Happy birthday to you... happy birthday happy birthday... happy birthday to you...
Nagpalakpakan ang mga bisita
Sige na my princess blow your candle and make a wish nakangiting sabi ni mommy
Pumikit ako para makapag wish tapos hinipan ko ang kandila sa three layer cake na may mga Disney princess na decorations yun din ang theme ng birthday party ko na si mommy ang nag asikaso
Happy birthday princess bati ni mommy sabay abot ng maliit na box ganun din si daddy na nag abot din ng regalo nya sakin
Ang dami naman po napahagikhik kong sabi
Syempre para sa kaisa isa naming prinsesa
Hindi naman na po kailangan sobra na nga po mi ang birthday party na ito
Hmp ... for my princess I want all the best
Thank you so much mommy and daddy sabay ko silang pinaghahalikan
Oh sya open our gift for you syempre unahin mo ang galing sa mommy ha
Aba parang madaya ah
Sabay kameng napa halakhak
Then I start opening the gift from mommy
Nanlaki ang mata ko ng makita ang kilalang brand ng relo na nakita non sa mall
Wow ang ganda!
You like it?
Mommy thank you! I love it!
Open my gift princess maktol ni daddy
I open daddy gift isa yung square na maliit na box
napa singhap ako ng makita ang isang set ng stud earrings at necklace na gold na may korting maliit na heart
Napatingin ako sa mga magulang ko naiiyak ako sa sobrang saya seven years old palang ako ngaun pero ganito na ang mga regalo nila sakin
I love you so much mom and dad
We love you more sabay nilang sabi
Marami pa akong natanggap na regalo pero ang regalo ng parents ko ang pinaka mahalaga para sakin
Tignan mo nga naman napaka swerte talaga ni sampid parinig ng isang batang babae na nakatayo malapit sa pool namin kung saan nakababad ang paa ko
Napalingon ako kay Dennis na anak ng pinsan ni mommy
Hi Dennis bati ko dito
Hi your face!
Hindi ko alam kung bakit galit sakin si Dennis at tinatawag akong sampid actually hindi lang si Dennis lahat ng pinsan ko at kamag anakan ni mommy ay halatang hindi nila ako gusto at nagpapakitang tao lang pag nasa tabi ko si mommy
Ngumiti nalang ako at binaling ang tingin ko sa ibang dereksyon at balak kong hindi nalang pansin si Dennis
Pero nagulat ako ng tangka akong itulak ni Dennis sa pool pero agad ko syang nahawakan kaya naghila ko ang braso nya at nasira ang gown nya
Oh my Gosh naiiyak nyang sabi na narinig ni Tita Precy na mommy nito
What have you done nakakatakot na sigaw ni Tita Precy sakin habang nangdidilat ang mata kaya sobra akong natakot
Hahablutin nya sana ako sa braso ng maunahan sya ni mommy at bahagyang itulak
Napapikit ako dahil natatakot ako sa tensyong nangyayari
Really Olivia kakampihan mo ang batang yan tignan mo ang ginawa ng sampid na yan!
Nagulat ako ng sampalin ng malakas ni mommy si Tita Precy pati ang ibang bisita ay hindi nakaimik at natigilan
Sa susunod na pag salitaan nyo pa ng masama ang anak ko makakatikim kayo sakin galit na galit na sabi ni mommy
Anak oh come on Olivia alam naman nating hindi mo anak ang ba...
Hindi na natapos ang sasabihin ni Tita Precy dahil pinagsasampal sya ni mommy
Naiyak ako dahil ngaun ko lang nakitang nagalit at naging mapanakit si mommy at dahil yon sakin
At naiyak din ako dahil sa narinig na sinabi ni Tita Precy hindi ako totoong anak ni mommy
Natigilin si mommy ng makita nya akong umiiyak at agad akong niyakap
Nagsialisan naman ang mga kamag anakan ni mommy na halatang dismiyado sa nangyari
Pagkatapos ng party nilinisan ako ni mommy ng katawan at binihisan ng pantulog at pinahiga sa kama ko
Nahihiya ako magtanong pero gusto ko malaman ang totoo
Mommy ...totoo po bang hindi nyo ako anak
Ha...anu kaba naman anak ako ang mommy mo at anak kita kaya wag mo isipin ang sinabi ng bruhang yon ha
Makinig ka ha ako lang ang mommy mo at ayaw konang itatanong mo pa yan sa mommy ha magtatampo ako sayo promise...
Ok po mommy promise at nagyakapan kame
Nararamdaman kong may tinatago sila mommy sa totoong pag katao ko pero hindi kona uusisain eh ano kung ampon man ako, katulad ng sabi ni mommy anak nya ako at mananatiling anak nya ako kahit pa ampon ako...
At simula nga ng insidenteng yon ay hindi na nag kalapit ang ibang kamag anakan ni mommy at si mommy madalas hindi kami pumupunta sa mga reunion at iba pang party ng family ni mommy at simula rin noon hindi n ako punayag na mag party tuwing birthday ko laging dinner nalang naming tatlo
Nica anak malapit na ang birthday mo fourteen years old kana ayaw mo ba talaga mag pa party dalaga kana anak parang gusto kong magpaparty kahit sa mga classmates mo lang anak
No thanks mom
Naku naman ang anak ko malapit kanang mag dalaga dapat medyo in exposed mona ang sarili mo ni hindi ka man lang nagdadala ng mga friends mo dito sa bahay
Naku mom ayaw ko talaga panay naman kase sila yabangan sa mga branded nilang gamit
Pero ang totoo wala talaga akong kaibigan sa school kundi si Ayah Ang best friend ko dahil ayaw nila sakin hindi ko alam pero binubully nila ako sa school dahil hindi naman daw ako totoong mayaman siguro isyu parin ang pagiging ampon ko
Oh Eh ano branded naman lahat ng gamit mo anak
Mom ok na ako na tayo nalang ang mag celebrate ng birthday ko
Tsk...anak naman syempre gusto kong maramasan mo rin ang mga ginagawa ng ibang teenagers
Mom thank you but I'm happy for what and who i'am saka hindi ako mahilig sa party party
Hmmm...iniisip mo parin ba ang nangyari dati
Umiling ako habang nakangiti, wala na sakin yun mommy hindi lang talaga ako mahilig sa paparty at maraming tao
Sige na nga pero pag eighteen birthday mo ha hindi pwedeng walang party ha gusto ko yung enggrande
Nangiti ako kay mommy
Opo naiiling kong sabi kay mommy
hinalikan nya ako sa pisngi at niyakap
I love you Nic mahal na mahal ka ni mommy ikaw ang buhay ko
Niyakap ko sya ng mahigpit I love you more mom your the best mom ever ...