Chapter 5

1023 Words
Angelo Cervantes "Alam mo pare matagal na kaming nagtataka sa'yo ni Vince. Magda-dalawang buwan ka na naming hindi nakikitang may kasamang babae. Ano na nangyari sa flavor of the week mo?" ani ni Tristan. "Hindi ko rin alam. Bigla na lang akong nawalan ng gana." ani ko habang pinapapak ang marshmallow. "At isa pa, 'yan. Hindi ka naman kumakain marshmallow pero ngayon parang 'yan lang ang laman ng tiyan mo." "Hehe. Ngayon ko lang kasi napansin na masarap pala ito. Gusto mo?" Alok ko sa kanya. "'Wag na. Alam kong kulang pa 'yan sa'yo." At ibinaling ang atensyon sa pagkain niya. Teka, ba't nandito 'tong kumag na 'to? "Ba't nandito ka? Nasa'n na 'yung girlfriend mong masungit?" Lagi kasing magkasama 'tong kumag na 'to at yung girlfriend niyang masungit parang hindi mo mapaghiwalay. "LQ. Kasi naman, nagselos 'tong si Tristan dun sa lalaking kausap ni Liza. Ayun sinungod at sinuntok niya 'yung lalaki na kuya pala ni Liza na kakauwi lang galing abroad.." Natatawang ani ni Vince. "Manahimik ka nga d'yan, sasamain ka talaga sa'kin. Malay ko ba na may kapatid pa pala siyang hindi naipakilala sa'kin. " ani ni Tristan. "Napaka-epic fail mo naman pare. Sigurado akong zero point ka ngayon sa kuya niya." Pabirong sinugod ni Tristan si Vince. Mag-aaway na naman 'tong dalawang 'to. Mabuti pang umalis na ako rito. Dahan-dahan akong tumayo at tinungo ang counter para bumili ng marshmallow. -----***----- "Class dismiss." Agad nagsilabasan ang mga kaklase ko matapos marinig ang magic word. "Tara na Pare, gutom na ako."ani ni Vince. "Saglit muna tayo sa Candy Hauz bibili ako ng hearty marshmallow." "Ano ba 'yan pare, halos hearty marshmallow na laman ng tiyan mo." ani ni Vince. "Hindi, a, may circle, cube, cylinder, egg, pillow at worm shape rin naman." "Ewan ko sa'yo." At nauna na siyang lumabas ng lab. Iwanan ba ang gwapong si ako? Susunod na sana ako kay Vince ng harangin ako ng isang babae. "Hey babe! I never saw you with your flavor of the week this past few weeks. Can I apply?" Magda-dalawang buwan na pala akong hindi nakakatikim ng babae. Hmm. Not bad. I kissed her in the lips. This is what I say yes to the girls. "Ang taga-- Gago ka, hinintay kita do'n sa baba yun pala may nilalandi ka na." ani ni Vince. "Siya ang lumapit, e. I'm being gentleman here. Right babe?" I asked the girl beside me. "Right babe." "Tara na, bibili pa tayo ng marshmallow para diyan sa alaga mo." Nauna na ulit maglakad si Vince. -----***----- "Vince, nasa'n na naman si Tristan? Hindi na natin 'yun nakakasama, a." Ilang araw na naming di nakikita 'yung gagong yun. "Bakit, namimiss mo na?" aniya na may halong nakakalokong ngiti. "Gag*! Hindi ako bakla, a." Pagmukhain ba akong bakla. Sa gwapo kong 'to. "Bakit, may sinabi ba ako?" Nang-aasar ba 'to? Hindi ko na lang siya pinansin at nilantakan ko na lang 'yung marshmallow na binili namin kanina. "Kung babae ka lang pare, iisipin kong naglilihi ka." Bigla naman akong nabilaukan sa pinagsasabi niya. "Ano ba yang pinagsasabi mo?" Biglang pumasok sa isip ko Aya. Hindi kaya? Imposible. 'Yung gabi lang 'yun may nangyari sa'min. Sadyang nagustuhan ko lang talaga ang lasa ng marshmallow. 'Yun lang. -----***----- Tanya Davin These past few weeks nagiging antukin ako. Hindi naman ako palaging nagpupuyat sa gabi. Minsan lang. Natatakot din akong magpa- check up sa doktor baka kasi ano na ang sakit ko at maging sanhi sa maaga kong pagkamatay. Masyado ba akong paranoid? Masisisi niyo ba ako? Nanay ko nga namatay nang nalaman niyang may sakit siya sa baga. Dinibdib niya kasi ang sakit niya kaya ayun maaga siyang namaalam sa mundong ibabaw. Matapos kong ma-i-park ang kotse bigla na lang akong nahilo. Hindi na muna ako lumabas ng kotse at ipinikit ang mga mata nagbabasakaling mawala ang hilo ko. Dumaan ang ilang minuto l gano'n pa rin ang naramdaman ko. Napatingin ako sa relong pambisig. 15 minutes na lang bago ang unang subject ko. Pinilit kong bumaba ng kotse kahit nahihilo pa ako baka ma-late pa ako, napaka-terror pa naman ng Prof. namin. When I step out of my car everything went blank. Nang magising ako bumungad sa'kin ang puting ceiling. Ceiling? Agad akong napabangon nang biglang nag-flash sa utak ko ang nangyari bago ako nahimatay. "Besty!" Biglang pumasok si Liza at niyakap ako at mukhang naluluha pa. "Ano bang nangyari?" "Besty, hinimatay ka kanina sa parking lot. Mabuti't nakita ka ni Tristan at dinala ka niya rito sa clinic." Nakahinga ako ng maluwag akala ko kung sino na ang nagdala sa'kin dito. "Besty, tapatin mo nga ako. May tinatago ka na ba sa'kin?" Kung kanina nakahinga ako ng maluwag ngayon mukhang ma-susuffucate pa ako. "Liz-" "Sinong ang ama?" "Anong an--" "Besty, jhanggang kailan mo ba itatago sa akin? Magbest friend tayo, hindi mo dapat tinatago sa'kin ang mga ganitong bagay." Naiiyak niyang sabi. Teka nga, wala akong maintindihan sa pinagsasabi niya. "Sandali nga, hindi kita maintindihan. Ano nga ulit 'yung sinabi mo kanina." "Besty, you're 6 weeks pregnant." "Pregnant? Ako?" Mapapatay ako ni daddy nito. "Girl, sino ang ama? Kailangan ka niyang panagutan." "Si-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang pumasok si Tristan. "Hi Love. Kumusta na ang pakiramdam mo Tanya? Ito nga pala, dinalhan kita ng pagkain baka kasi hindi ka kumain kaya ka hinimatay ka kanina." "Salamat, nag-abala ka pa." "Wala 'yun. O, paano. Mauna na ako sa inyo dinaan ko lang talaga itong pagkain nang may makain kayo." -----***----- "Nasabi mo na ba sa kanya ang kalagayan mo?" ani ni Liza habang panay pindot an cellphone niya." Umiling lang ako. Hindi na naman kailangang malaman niya ang kalagayan ko at saka one night stand lang 'yung nangyari. "What about your family? Your daddy? Alam na ba nila?" "Hindi. Natatakot akong malaman nila Liz baka itakwil ako ni dad." Tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha na kanina pa nagbabadya. "Hush down, besty nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Niyakap niya ako ng tuluyan. How I thank GOD for giving me a bestfriend like her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD