeda. Halika na sa hapag, at nagluto na ako ng makakain natin, h'wag mong pansinin si Blade, wala lang talaga siyang lovelife.
Lintik na!! Bakit ba araw araw nalang may gan'to?
Ma-iimune na ata ako sa putok ng baril ngayong araw na 'to.
Kung siya kaya barilin ko? Bwisit ka talaga!
"Gusto ko ng umuwi!!!!! Mamamatay na ata ako sa kaba dito dahil sa pinag-gagawa mo, lalaki ka!!!" Pasigaw kong sabi sa kanya at parang wala lang siyang may narinig, dahil tumalikod ito at tumungo sa kanyang kwarto.
"Badtrip talaga siya, Tito Uno. Gago talaga!" Naiinis kong sabi.
"Hahahaha. Hayaan mo yan, baril ang libangan ng lalaking 'yon. Nakita mo ba na may nag panic? Wala diba? So, masanay kana."
Tangina naman! Kung kayo sanay na, ako???? Ayaw kong masanay at baka tutubuan na ako ng nerbyos sa ginagawa niya!!
Tumahimik nalang ako na nakasunod kay, Tito Uno.
"Umupo kana dyan at maya-maya nandito na rin 'yong iba. Feel at home, isipin mo nalang na pamilya kana namin."
"Maraming salamat ho talaga, ginutom ako sa pinag-gagawa ng gagong 'yon, sarap barilin."
Napa-ngisi nalang si Tito Uno sa mga sinabi ko.
"Why don't you to try to shoot me, para malaman natin."
Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran. Naka-krus ang mga brasp, at matalim ang titig nito sa akin na maya-maya ay banawian na ako ng buhay.
Maya-maya pa ay kinuha nito ang baril niya sa kanyang likuran at nilapag sa lamesa.
Anong gagawin niya?
"Pick up the gun, Lady."
"Ha? B-bakit?" Bigla ako nakaramdam ng kaba at takot.
"Pick up the gun, and shoot me kung yan ang gusto mong gawin sa akin."
Paktay! Seryoso ba siya?
"N-nagbibiro lang a-ako."
Kandautal kong sabi.
"Sinasabi ko na sa'yo, Knife... Bawal sa kanya ang magbiro. Hahahaha." Napatingin pa ako kay Tito Uno.
"Pick up the gun and shoot me! Now!!"
Pucha!! Baliw ba siya?! Ni hindi ko nga magawang mag-sugat, baril pa kaya?
"Nagbibiro lang nga ako, e! Ano ba!" Naiinis kong sigaw sa kanya.
"What happen here?! Blade? Knife? Anong nangyayari?"
Biglang lumabas ng kwarto si Ma'am Harley. Save me please...
Maya-maya pa ay nagsilabasan n rin ang iba pang mga tito nila.
"Shoot me." Usal nito.
"Blade?! H'wag mo naman takutin ang bisita mo. Babae yan, remember."
"Axel..." Tawag ni Tito Uno sa lalaking sumuway kay Blade.
"Shoot me, or I'll shoot you."
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito.
Parang gusto kong umiyak sa mga oras na ito, pero pinipigilan ko lang kasi gusto kong ipakita na matapang ako.
Napa-tingin ako sa baril na nasa lamesa.
"Blade! Stop that non-sense argument! Hwag mong takutin si Knife! You're heartless!"
"Shut up!! I hate jokes!"
"Tss..."
Maya-maya lang ay tumayo ako at kinuha ang baril sa itaas ng lamesa. Humarap ako sa kanya na may tapang na loob.
Naiiyak na talaga ako.
"Shoot!" Usal nito.
Itinaas ko ang aking dalawang braso at hawak-hawak ang baril, itinutok ko ito sa kanya habang nakapikit ang aking mga mata.
Nanginginig ako sa sobrang takot. Bakit wala man lang may pumipigil?
"Shoot!"
Nakalabit ko ang gatilyo ng baril dahil nasindak ako sa singhal ni Blade.
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata.
"D-dugo... May dugo! Hoy... Nabaril ko siya. S-sorry, hindi ko sinasadya."
Bigla ako nataranta.
"Ma'am, Tito. Paano 'to? Tulungan niyo naman ako oh?" Naiiyak kong pakiusap sa kanila, habang hinawakan ko ang braso nito na patuloy ang pagdaloy ng dugo.
"Leave" Usal nito.
"P-pero---" Napaatras ako ng bigla niya ako tiningnan.
Hindi na ako nakapag-salita pa ng umalis siya sa aking haraoan at tumungo sa malawak na sala.
Lumapit sa akin si Ma'am Harley.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito.
"Si Bossing na baril ko." Naiiyak pa rin kong sabi.
"Don't mind him, his fine malayo sa bituka 'yong ginawa mo. He can handle his indury."
"P-pero----"
"Hahahaha. Hayaan mo siya, ginusto niya naman na barilin mo siya. Ngayon, alam mo na kung paano gumamit ng baril? Pero kailangan dilat ang mata para punterya ang puso. Maupo kana, at kakain na tayo, h'wag mong isipin 'yong nangyari."
Ganun lang 'yon? H'wag isipin? Paano kung natuluyan ko ang mokong na 'yon? Paano kong napatay ko talaga siya?
Napabuntong hininga nalang ako at saka uminom ng tubig. Hindi ko maiwasan mag-alala sa kanya.
Maya-maya lang ay dumating na ang mga tito nila.
"Oh? Ayos ka lang ba, Knife?" Tanong sa akin ni Tito Uno.
"Si Bossing ho?"
"Hahahaha. Yusi lang ang katapat non, h'wag mo syang isipin." Sagot naman ng isa.
Bakit ba puro sila hwag siyang isipin,ang werdo talaga nila.
"He's fine, Knife daplis lang 'yong ginawa mong pagbaril sa braso niya. H'wag mo lang siya kausapin sa ngayon, napapalamig lang iyon ng ulo. Ganun talaga siya, ayaw niya sa lahat ay 'yong naririnig kang magbiro. So, ngayon alerto kana? Magbiro ka lang sa amin, h'wag lang sa kanya. Dahil kapag siya ang nagsalita, dapat gawin mo ng walang pag aalinlangan."
Si Axel naman ang nagpaliwanag sa akin. Tumungo nalang ako at umupo ng maayos sa haraan ng hapag.
Matapos ang tanghalian ay pinapasok na nila ulit ako sa guest room para maligo, at magpahinga. Ayaw nila akong pauwiin dahil kakausapin pa raw ako ni Bossing. Kinakabahan na naman kapag maririnig ko ang pangalan niya, may kasalanan pa ako sa kanya.
Makalipas ang dalawang oras ay may kumatok sa labas ng pinto. Magmamadali rin ako tumayo sa kinauupuan ko at pinag-buksan ko ng pinto.
Si Blade...
"H-ho?"
Hindi ko maiwasan tingnan ang kanang brsao nito. Ayaw ko munang magtanong baka kasi mainit pa ang ulo nito.
"Follow me." Malamig ang boses nito ng sinabi niyang sumunod ako sa kanya.
Dalawang metro ang layo ko sa kanya, para di na maulit ang nangyaring banggaan kanina.
Sa labas ng bahay, sa may harden na kung saan napapaligiran ng malalaking puno at may mga shooting target pa ito sa paligid, mataas ang pader kaya di mo makikita ang darating sa labas.
Ang yaman pala talaga nila. Ngayon ko lang nakita ang kabuuang bahay kung di pa kami lumabas.
"Sit down." Sabi pa nito, at umupo rin ako.
Tahimik at napatungo lang ako habang naghihintay ng utos nito.
"Now, Tell me about what happen kaninang madaling araw. 5 minutes explination, starts now."
"5 minutes? Bakit ang kunti naman." Maktul ko.
"4 minutes and 50 seconds. Time is running."
Aba't ganun nalang ba 'yon? Pasalamat ka, may kasalanan ako sa'yo. Tsk!
Huminga ako ng malalim at saka nag kwento. Kinuwento ko sa kanya ang lahat-lahat, patangu-tangu lang ito na sumagot, habang nakahalukipkip sa aking harapan. Natapos ang limang minuto na paliwanag ay tumayo ito.
"Next time...maging alerto ka sa paligid mo, hwag kang tatanga-tanga, lalo na't wala ka pang kasama, at saka magdala ka ng kahit anong pang depensa mo sa iyong sarili. Where's the gun, I give it to you?"
Lakas maka-dekta ang lalaking 'to ah?!
"Where's the gun?" Naging pormal ang tanong nito.
"Nasa kwarto ng tinutugan ko, hindi ako sanay na may baril, hindi ako katulad niyo na easy lang."
"Tss... Learn how to use a gun."
"Wala akong balak na matutunan ang bagay na iyan, instead na baril, mag-aral nalang ako ng may maisasagot pa ako sa mga tanong ng guro ko."
Bahala ka sa buhay mo!
"It's up to you, then."
Nang tinalikuran niya na ako, agad naman ako nagsalita.
"Uuwi na ako, may trabaho pa ako mamaya sa bar mo."
Pagkasabi ko non ay naglakad na ako patungo sa gate, hanggang sa makalabas ako. Pakiramdam ko nakawala ako sa isang hawla na napapaligiran ng mga agila.
Medyo malayo na rin ako sa bahay na iyon dahil nilakad ko lang.
Napalingon ako ng may sasakyang bumisina sa akin, at ng makalapit na ito, bumaba ang salamin ng bintana.
Si Blade na naman. Anak ka ng ina mo!
"Sakay." Kumunot ang noo ko.
"Maglalakad lang ako." Pagrarason ko.
"Sasakay kaba o lalabas ako at sapilitan kang ipasok sa loob ng kotse ko?"
Ano bang drama ng lalaking 'to?
"Get inside now!" Nanindig ang mga balahibo ko ng may kakaiba sa boses niya. Napa-nguso akong pumasok sa loob ng kotse nito at hindi ko ito kinibo.
"Saan ang bahay niyo?"
"SM fairview mo nalang ako ihatid. Kaya ko ng maglakad patungo sa bahay."
"Just tell me your exact address and I'll drop you there."
Parang gusto ko na ulit magkaroon ng baril at ng matuluyan na ang letseng lalaking 'to.