Adrian's POV: Wala akong nagawa kundi ang hayaan na lamang si Patrick na samahan si Yassy. Ang kapatid kong 'yon ay mukhang nadala agad sa mga pa-cute ng dalaga. Hindi niya alam na ginagamit lamang ni Yassy ang karisma niya para pumanig sa kanya ang binata. Napaka-utak talaga ng taong 'yon. Magaling magpaikot. At sobrang tanga rin naman ang kapatid ko dahil nagpapaikot siya. Hinahayaan niya lang ang kanyang sarili na gamitin ni Yassy. Damn that woman! Wala na talagang ginawang tama. Lahat na yata ng kasamaan at kapangitan ng pag-uugali ay sinalo niya na. Napatayo ako sa may pinto at hinihintay kong umuwi ang dalawa. Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila dumarating. "BULLSHIT! DALAWANG ORAS NA PERO HINDI PA RIN SILA UMUUWI," madiing bigkas ko sa aking isip. Na