CHAPTER 11 Yassy's POV: "MATUTULOG si Yassy sa tabi ko. Kaming dalawa ang gagamit ng kama. Dito na siya sa loob ng kwarto," seryosong bigkas ni Adrian habang nanonood kami ng T.V ni Patrick. Masaya kaming nagtatawanan ng binata dahil masyadong comedy ang pelikula. Kaso nang sumulpot si Adrian ay napawi ang ngiti ng aming labi. Para kasing nananadya ang lalaking ito. Kapag nasa kasiyahan kami ni Patrick ay lagi siyang sumisingit para lang hadlangan ang kaligayahan namin. Wala yatang natitirang kabutihan sa katawan niya. Puro na lang kasi galit at paninisi ang pinapairal nito. Hindi ko naman siya inaano. Ni hindi na nga ako sumasagot ng pabalang sa kanya. Tapos kung umakto siya pagdating sa akin ay gusto na yata akong patayin. Actually, matapos naming ligpitin ang nabasag kong plato