Chapter 3: Heart Talk

2350 Words
Ilang segundo ang natapos bago kami nakapag-react. Sabay-sabay kaming tumawa at hindi makapaniwala. Her gum was showing when she laughed or smiled. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala na ganoon din ang ngiti palagi sa akin ni Ali. It felt like a déjà vu. She leaned her body towards me and was still giggling. Maging ako ay natutuwa sa mga nalalaman. I just looked at her while smiling. Pinipigilan ko ang sarili na huwag umiyak. Nahihiya pa rin ako sa kaniya. Magkahawig na magkahawig talaga sila ni Ali. Kung wala lang ang kaniyang eyeglasses, kung nag-aayos lang siya ng kilay at ng buhaghag na buhok, siguro ay magkamukha na sila. "H-hindi ako makapaniwala! So ikaw si Dydy na kinukuwento niya?" tanong niya gamit ang amuse na boses at parang kinikilig. Maging ako'y manghang-mangha na rito ko pa nakikita at makikilala ang hindi lang kapatid ni Ali kung 'di kakambal pa! There were lots of places but here in Zaderous Military Camp was the place I got the chance to get to know my best friend’s 'introvert' twin. Namula ako sa itinawag niya sa akin. Nakahihiya naman. Malawak ang inosente niyang ngiti habang nakaturo pa sa akin. Nairita ako bigla sa kaibigan. Bakit nito pinagkakalat ang nickname na iyon! Minsan, ito talaga ang sisira ng confidence ko. Nakaiinis na nakatatawa. Ayos lang sa akin, kakambal naman nito ang pinagchismisan nito. And I knew that blood was thicker than water. Hindi malabo na may pagkakapareho sila at baka isa na roon ang prinsipyo nilang dalawa sa buhay. They might not look identical but I thought that it doesn't mean na hindi na sila magkakambal. Wala namang dahilan kung bakit nito sasabihin na kakambal nito si Ali sa akin dahill hindi ko naman ito tinanong. "Oo, pero Dara na lang. Pang-asar niya kasi sa akin iyan eh. She used to tease me with that hella nickname of mine with her very daring voice. Iyon kasi ang palayaw ko noong bata pa. Nalaman niya kay Mommy at ginawa na pang-asar sa akin pero..." Hindi niya sa akin nakwento na may kakambal siya. I hardly tried to stop myself from saying those words. It might hurt her, I didn’t like it. Nagtataka niya akong tinitingnan. Ang bilugan niyang mata ay naghihintay ng kung ano pa ang susunod na sasabihin ko. I felt guilty. Huli na kasi nang ma-realize ko ang bagay na iyon. Ang bagay na hindi man lang siya na kuwento ng kakambal niya sa akin. "Ano iyon? May sasabihin ka pa ba?" Umiling ako. Nawala ang malapad niyang ngiti sa huli kong sinabi at hindi ko pa masagot kung ano ang sasabihin ko dapat. Panigurado na nasaktan siya sa pagtanggi ko. She smiled at me with her eyes closed. Guilt was slowly… killing me. Buwiset kasi na Ali! Hindi nito man lang nasabi. I didn't want to make her feel that her twin sister was not proud of her for not telling me about it. I didn’t want to make her feel that way. I knew Ali loved her. Ang sama naman pakinggan na hindi ko siya kilala dahil hindi nito nakwento ng kakambal nito. Kung hindi pa aksidenteng natamaan ako ng pantali niya sa buhok ay hindi kami makapag-uusap. Ayaw ko siyang masaktan sa kadahilanang hindi siya nakukuwento ng kakambal niya sa mga kaibigan nito o sa akin, at isiping hindi siya importante sa kapatid. Ang pinagtataka ko rin ay kung bakit hindi nito sa akin pinakilala ang kakambal nitong si Sooli na kaharap ko ngayon. For almost five years of friendship, she didn't say a word about her twin sister. Hindi ko maiwasang magtampo kay Ali dahil dito pero... nagtataka pa rin ako, para ba kasing wala naman silang pagkakapareho. Or did she even trust me? My God, bakit ko pa ito tinatanong! Of course, she trusted me. Mula sa kanilang itsura hanggang kung paano sila gumalaw at paraan ng pananalita. Mukhang tahimik at utuin ito na kinabaliktad ni Ali na sobrang ingay at hindi ko naloloko dahil ayaw niya magpaloko. She always told me that the reason why our world was cruel was because of people that were fools and deceitful. Kung wala raw magpapaloko eh 'di walang manloloko at kung walang manloloko walang magpapaloko. She generally exemplified all people. Mga bobo raw kasi. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nito ito? "Naalala ko kasi na siya ang nag-aasikaso ng toy store noon at ng factory ninyo. Sino na ang nag-aasikaso? May branch na ba kayo sa ibang lugar?" tanong ko nang nakangiti dahil naalala ko ang mga plano nito na sinabi sa akin noon. Nagulat naman ako ng pagsimangot niya pa lalo. She smiled immediately at me when she saw my reaction. I looked at her with a wide smile on my face. Trying to distract her from my sudden action by asking her a question. I hoped that it would work. In the end, I was the one puzzled by her quick changes of reaction. Para bang may tinatago siya o sadyang ganoon lamang talaga siya? Uhm, I see. People had different ways to express their feelings and way of living. Maybe she was gullible on the outside but she kept secrets inside too. “She told me about having a branch in Senutyennol too. Magandang ideya iyon lalo na ngayon," ani ko, naalala ang mga bata sa amin. Exporting product in the other country specially in the Senutyennol was Ali’s greatest dream. I still remember how enthusiastic she was every time she was telling me that she wanted to make the kids happy, lalo na sa Senutyennol. Hindi dahil nasakop ito ng terorista kung hindi ay walang tagalabas ang puwede pumasok doon at tagaloob na puwedeng lumabas dahil sobrang delikado ang biyahe papunta roon. Ang mga gawang sasakyan pandagat halos ng lugar namin ang nakalalayag sa parte na iyon. Dahil sa malakas ang produksyon sa amin ng bakal at magandang kalidad pa kaya ay maraming nagagawang mga bagay ang mga architect sa amin. But it changed as time passed by. Mas naging open ang gobyerno sa amin sa pakikipagkalakalan. They already take joint forces too, especially now that Shaiha was colonizing every territory they wanted. Kung sa armas lamang ang labanan ay may panama ang Senotyennol sa Shaiha, pero hindi ito nakikialam sa mga gulo ng ibang bansa. Lahat kakampi, lahat din kaaway. “She once used me as the product tester! Alam mo ba na mabaliw-baliw ako sa bawat labas niya na puzzle game! Parang ayaw ipabuo eh!” Hindi ko makalilimutan ang matayog nitong pangarap dahil hindi lamang ito para sa sa dating kaibigan kung hindi dahil ay para ito sa amin. I grew up in broken family at ito ang naging lahat sa akin noon. We accompanied each other and I became her inspiration for her designs and she was my everything. Sa mga kabaitan at pagsama sa akin sa mga lakad nito, palagi rin ako nitong pinagluluto noon sa bahay nina Uncle Yap. Uncle Yap was the tattoo artist in our town. Naging tatay-tatayin na namin dahil halos doon na kami tumira. Gabi lang kami umuwi sa kaniya-kaniyang bahay at ito na rin ang nag-tattoo sa amin sa likod. We were literally not blood-related. Masaya lamang kaming tatlo na magkakasama. At dahil sa tattoo namin na iyon at hindi pa ako nagpaalam ay sobrang galit sa amin si Daddy. Nilusob ako sa apartment na pag-aari nina Ali at kinuha ako. Agad kong inalis ang mga sumunod na pangyayari sa isip. Ayaw ko nang balikan. Kahit alam ko na napipilitan lang ito, masakit pa rin dahil… dahil iyon sa akin. “Ah, ganoon ba?” nahihiya niyang tanong. My question was not just about plain as that. Gusto kong malaman kung nagsasabi siya ng totoo. Kung kakambal nga siya ni Ali. Ali would not forget this big piece of her life to tell me. Sa daldal niyon at likot ng mata ay hindi iyon nauubusan ng kwento. Halos memorasado ko rin ang mga gusto at ayaw nito dahil napaka-vocal nitong tao. Medyo mainipin pero tolerable naman ang kaartehan nito at pagkamainipin nito. I really hate this attitude of mine. Turning down every idea I think that results in overthinking. Naiinis ako kay Ali. May bagay na hindi sa akin sinabi. Uhmm, well, hindi ko naman ito inoobliga na ikwento lahat pero alam nito halos ang bagay sa akin. "Umalis kasi ako at sa Senutyennol na tumira. Doon ay halos pitong taon din ako na naninirahan. Kararating ko lang dito sa Zade noong isang linggo... para din dito sa training. Uhmm. Wala akong balita sa kaniya," kuwento ko sa kaniya. Muli kong naalala ang mga karanasan ko sa Senutyennol. My father brought me there to punish me for not listening and disobeying him. I was a blacksheep and his only child. Marami itong bawal at ang taas ng pangarap sa akin dahil ako lang naman ang tagapagmana ng mga kayamanan at ari-arian nito pero hindi ko ito sinusunod dahil ayaw ko lang. I didn’t respect him and see him as my trainor and not as my father. First, he was verbally and physically abusive to me and to my mother. Next, he had a mistress, and lastly, he brought me to Senutyennol without my mother's consent and left her here in Zade. Damn, I was missing my Mom but… I couldn't see her anymore. I was here now because of an agreement with him. Pinayagan ako nitong makaalis sa hawla naming bahay sa Senutyenol kapalit ang pagiging Zaderous Army ko sa loob ng isang taon pagkatapos ng graduation ko sa college. I immediately agree with him when he said those words and agree without knowing the consequences. I just wanted to live my life without him. I want to live peacefully. Kahit maikling oras man lang. He was like a worm who loved to pester me. I easily found comfort to Sooli even though she was… maybe hiding something from me. Pareho ko ay may hindi rin ako sinasabi pero ito siya ngayon, nakikipag-usap sa akin. Hindi ako kinakabahan na naghayag ng bagay na tungkol sa akin. She also had the same aura with her twin sister whilr telling me a story. Madali ako magtiwala sa isang tao pero hindi ko binigay ang malalim na bagay na tungkol sa akin. I was just answering what, why-how-when-where questions. I was also direct to the point when answering differentl queires from her. She was very talkative. "Uhmm. She left after an incident also seven years ago," malungkot niyang sabi na nagpatigil sa akin. She left also seven years ago? Why? Dahil ba sa nangyari? Did she just think that I will get angry with her and leave after! Hindi ko alam na ganoon ang nangyari! Wala lang sa akin noong isumbong ako nito noon kay Papa. Noong bata ako siguro sy nainis ako pero hindi ako magagalit sa ksbabata. Akala ko nga ay nandito ito kaya pinagpipilitan ko na makabalik. Dalawa sila ni Mama sa mga plano ko rito. Malakas at mabigat ang buntonghininga niya. Sobrang halata na may dinaramdam siya tungkol sa bagay na iyon. Gusto ko man magtanong pa ay hindi ko magawa nang makita ang reaksyon niya. "Wala na rin ang factory at toy store. Nagipit at ginipit kami ng mga Lewis. Simula noong nawala si Ali ay sinamantala naman ng kompaniya ng pamilyang Lewis ang pag-alis niya at gumawa ng mga bagong laruan hanggang sa hindi na kami bumenta dahil wala ng mga bagong labas na disenyo. I thought you know that Ali designs were almost all of our products," she said sadly. Ang kalungkutan sa kaniya ay nararamdaman ko. She sighed and gave a smile. Tumagos sa akin ang kalungkutan niya dahil pangarap iyon ni Ali o baka na rin siya at ng pamilya nila. I found myself guilty. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil wala ako ng mga panahon na iyon kasama si Ali. I felt guilty when thinking about it. I felt ashamed. Mas doble ang guilt na nararamdaman ko kanina para sa kanilang dalawa. Una kay Sooli na hindi ko kilala, at ngayon na malaman na wala na ang bagay na pinakamamahal ni Ali at wala pa ako. "I-I'm sorry. I didn't know... but why did she leave anyway? What is the incident are you talking about? Did she still communicate with your family?" I asked, completely anxious and frustrated. Sinisisi ang sarili sa nangyari kay Ali, sa pangarap nito at sa pamilya nila. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili na magtanong. Ang malaman ang nangyari sa pamilya nila at store... factory at paglaho ng pangarap nito'y nagpaliliit sa akin. How could I not be there by her side in the lowest part of her life! I didn't expect that her dream would be ruined just like that... she just left? But why? Leaving her loveones was her hardest choice. And I hated myself for leaving her! Samantalang ito... ito ang naging kasangga ko sa mga oras at panahon na walang-wala ako pero ang ganti ko ay mawala sa tabi nito sa panahon na iyon. "Uhmm, I can't answer that because she didn't say a word when she left and even cut all the connection with our family." Tears fell on her cheeks. She immediately wiped it. Inalis niya ang salamin at napapahikbi pa rin. Hindi na ako makasingit ng tanong dahil umiiyak na siya. Hindi naman siguro ako ganoon katigas para tanungin sa bagay na nagpapaiyak sa kaniya ngayon. Paulit-ulit niyang pinupunasan ang luha sa pisngi niya ngunit hindi matigil ang paghikbi niya. Every time she wiped her tears, a new tear would drop. Ramdam ko ang bigat ng nararamdaman niya lalo na at alam ko kung ano ang dahilan kung bakit ito nagkagaganito. I couldn't directly tell her about it. Ayaw na magalit siya sa akin sa una naming pagkikita. Yinakap ko siya para pagaanin ang nararamdaman niya pero agad din namang bumitaw nang may iba akong nararamdaman. Napatingin siya sa akin, hinimas ko ang kaniyang likod at binigyan siya ng matipid na ngiti. Nagsisi ako dahil napag-isipan ko siya ng masama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD