CHAPTER 25 YASSY'S POV: "GOODMORNING ADRIAN!" Masiglang sambit ko nang magising siya. Kakalabas palang nito ng kwarto habang ako ay nasa mesa at may hinanda na akong almusal na kakainin niya. Syempre, kahit sino namang babae na mamahalin pabalik ay talagang sisipagin sa pag-aasikaso sa bahay. This is just a simple effort for him. At sa tingin ko naman ay ma-aappreciate niya ito. Panibagong araw na naman kasi. And yes, it's been two days since mangyari ang pagtatapat niya. Ang bilis tumakbo ng oras. But still, kahit dalawang araw na ang nakalipas, sariwa pa rin sa aking ala-ala kung paano niya sinabi ang salitang 'gusto kita'. At simula noon, lagi ko na siyang pinagsisilbihan. Hindi na ito pakitang-tao dahil gustong-gusto ko na rin si Adrian. Iba siya sa mga lalaking nakilala ko.