Chapter 1: First Encounter

1126 Words
Before I could catch my falling phone, someone bumped me which made me kiss the ground same to what happened to my phone. My temper automatically boiled when I heard some giggles coming from my fellow trainees. They perceived what happened as a good joke. Irritation and anger submerged in my system when I saw my phone. It was badly damaged at the ground meters away from me.  Sino ba naman kasing mga tanga ang maglalagay sa gitna ng hallway ng mga gamit nila? Not to mention na naghaharutan pa? Gosh! Hindi ba nila alam na hallway ‘to! Mula rito sa p’westo ko ay nakikita ko ang cellphone na naka-on pa rin pero mayroon ng static line na nagpalaki ng mga mata ko. Bago ko pa makuha ito ay may tao nang naunang kumuha nito. Pinunasan niya ng sarili niyang daliri ang screen ng cellphone ko at malungkot akong tiningnan. May kasama siyang babae pero mas naagaw niya ang aking atensyon. My gaze was fixated to him while he was walking towards me. Ang kaniyang mga pilikmata ay binibigyan diin ang kaniyang kulay tsokolate na mga mata. He had a symmetrical face, pointed nose and thin seductive lips that was always in a grim line. His body was well-structured and his face was beyond from good looking. His body built was obscenely awesome.  Admittingly, his manly figure was my type. He was like the ones I saw in the magazine. I was so shocked when he offered me his hand. Ang kaniyang mga labi ay gumuhit ng isang tipid na ngiti para sa akin. Hindi ko mapigilan ang hindi matulala.  Parang ganito rin ang mga nakikita ko sa palabas kapag may bidang babae na biglang nadapa, darating ang leading man para tulungan siya. Hindi ko mapigilan ang hindi kiligin dahil sa paglahad niya ng kamay sa akin at sa ideyang naiisip. Tinulungan niya akong makatayo at saka ibinigay sa akin ang basag kong cellphone. Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang sariling damit na may dumi na dahil sa pagkakasubsob sa sahig. “Thank you,” nahihiyang sabi ko sa kaniya. Mas lalong nabaliw ang puso ko nang nginitian niya ako. Hindi ko alam na iisa lang pala ang training camp para sa military ng mga babae at lalake. Kung ganoon nga ay makikita ko siya rito palagi!   “I’m sorry. I don't intend to ruin your phone.” My facial expression automatically changed when he mentioned my phone. So, this b*st*rd was the reason why my phone was damaged! Parang nabasag ang mala-fairytale kong pag-i-imagine dahil sa sinabi niya. What the hell, I didn’t care about his looks anymore! My poor phone, he ruined my poor phone!   "Are you visually impaired or something? Hindi mo ba ako nakita kanina? Bakit kasi pakalat-kalat kayo sa daan?” I said angrily and didn’t let the other trainees hear it. I emphasized every word to show him my anger. Ito na nga lang ang tanging gadget ko na dala rito tapos sinira niya pa! Damn it, kung alam ko lang sana na mangyayari ‘to ay bumili pa ako ng reserba.   “I’m sorry, Miss. I'll just change it as a compensation for my actions,” he said apologetically, para bang madadaan niya ako sa pa-cute niyang ‘yan. Hindi ‘yan umuubra sa akin! I smiled at him sarcastically, nakikipagplastikan sa kaniya. Ewan ko ba, nabuhay bigla ang kaplastikan sa aking katawan nang malamang siya ang dahilan ng pagkasira ng phone ko. Of course, I couldn’t forgive him easily! He ruined my phone! It held a sentimental value to me! "Nevermind pero sana sa susunod ay maging aware kayo sa paligid ninyo ah? Hindi ‘to hotel room na basta-basta na lang kayo magpapakalat-kalat,” advice ko sa kanilang dalawa ng kasama niya at peke ko silang nginitian. Iritado kong pinupunasan ang screen ng aking cellphone gamit ang mangas ng suot kung itim na zip-up jacket.    “Pardon?” Pagkalito ang nakikita ko sa mukha niya. Tsk. Ang simple lang ng sinabi ko pero hindi niya ata naintindihan. “Ang sabi ko ay sana ay maging aware ka sa environment mo para hindi ka na makabungo. Hindi ‘to hotel na basta-basta na kayong maghaharutan kung kailan ninyo gusto.”   “Hello, Miss. I am Merle Chong. I apologize for what happened. I’m teasing him when—” I’ve interrupted the girl beside him to stop her from apologizing on his behalf. “Like as I’ve said, it’s okay Miss Chong. There’s no need to apologize.” Talagang may nag-back up pa sa loko at ito naming babaeng kasama niya ay magsasalita pa. Judging her looks, I assumed that she was half or even pure Shaihan. Shaihan ang tawag sa mga taga-Shaiha. My most hated territory.   “If you don’t mind, I’m going to leave now,” I said and mustered a wide but irritated smile to them. Although my smile disappeared when I looked at him. He was the one who slaughtered my phone!   I left them there and went to the other corner of the waiting hall. Hindi ko maiwasang makaramdam ng labis na iritasyon nang makita na abala ang ibang trainees sa pagsi-cellphone tapos ako hindi. Mas nairita ako nang ibinagsak ko ang mata ko sa walang pag-asa kong cellphone. I was cleaning gently the screen of my cellphone. Nagiging itim ang screen kapag nadadaanan ng aking hintuturo. The bottom part was black and the one at the top show my downloaded application. Naiiyak ako, wala na talaga itong pag-asa na maayos. Because of irritation, I threw up my phone at the trash bin because it would be surely useless. I crossed my arms over my chest. So, what should I do now? Mahirap pa naman makaalis kapag nakapasok na rito sa camp. Napatingin na lang ako sa aking relos. Naiinip na ako sa pagsisimula ng program. Naiirita na rin ako dahil nagiging mainit na ang waiting area dahil naiipon na ang mga trainees dito sa hall. Mag-iisang oras na pero hindi pa rin nagsisimula ang program. I was just squirming in my place while waiting for the program to commence. Nang makita ko na ang staffs ng Zaderous Camp ay bigla akong nabuhayan. All of the trainees automatically watched the five men who were wearing maroon uniform. Their maroon polo uniform had lots of badge that had been in tuck. Nalaglag ang panga ko nang makita ko ang loko-lokong lalaki na nakabangga ko kanina. Huwag niyang sabihin sa aking parte siya ng trainers ng camp? Parang may bumuhos na mainit na tubig sa akin dahil sa mga naiisip na maaaring gawin niya sa akin sa training. Bakit kasi hindi na lang ako magpakumbaba kanina? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD