Cheska's point of view
Nang tuluyan nang makaalis si xander ay napaupo ako sa sofa at napaisip ako sa mga sinabi niya kanina bakit ayaw niyang makitang may hawak siyang baril ng mga mata ko?
Natatakot ba siyang isipin kong masama siyang tao at mamamatay tao siya? ni minsan hindi ko naisip sakanya 'yon hindi ko inisip na masama siyang tao dahil nararamdaman kong mabuti siyang tao.
Bakit nga ba ako nakakaramdam ng ganito? ano ba ang nararamdaman ko sa lalaking 'yon? kaibigan ko lang naman siya hindi ba? bakit ganito parang kakaiba talaga ang nararamdaman ko sakanya.
Napatayo ako at tsaka ko lang narealize na...
Gusto ko siya kaya dali dali akong umakyat sa itaas para kunin ang jacket ko at nag flat shoes lang ako pag ka baba ko muntikan pa akong madapa kaya naman nag dahan dahan na ako ng makababa na ako lumabas kaagad ako ng bahay at nag para ng taxi.
"Manong diyan na lang po"sabi ko kay manong at agad na bumaba ako dahil dito ako dinala ni xander sa bar nang papakainin niya ako siguro naman nandito ang kaibigan niya at pwede ako mag tanong kung nasaan siya.
Dumeretso na ako sa loob at narinig ko agad ang ingay na tugtog at pati narin ang mga tawanan ng mga tao dito nag tanong ako sa isang bartender kung nasaan si sam pero ang sinabi niya wala daw dito na sa territoryo niya daw hindi ko naman alam kung saan 'yon.
"Kuya saan 'yon? may alam ba kayong lugar na sinabi niya sa inyo?"tanong ko sakanya at napaisip naman siya at napangiti siya saakin.
"Naalala ko nasa may ibaba siya dito sa may bar may underground kami sasamahan kita ang pagkakaalam ko lahat ng barkada niya nandito pati narin tauhan nila."nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko kaya naman napatango nalang ako at sumunod sakanya bumaba kami gamit ng hagdanan at binuksan niya ang pinto kasabay niyon ay narinig ko ang pag kasa ng baril.
"Waaa!!"nagulat ako at 'yong bartender naman agad na hinatak at ako hinatak din at tinutok saakin ang baril."s**t mukhang mali yata ang pinusakan kong bar huhuhu.
"Whot the hell is it?"narinig ko ang boses ni xander at pag lingon niya laking gulat niya nang makita ako at agad naman siyang tumayo.
"Get your hands off her!"sabi nito at itinulak ang lalaking nakahawak saakin kanina kaya naman napatingin ako sa mga kaibigan niya este ka grupo niya sa gangster.
"What are you doing here?"tanong niya saakin.
"May sasabihin lang ako sayo hehe"sabi ko sakanya at napatingin naman siya sa mga kagrupo niya at tumingin siya sa lalaking nagpupunas ng baril siguro ito ang boss na tinawag kanina ni xander na ace.
"Ace, babalik din ako saglit lang."pagpapaalam niya at inakbayan niya ako patalikod kaming umalis.
"Kahit hindi kana bumalik basta alam mo na ang mission mo."nanlaki ang mga mata ko at napahinto ako sa paglalakad kaya naman nag takha si xander.
"May problema ba?"kuno't niyang tanong parang may kakaiba akong nararamdaman talaga kay xander kaya lumingon ako at tinignan ko ang nangangalang ace.
"Anong mission niya?"tanong ko sakanya at napataas naman siya ng kilay.
"Who are you to question me?"masama niyan akong tinignan kaya naman napataas ako ng kilay aba't ang tapang naman ng isang ito bakit isa ba akong masamang tao?
"Gusto ko lang naman siguraduhin na malinis ang ginagawa niyo."mataray kong sabi at nagsimula na ulit mag lakad at nang makalabas na kami ni xander ay agad niya akong sinandal sa may pader kaya naman nagulat ako.
"Ano ba ang sasabihin mo?"irita niyang sabi at tumingin siya sa mga taong nag paparty dito sa bar.
"Gusto ko lang sabihin sayo ang nararamdaman ko."sabi ko at napataas naman siya ng kilay.
"Iyong lang ba? pwede na ba akong umalis?"tanong niya saakin kaya naman nagulat ako ng paalis na siya at napanguso ako ang bastos naman ng lalaking 'to nag sasalita pa ako lalayasan na kaagad ako.
"Hindi pa ako tapos! gusto kita!"sigaw ko at agad ko naman narinig ang pag hinto ng music kaya napatingin ako sakanya at natatawang ewan ang binigay niya saakin na reaksiyon.
"Wag ka nga mag biro!"ginulo niya ang buhok ko kaya napayuko ako sa tingin niya ba biro ang sinabi ko? bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot at nanghina ang buong katawan ko sa sinabi niya.
Joke lang ba ang lahat ng sinabi ko?
"Umuwi kana ipahinga mo na sarili mo may gagawin pa akong trabaho."seryoso niyang sabi at aalis na sana siya ng hatakin ko ang laylayan ng damit niya at napatingin siya saakin.
"I know for you it's a joke! but for me it's not! because i really like you and that's what i feel! kaya kahit hindi mo ako gusto tutuloy ko parin ang pagkagusto ko sayo!"sabi ko at nakita ko naman na ngumisi siya at tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakahawak ko sakanya.
"Oo na hindi na joke aalis na ako mag ingat ka."sabi niya at tuluyan nang umalis kaya naman napayuko ako at hinawakan ko ng mahigpit ang jacket ko at nilagay ko ang hood sa ulo ko.
Tumakbo ako ng mabilis at nakita ko siya kaya naman binunggo ko siya at narinig ko ang pag sigaw niya patungo saakin.
"Hoy! okay ka lang ba?!"hindi ko 'yon pinansin at patuloy lang ako sa pag takbo kaya nakaramdam akong pagod at huminto ako sa pag takbo at hingal na hingal ako naalala ko nga pala may hika ako at bawal ako tumakbo at sa mga excercise hayss.
Kinuha ko sa bulsa ko ang inhaler ko at nakahinga ako ng malalim at nakaramdam ako ng may humawak saakin kaya naman nagulat ako at napatalon ako.
"s**t!! are you okay?!"alalang tanong saakin ni xander at napatingin naman ako sakanya na hingal na hingal dahil nga hinabol niya ako.
"Okay lang ako, may hika kasi ako eh nakalimutan ko hehe."nakangiti kong sabi at nag iba naman ang itsura niya naging mas lalong nagaalala.
"s**t that sick! dapat inaalala mo mamaya mo diyan mahimatay ka tapos wala ako--"napahinto siya sinabi niya at kumuno't ang nuo niya dahil nasabi niya 'yon.
"Anong sabi mo?"pangaasar ko sakanya
"Wala-- hahatid na kita!"namumula ang buong mukha niya at nagpapatay malisya pa siya kaya napangiti nalang ako.
**