CONTINUATION OF CHAPTER 12 YASSY's POV: Nakakaasar! I don't have choice anymore. Kahit ayokong pumalit ng damit, pumalit pa rin ako dahil patuloy lang sa panenermon si Adrian. He's just my bodyguard, pero kung umasta siya ay akala mo, hawak niya ang buhay ko. Masyado siyang bossy. Dinaig niya pa yung papa ko kung magsalita. Akala niya ay siya ang bumubuhay sa akin kung makapagbawal. Hindi na tuloy ako makapaghintay na makaalis sa pesteng puder na ito. Sa halip na mabawasan ang aking sungay ay lalo pa yatang tumutubo ito dahil sa pagtrato sa akin ni Adrian. Masyado na talaga akong nahihirapan na pakisamahan ang binata. I am trying my best to be good to him. Pero tila mapaglaro ang tadhana. Palagi na lang niya ako sinusubok kay Adrian. Kahit na dalawang araw palang ako ay pa