CHAPTER 1
Sakay ng isang taxi, tahimik na nakatingin lamang si Tin sa kahabaan ng highway papunta sa isang private cemetery kung saan nakahimlay ang libingan ni Jerome. Ang lalaking kanyang unang minahal at sya din kanyang unang kabiguan sa pag ibig. Ilang taon na ang nakakaraan ngunit sariwa pa rin kay Tin ang sakit ng mga pangyayari sa pagkawala ni Jerome. Sa araw na ito ang ika-limang taong kamatayan ng kanyang dating kasintahan.
“Ma’am nandito na ho tayo,” sambit ng taxi driver sa tila nakalutang at wala sa sariling si Tin.
“Ho?” tanong ng nagulat na dalaga.
“Sabi ko ho nandito na tayo sa address na sinabi nyo kanina” naiinis na ulit ng taxi driver.
“ Okay po. Pasensya na po kuya medyo masakit po kasi ang ulo ko,” wika ni Tin na tila nahihiya.
Sa totoo lang kasi kagabi ay hindi s'ya nakatulog ng maayos kakaiyak dahil sa pagsariwa sa mga ala ala ng yumaong nobyo. Tuwing sasapit kasi ang araw ng kamatayan nito ay hindi nya maiwasan ang matinding kalungkutan.
Bumaba na ng taxi si Tin matapos na iabot sa taxi driver ang bayad nito. Dahan-dahan s'yang naglakad patungo sa libingan ni Jerome. Nang marating n'ya iyon ay agad n'yang ipinatong ang dalang isang basket ng puting mga rosas. Ang mga puting rosas kasi ang palaging ibinibigay sa kanya nito noong nabubuhay pa sa tuwing may mga espesyal na okasyon. Nagsindi s'ya ng dalawang kandila matapos ilagay iyon sa magkabilang panig ng ibabang lapida nito.
“Hi Hon nandito na ulit ako,” wika ni Tin habang unti-unting tumutulo ang mga luha nito.
“It’s been five long years since you left. Pero nandito ka pa rin” sabay turo sa kanyang dibdib.
“Sorry Hon alam ko na ayaw mo na nakikita na nalulungkot ako at umiiyak pero hindi ko lang talaga mapigilan” patuloy nya. “Anyway Hon gusto ko nga pala ibalita sayo na maganda na ang kalagayan ni Papa. Habang tumatagal mas nagiging stable yung paglalakad nya.” Tuloy-tuloy n'yang kwento na tila nasa tabi lamang nya ito at nakikinig. “Siguro in time babalik din s'ya sa dati n'yang lakas pag nakumpleto na ang mga therapy n'ya.” Patuloy nyang kwento rito. Pagkatapos ng ilan pang mga minuto na pananatili sa libingan ni Jerome nagpa alam na din si Tin sa puntod nito at naglakad palabas ng gate ng sementeryo.
Sumakay s'yang muli ng taxi pauwi ngunit bago s'ya dumiretso sa kanilang bahay ay dumaan muna s'ya sa isang simbahan malapit sa kanilang lugar. Dito ay tahimik syang nagdasal at nagpasalamat sa Diyos sa panibagong buhay na ipinagkaloob sa kanya. Ngayon din kasi ang araw ng kanyang birthday. Habang naglalakad papasok sa kanilang bakuran. Narinig ni Tin na tila may mga taong nagkakagulo sa loob ng kanilang bahay. Agad syang nagmadali sa pag aalala na baka may nangyaring hindi maganda sa kanyang mga magulang. Ngunit pagpasok nya ng pintuan ay agad na bumungad sa kanya ang masayang mukha ng kanyang mga magulang at matalik na kaibigan.
“Happy Birthday Anak!” Masiglang bati ng kanyang Ama na nakaupo sa wheelchair.
“Happy Birthday Tin” bati din ng kanyang ina habang lumalapit ito patungo sa kanyang kinaroroonan upang bigyan sya ng mahigpit na yakap.
“Happy Birthday Beshie” Nakangiting bati naman ng kanyang best friend na si Diane.
Tahimik na natigilan si Tin sa mga pangyayari. Kipkip ang kanyang dalang bag hindi n'ya malaman kung ano ang kanyang dapat na sabihin. Simula kasi ng pumanaw si Jerome sa mismong araw ng kanyang birthday ay hindi na kaylanman nag celebrate ng kanyang kaarawan si Tin. Nagkakasya na lamang sya sa pagpunta sa simbahan para magdasal at sa pagdalaw sa libingan nito at pagkatapos ay maghapong magkukulong sa kanyang kwarto. Kaya laking gulat ni Tin sa ginawang pag surpresa sa kanya ng mga ito.
“Anak pasensya ka na alam namin na hindi ka nagce-celebrate sa araw ng birthday mo pero gusto lang sana namin na ipa alala sa iyo na ang araw ng kapanganakan mo ang pinaka masayang araw para sa amin ng Papa mo” Naluluhang wika ni Aling Meriana.
“Oo nga anak, ilang taon na din kasing halos hindi ka namin nakakasama sa tuwing birthday mo. Miss na miss na namin ng Mama mo ang simpleng selebrasyon natin tuwing araw ng birthday mo anak”. Seryosong sabi naman ni Mang Manuel.
Tahimik na tumulo ang mga luha ni Tin nakaramdam sya ng guilt sa mga narinig mula sa kanyang mga magulang. Simula kasi ng nangyari kay Jerome ay halos ayaw na sana n'yang maalala ang araw na ito kahit pa espesyal na araw sana ito para sa kanya. Tila nakalimutan na n'ya ang damdamin ng kanyang mga nag aalalang magulang.
“Mabuti pa kumain na po tayo” pag-iiba ni Diane sa seryosong usapan habang iniaabutan ng plato at kutsara ang ama at ina ni Tin.
“Ako ang nagbake ng cake na yan Beshie” nakangiting baling naman nito sa kanya.
“Thank you po Ma, Pa and sayo Beshie. Kumain na po tayo mukhang masasarap yung inuluto nyo” wika ng tila nahihiyang si Tin.
Masaya nilang pinagsaluhan ang mga simpleng handa na inihain para sa kanya ng mga magulang at kaibigan. Sa loob kasi ng limang taon ngayon lamang sya ulit nakasama ng mga ito at masayang nakasalo sa mismong araw ng kanyang birthday. Napuno ng tawanan at biruan ang kanilang hapag kainan.
Habang nagliligpit ang magkaibigang Diane at Tin sa kusina pagkatapos kumain ay nagsalita si Diane. “Besh I’m happy na finally nakasama ka na ulit namin magcelebrate ng birthday mo” nakangiting sambit nito. “Alam mo ba na nag aalala kaming lahat sayo simula kasi ng nawala si Jerome parang nawala na din sa amin yun masayang Tin na nakilala namin.” Pagpapatuloy nito. “Alam ko Besh na kahit anong ganda ng mga ngiti na ipinapakita mo sa aming lahat ay may lungkot pa rin d'yan na nakatago sa puso mo” sabay turo nito sa kanyang dibdib. “I don’t mean na kalimutan mo na ng tuluyan ang mga memories niyo ni Jerome, but don’t you think it’s time to have a new life again?” Tanong nito sa kanya. “Hindi naman siguro ikagagalit ni Jerome kung susubukan mong maglibang at lumabas with your friends.” Seryosong sabi nito. Tahimik at tila nagulat naman si Tin sa mga nadinig mula sa kaibigan. Simula kasi ng pumanaw si Jerome ay ayaw nyang mabanggit or pag usapan ito. Bagay na nirerespeto at inuunawa naman ni Diane.
Pasado alas kwatro na nang hapon ng magpaalam si Diane para umuwi sa kanilang bahay. Sa kabilang baranggay lang naman ito nakatira ngunit kailangan na nyang makauwi para mag prepare para sa kanyang klase kinabukasan. Nang maka alis na ito. Mag isa na lamang muli si Tin sa kanyang kwarto. Dahan-dahang nahiga at tahimik s'yang nagmasid sa bintana habang iniisip pa din ang mga sinabi ng kaibigan. Sa loob kasi ng mahabang panahon ay hindi nya nakuhang lumabas at sumama sa mga kaibigan upang maglibang. Hanggang sa nagtapos sya ng kolehiyo. Tanging bahay at eskwelahan lamang ang kanyang pinupuntahan. She isolated herself during college. At nang makapag trabaho na ay hindi din sya sumasama sa kanyang mga naging bagong kaibigan dito kahit na makailang ulit na syang niyayaya ng mga ito sa tuwing mag se-set ng lakad para kumain sa labas o di kaya ay mag out of town. Maliban na lamang kung work related o di kaya ay company outing ang kanilang pupuntahan. Hanggang sa nakatulog ang dalaga habang nagmumuni-muni.