bc

A New Found Love

book_age16+
1.6K
FOLLOW
5.6K
READ
second chance
doctor
sweet
bxg
brilliant
campus
city
office lady
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

"We will build a family. And I want many kids that will make us the happiest couple in the world."

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
ERINA’S POV INAAYOS KO ANG AKING MGA GAMIT SA MALETA. Kailangan kong ayusin ang mga iyon bago pa dumating si Kyle. Susunduin niya ako upang doon na muna sa kanilang tahanan pansamantalang tumuloy. Natatakot ang lalaki pati na ang pamilya nito na abutan ako ng lockdown sa aking tinutuluyang condo na mag-isa. Kalat na kalat na ang balita hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang tungkol sa corona virus na nagdudulot ng malubhang sakit kapag hindi naagapan. Sobrang natatakot si Mommy at Daddy para sa akin lalo na at kasalukuyang nasa Amerika ang mga ito para sa isang business trip. “Hello, Mommy.”Mabilis kong pinindot ang green button ng aking mobile phone. “My dear, nakaalis ka na ba ng condo mo?”Ramdam niya ang pag-aalala sa boses ng ina. “My, hindi pa po. Papunta pa lang si Kyle,”sagot ko. “Akala ko ba ay maaga kang aalis?” “Oo nga po, My. Kaya lang po ay nagkaroon ako ng emergency meeting kanina kaya sinabihan ko si Kyle na hapon na ako sunduin.” “Sana, kahit nagkaroon ka ng meeting ay maaga mo pa rin pinapunta diyan si Kyle para may kasama ka.” “My, alam mo naman na hindi ako sanay sa ganoon.”Mag-iisang taon na silang magkasintahan ni Kyle pero hindi pa rin ako sanay na may kasamang lalaki sa condo ko. “Akala ko ba ay nagpropose na sa iyo si Kyle? Bakit hanggang ngayon ay nangingilag ka pa rin sa kanya?” “Mommy naman eh.”Nagkandahaba ang nguso niya. “Kaya ayaw mo mag-video sharing dahil sigurado akong ang tulis na ng nguso mo ngayon!” Napangiti siya sa sinabi ng kanyang Mommy. “Si Mommy talaga.”Hindi talaga makakalusot ang mga ganoon niyang expression. “I missed you terribly, my dear. Alam ko naman na mabait kang bata.” “I miss you too, Mom. Kayo ni Daddy.”Bigla siyang nakaramdam ng matinding pangungulila. “Okay, just send me a message the moment na makaalis ka na ng bahay ha?” “Yes, maam! Tiyak na papunta na rin po si Kyle dito sa bahay.” “Take care, my dear daughter.” “Kayo din My. Bye!” Nawala na sa linya ang kanyang ina. Kilalang-kilala talaga ako ng Mommy ko. Kahit na madalas ito wala sa bahay simula pagkabata ay hindi nagkulang na maglaan ng oras sa akin. Hindi nito pinaramdam kahit na kalian na sa kabila ng pagiging abala sa trabaho ay mawawalan na oras para sila makapag-bonding kasama ng aking Daddy. Kung sumama sana ako sa Amerika ay hindi labis na mag-aalala ang mga ito sa kalagayan niya. Hindi ko rin kasi pwedeng iwanan ang napakalaking project na nasa final phase na. Pinangako ko sa sarili na matapos lang iyon ay agad siyang susunod sa mga magulang lalo pa at tatagal ang mga iyon ng hanggang apat na buwan. Next year pa naman ang kasal ko kay Kyle kaya may sapat pa akong panahon bago tuluyang lumagay sa tahimik. Hindi pa sana ako papayag sa proposal ni Kyle kung hindi dahil na rin sa panghihikayat ng aking Mommy at Daddy. Nag-iisa raw lang akong anak nila kaya gusto na nila agad na magkaroon ng apo. Wala naman akong maipipintas kay Kyle. Sobrang mabait, maunawain at maalalahanin din ang aking nobyo. Wala rin akong maisip na hindi maganda na katangian nito. Kaya kahit sinong babae ay tiyak na mahuhulog ang loob at magkakagusto sa lalaki. Stable ang trabaho nito bilang bank manager sa Maynila at pinaghandaan talaga ang pagkakagastusan sa aming kasal. Siya na nga talaga ang lalaking nakatadhana na makasama ko sa habang buhay. Ang siyang magiging katuwang ko sa pagbuo ng sarling pamilya. Binasa ko ang text message ni Kyle nang tumunog ang mobile phone ko. Malapit na raw siya at aakyat na lang sa tenth floor para tulungan sa mga pagdala ng mga gamit ko. “Okay.”tugon ko saka mabilis na isinara ang naiwang bukas na bintana. Sunod kong inabot ang susi sa taas ng refrigerator nang makaramdam ako ng pagsakit ng ulo. “NURSE JOY! NURSE JOY!”tawag ng isang lalaki na nakasuot ng personal protective equipment. Tila nawalan ako ng malay dahil sa sakit ng ulo. Ngunit hindi ko alam kung paano ako napunta sa ambulance stretcher. Napakunot ang noo ko ng mapagtantong nasa hospital na pala ako.”Tulungan mo naman akong dalhin ang pasyente sa ICU.”narinig kong sabi ng lalaki. Marahil ay isa itong doctor. “Doc, covid patient po ba?”tanong ng nurse na mabilis na nakalapit sa kanya. Nakahiga siya sa kamang de-gulong na ginagamit sa ambulansiya. “Lahat ng senyales ay nasa kanya kaya kailangan siyang ma-isolate agad.”tugon ng lalaking doctor. Sa nanlalabo kong paningin ay hindi ko maiwasang ngumiti dahil naririnig ko ang isang pamilyar na boses. Parang kilala ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Ang boses na una kong minahal na kailanman ay hindi ko pagsasawaan. “Am I hallucinating? Kukunin na ba ako ni Lord?”natawa ako sa isiping iyon.”Okay lang, Lord. Sapat na sa akin na marinig ang boses niya hanggang sa aking huling sandali.” Iyon na yata ang tadhana ng aking buhay. Totoo nga na kahit anong pag-iingat sa katawan ng isang tao ay may kanya-kanya tayong oras. At iyon na ang oras ko. Hindi ko akalain na nasa loob ng aking katawan ang virus na nakamamatay. Sabi sa balita, fourteen days ang pinakamatagal para lumala o gumaling ang isang pasyente. “Erina, you have to be strong! Nandito lang ako.”Marahang pinisil ng lalaki ang isang palad ko. “Family relative po ba ninyo ang pasyente?”tanong ng nurse. “She is more than a family to me because she’s my everything,”agad na sagot ng doctor. Pakiramdam ko sumigla ang puso ko. Pinapalakas ng lalaki ang loob niya upang huwag ako matakot at mag-alala. “Kaya pala, Doc.” Marahang bumungisngis ang babae. “Doc, mukhang nahihirapan pong huminga ang pasyente!” Malakas na sigaw nito matapos ang pagngiti. Halatang bigla itong kinabahan. “Erina! Erina! Erina!”tawag ng lalaki sa kanya. Paano kaya nalaman nito ang pangalan ko? “Bilisan na nating Nurse Joy.”Nakita kong mabilis na tumango ang kausap ng lalaki.“Hang on, Erina! Erina, please!”iyon ang huli kong narinig bago ko tuluyang maipikit ang mga mata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.7K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.7K
bc

Be Mine Again

read
99.2K
bc

He's Cold Hearted

read
160.7K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.7K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook