Angelo Cervantes "Babe, are you sure you want me to go with you? The last time we went there hindi maganda ang nangyari." Kanina pa nagtatanong si Bea kung sigurado ba akong dadalhin ko siya sa mansyon. Kaarawan ni Dad ngayon at may kunting salo-salo. Kapamilya at malalapit na kaibigan lang ang imbitado. Ayaw na kasi nito ng magarbong handaan. Gano'n nga siguro kapag tumatanda na. Marahan kong pinisil ang kamay niyang nanginginig. "'Wag kang mag-alala, Babe. Pinagsabihan ko na sila at saka dapat masanay na sila dahil magiging kapamilya ka na rin nila balang araw." Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim bago ako nilingon at binigyan ng matamis na ngiti. "So, let's go?" Tumango siya. Nauna akong lumabas ng kotse at agad lumipat sa passenger side para pagbuksan ang pinakamagandang ba