Halos isang linggo na ang lumipas nung marinig ko ang pag tatalo ni mommy at daddy
At ang laki ng pagbabago dati sabay sabay kaming tatlo nag didiner nag kukwento ng nangyari sa maghapon habang pinagsasaluhan ang masarap na luto ni mommy
Ngaun bihira nang lumabas ng kwarto si mommy kung sasabay man sa diner hindi nag sasalita
Nahihiya rin naman ako mag umpisa ng pag uusapan
Simula nang malaman ko ang totoo ayaw ko man pero naiilang na ako tawaging mommy si mommy
Hindi ko alam pero nasasaktan ako para sa kanya
She's so smart I know pero bakit sya pumayag na kupkupin ako at ituring na anak
Ako ang nahihiya sa kalagayan ko, alam ko kahit mahal nya ako bilang anak may parte na nasasaktan sya dahil ako ang bunga ng pagtataksil ni daddy
Lahat ng kahihiyan na nilunok nya maipagtanggol lang ako sa mga kamag anakan nya
Bakit ako anak sa labas, bakit hindi nalang sya ang mommy ko...
Sana totoo nalang ampon ako
Agad kung pinunasan ang luha ko ng marinig ko mag salita si mommy
Bakit hindi kapa kumain kanina kapa naka upo dyan pero hindi ka kumakain at naka titig ka lang sa pagkain mo bakit hindi ba masarap ang luto ni manang Mercy
Agad akong umiling para sabihing masarap ang pagkain at pinipilit na ngumiti
Oh eh ok naman pala bakit hindi kapa kumakain
Mooommy...
Alinlangan kong tawag sa kanya
Nica anak kita tandaan mo nagtatagis na bagang na sabi ni mommy sakin
Lumaglag ang luha ko sa mata at hindi ko mapigilan
Jenica tandaan mo hindi ka man nanggaling sakin mahal na mahal kita
Tumagbo ako payakap kay mommy
Mommy I'm sorry po, I'm sorry kung nasasaktan ka dahil sakin
Tung batang to ano bang sinasabi mo sabi ni mommy pero kita kong pasimple syang nag punas ng luha
Akin ka anak kita hindi ako makappaayag na kunin ka sakin lahat gagawin ko Nica anak ok kaya wag kanang umiyak at matakot
Mommy tandaan mo din mahal kita kahit ano mangyari poprotektahan kita
Niyakap nya ako ng mahigpit
Dalawang buwan pa ang mabilis lumipas lagi kami lumalabas ni mommy bonding baga shopping hindi kona hinindiin kung gusto nya ako ibili ng mga damit, bag, sapatos at kung anu ano pa pero hindi na lagi kasama si daddy
Ngaun araw sinundo ako ni mommy sa school para daw mag punta sa isang beach resort sa Batangas
Grabe mommy bigla bigla naman napahagikhik ako
Wala nga tayong dalang mga damit
Ok lang doon nalang tayo bibili bakit ayaw mo ba?
Syempre gusto po
Sabay kaming napalingon sa phone ni mommy ng tumunog ito
Oh natawag si daddy at dinampot ko ang phone ni mommy para sana sagutin ang tawag nito dahil nag dadrive sya
Nagulat ako ng biglang hablutin ni mommy ang phone nya at biglang nag preno at binuksan ang bintana ng sasakyan at binato ang phone nya sa labas
Hindi ako nakapagsalita at hindi ko alam kung ano ng dapat kung maging reaksyon
Tumingin sa mommy sakin
Sorry anak ayaw ko lang istorbihin tayo ni daddy mo
Mom?! ano pong totoong nangyayari
Humagulgol si mommy
kukunin kana nya sakin
Hindi ko alam kung ano ang dapat kung gagawin at sasabihin
I hug her...
matagal kaming magkayakap ng tumunog ang phone ko
Si daddy po ipinakita ko pa ang screen sa kanya
Tumango lang si mommy para sabihing pwede kong sagutin
Hello?
Hello anak nasan kayo?
Hindi ko po alam tung lugar but we're heading to Batangas
Can you pass the phone to your mom I want to talk to her
Mom... sabay pasa ko ng phone sa kanya
Humagulgol ulit si mommy habang kausap si daddy tinakpan nya pa ang bibig nya para pigilan ang malakas na pag iyak
I feel her pain kaya kahit hindi ko naririnig ang pinag uusapan nila tumutulo din ang luha ko
Hanggang matapos ang pag uusap nila at niyakap ulit ako ng mahigpit ni mommy tapos nagpunas ng luha
Baby promise mommy no matter what happen tatagan mo ang loob mo, wag ka malulungkot at kahit anung mangyari tandaan mo I'm just one call away mahal na mahal kita anak
Nagpunas ulit sya ng luha tapos ng nag maniobra pabalik
Namalayan ko nalang papasok na ang sasakyan namin sa gate ng bahay
When I get down the car I so the women na nag claim na anak nya daw ako
Nilingon ko si mommy walang reaksyon ang mukha
Ngumisi ang babae
So paano ba yan Olivia kukunin kona ang anak ko
Ok kunin mo pero hindi mo mababago na ako parin ang asawa ni Kaito at mahal nya
Walang hiya ka talaga sigaw ng babae at akmang susugod kay mommy pero agad naharangan ni daddy
Amanda umayos ka nasa harap kayo ng bata
Yan ba ang ugali ng magiging ina
Tandaan mo ikaw lang ang nagluwal pero kahit kailan hindi mo ako mapapantayan sa pagiging ina at asawa
Oh di ikaw na! pero baliktarin mo man ang mundo wala ka paring silbi! nang aangkin ng anak ng may anak babaeng walang matres!
Hindi ako pumapatol sa walang breeding at desperada
Jenica sya ang tunay mong ina si Amanda Garcia mistress ng daddy mo at pinaubaya ka nya sakin kapalit ng daddy mo, I don't want to tell you the truth but kailangan mong malaman para makapag ingat ka dahil kaya ka nya ipamigay kapalit ng pansarili nyang kaligayahan
Isa lang sasabihin ko sayo anak tatagan mo ang loob mo wag ka dumepende sa iba at siguraduhin mo rin na gagawin mo ang gusto mo at hindi makikinig sa sasabihin ng babaeng yan I know and I believe that I grow you up like a good person
Pinagtapat ni mommy ang mukha namin
Ako ang mommy mo at anak kita tandaan mo yan
Aba ang kapal talaga ng mukha mo! anung anak mo! walang kang anak at kahit kailan hindi ka magkakaroon
Sige na paalisin mona Kaito ang maingay na babaeng yan
Naglakad si mommy ng deretso patungo sa taas ng bahay ni hindi manlang ako nilingon
Masakit sakin pero mas gusto kong ganyan sya hindi pinapakitang nasasaktan sya na siguradong ikasisiya ng babaeng ito
Tara na anak
Lalapitan sana ako ni dad para yakapin pero tinabig ko ang braso nya at humakbang patalikod
Ano ba naman yan anak I hug mo si daddy este si daddy mo pala
Tinignan ko lang ang ina ko daw pero inirapan ko at sa naglakad sa tapat ng sasakyan nya
Nagpaalam pa sya kay daddy
Pero sinigawan ko sya
What took you so long let's go!
Pakendeng kendeng pa ito habang kumakaway Kay daddy
Tsk bitch...bulong ko
Sisiguraduhin kong hindi ako madaling maging anak