PRINCESS ARRANYA'S POV: Mabilis ang takbo ng kabayong sinasakyan ko dito sa gubat, pero napatigil din ako nang makita ko ang isang malaking ibon sa himpapawid na mabilis na lumilipad. "Ibon ba 'yon ang nakikita ko? Masyadong malaki," bulong ko sa sarili ko. Bigla akong napalingon sa kaliwa nang mapansin kong may nakatingin sa akin. Muli kong pinatakbo ang aking kabayo sa malawak na kagubatan na ito. "Wala ka talagang kahihiyan, Prince Collins," pinasusundan niya ako sa kanyang tauhan. Alam kong wala siyang tiwala sa akin, pero kailangan pa rin niya ako dito para manatili sa tabi niya, hindi para sa mga mangangalakal kundi para sa sarili niya. Alam kong gusto niya ako. Hindi naman ako bulag kaya nakikita ko 'yun sa kanya. Gusto niyang maglaro? Ibibigay ko sa kanya ang larong hinahanap n