Pagkatapos ng aming pag-uusap ni Sister Sylvia, agad siyang umalis at pumunta sa pagsasanay sa militar.
Siya ay may mataas na posisyon sa militar; siya ang pangalawang kumander ng Militar ng Mossy Thorn Empire.
"Young lady, ano na ang plano mo ngayon? Nag-aalala ako. Paano kung makakuha sila ng ebidensya laban sa iyo? Sigurado akong kamatayan ang magiging parusa sa atin," ani Scarlet.
"Huwag kang mag-alala, wala silang makukuhang ebidensiya laban sa akin, Scarlet. May ipagawa ako sa iyo. Alamin mo ang tungkol kay Prime Minister Frail at makakuha ng balita mula sa kanya. Oras na para pagbayaran niya ang ginawa niya sa aking pamilya at lahat ng Snow Peak."
"Opo young lady, gagawin ko agad ang utos mo," maagap na sagot ni Scarlet.
"Scarlet, salamat. Salamat sa tulong mo," sabi ko sa kanya.
"Wala 'yon young lady," sagot niya. Kaagad umalis si Scarlet sa aking harapan upang makakuha ng higit pang impormasyon tungkol kay Prime Minister Frail.
Agad akong lumabas ng kwarto ko at naglakad sa hallway ng palasyo. Tumingin ako sa kaliwa't kanan, nagmamasid. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang ilang miyembro ng Imperial na naglalakad kasama si Prime Minister Frail. Napatigil sila nang makita nila ako. Agad akong nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kanila.
"Young Lord Anya," direktang sabi ni Prime Minister Frail. Huminto ako at humarap sa kanya.
"Young Lord, bakit mo ginawa iyon sa ating mahal na kamahalan? Alam mo ba kung ano ang parusa sa iyong ginawa? Bagong santo ka lang dito sa palasyo, pero nagawa mo na kaagad na pagtangkaan ang buhay ng ating kamahalan. Hindi ka man lang natakot na baka mapahamak ka sa ginagawa mo. Alam mo ba kung ano ang parusang ipapatong sa iyo? Kamatayan ng buong pamilyang kumopkop sa iyo, kasama sila sa paghatol."
"Thank you for your concerns, Prime Minister, but I am innocent," diretsong sagot ko sa kanya.
"Kung wala ka nang sasabihing importante sa akin, baka pwede na akong makaalis," paalam ko at agad na tumalikod sa kanya, saka nagsimulang maglakad.
"Young Lord Anya, pwede ba kitang makausap?" sabi ni Prince Sawyer na biglang sumulpot sa likod ko. Agad akong huminto sa paglalakad at lumingon sa kanya.
"Oo naman, Prinsipe Sawyer, ano ang dapat nating pag-usapan?" tanong ko.
Tungkol sa tangkang pagpatay kay Empress Shamsi, biglang nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang sinabi niya.
"Prince Sawyer, how's the case going? May nakuha na ba kayong impormasyon kung sino ang taong gustong pumatay kay Empress Shamsi?" tanong ko agad sa kanya.
"Sa ngayon, wala pa kaming makuhang matibay na ebidensya laban sa kanya, maliban dito, Young Lord Anya."
Agad niyang ipinakita sa akin ang handkerchief with the logo that shaped a snake.
"Alam mo ba kung sino ang nagmamay-ari nito?" tanong niya.
"Wait, this logo is also the logo of the squadron that assassinated the Empress."
"Yes, you are right, Young Lord." Paano ako makakatulong sa kasong ito, Prinsipe Sawyer?
Wala kang gagawin, at least behave yourself, Young Lord Anya.
Agad ko siyang tiningnan ng diretso.
"Anong ibig mong sabihin, Prinsipe Sawyer? Huwag mong sabihing ako ang pinaghihinalaan mo sa mga nangyayari."
"Wala akong sinabing ganyan, Young Lord. Huwag kang gagawa ng bagay kung ayaw mong mapahamak."
Biglang napapikit ang dalawa kong mata sa kanya. Anong ibig niyang sabihin, hindi kaya may nakuha siyang ebidensya laban sa akin? Pero imposible.
I shouldn't fall into his trap, bulong ko sa sarili. I know he's just testing me. All evidence points to Prime Minister Frail; the handkerchief he is holding is from the Prime Minister's Manor.
Ngunit ang pangalawang prinsipe ay napakatalino. Kailangan kong maging maingat sa bawat kilos ko.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Prince Sawyer, bumalik agad ako sa kwarto ko.
Makalipas ang tatlong oras o higit pa, nakaupo ako sa isang upuan at umiinom ng tsaa nang biglang bumukas ang pinto.
"Young lady," sabi ni Scarlet, "may balita ka na ba tungkol kay Prime Minister Frail?" tanong ko.
"Opo, Young lady, may palitan ng armas mamayang gabi sa Rainforest Rivers."
"Sigurado ka ba, Scarlet?"
"Oo, Young lady, sigurado ako, hindi ako maaaring magkamali. Young lady, kung gayon kailangan nating sirain ang mga sandata na iyon. Pero paano, young lady, nandito tayo sa loob ng palasyo, hindi tayo maaaring makakilos dito. Maraming mga mata ang nakatingin sa bawat galaw natin, lalo na si Prince Draven,"
"Don't worry, ako na ang bahala. I'll find a way tonight," sagot ko.
Sinundan ko ng tingin si Scarlet habang may kinuha siya sa Long Green Robe niya at agad na binigay sa akin.
"Mapa?" sabi ko.
"Yes, young lady. I discovered this a long time ago. There is a secret tunnel out of the palace. Maaari kang lumabas at pumasok dito nang hindi nila nalalaman," paliwanag niya.
Kaagad kong tiningnan ito at pinag-aralan ang bawat sulok ng lugar.
Pagkalipas ng tatlong oras o higit pa, inayos ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng mahabang Itim na Robe at itim na maskara na nakalaylay sa likod ko ang mahabang kung buhok. Nagmukha na naman akong babae.
Inilagay ko rin ang aking leather belt with a flexible blade sword sa aking baywang, na ginawa ko sa Scarrow Manor nang palihim. Si Father Scarrow ay may workshop ng mga espada doon, at minsan lang umuuwi sina Father Scarrow at Sister Sylvia dahil lagi silang abala sa kanilang mga trabaho. Lalo na ngayon, nasa kalagitnaan sila ng laban laban sa Southeast. Kadalasan kaming dalawa na lang ni Scarlet ang natitira sa bahay, kaya nagagawa ko ang gusto kong gawin.
I also underwent underground training. I waited for several years to get revenge on the people who destroyed our territory.
At si Prime Minister Frail ang unang makakatikim ng aking paghihiganti. Mas binilisan ko ang paggalaw ko habang naglalakad sa corridor ng palasyo patungo sa sekretong lagusan.
Paglabas ko, nakita ko ang itim na kabayo sa gilid ng kalsada na nakatali. Kinuha ko ang kabayo sa pamamagitan ng tali nito at saka sumakay. Mabilis kong pinatakbo ang kabayo patungo sa Rainforest Rivers kung saan nagaganap ang palitan ng mga armas.
Pagkarating ko, pumunta ako sa isang bakanteng barko. Pumasok ako sa loob, pero napatigil ako nang makita ko si Prince Sawyer na nakaupo at nagmamasid sa hindi kalayuan sa kanyang kinaroroonan. Agad siyang napatingin sa akin, nanlaki ang mata niya sa gulat nang makita niya ako.
"You? You are the woman who wanted to kill the Empress," diretsong sabi nito.
Tiningnan ko lang siya saka umupo sa tabi niya at agad na sumilip sa maliit na butas. "Bakit wala pa rin siya?" Sabi ko.
"Si Prime Minister Frail ba?" sagot niya sabay upo sa gilid ko.
Agad ko siyang nilingon at saka tumingin nang diretso sa kanya bago nagsalita, "Keep your distance from me, squat down," sabi ko sa kanya nang diretso.
Miss, first you wanted to kill the Empress, now the Prime Minister, do you plan to kill him alone? tanong niya,
Napapikit ang dalawang mata ko sa kanya at saka siya sinagot,
Keep quiet or I will send you to meet the king of hell.
Agad siyang natahimik na napailing habang pinagmamasdan ako,
Pagkalipas ng limang minuto narinig ko ang mga tauhan ni Prime Minister Frail.
the staff giving a signal through the horn,
You here to investigate too? Tanong ko kay Prince Sawyer nang makita ko ang isang grupo na naglalakad patungo kung saan naroon ang ilang mga kahon.
Military officer Hayes. Bulong ko sa aking sarili, sandaling naitago ko ang aking sarili nang makita kung nasulyapan ni Prime Minister Frail ang barkong sinasakyan ko,
Miss, miss. Sabi ni Prince Sawyer habang tinatapik ang isang balikat ko,
What the hell, wag kang maingay, diretsong sagot ko sa kanya habang patuloy kong pinagmamasdan ang kinaroroonan ng Prime Minister,
Agad na tinapik ulit ni Prince Sawyer ang isang balikat ko. "Ano ka ba naman, binge?" sabi ko. "Wag kang gagalaw," mahinang sabi ko sa kanya.
"Miss, you are stepping on my foot," mahinang sabi niya. Agad kong tiningnan at inalis ang paa ko na nakatapak sa kanya.
Mabilis akong umalis sa barko at tumakbo patungo sa kinaroroonan ng Prime Minister. Kinuha ko ang aking Leather Belt with a flexible blade sword mula sa aking baywang at inihagis ito sa Prime Minister.
Mabilis niya itong naiwasan nang mapansin niya ito. Gayunpaman, ipinagpatuloy ko ang aking paggalaw hanggang sa maabot ko siya at sinipa, tumilamsik siya sa isang puno.
Agad ko naman sinipa ang isang kahoy na nagsisilbing ilaw bahagi ng River Bridge, dahilan para matumba ito at nagkalat ang apoy sa daanan na humarang sa kanyang mga tauhan na papalapit sa aming kinaroroonan.
Muli kong hinagis ang aking espada patungo kay Prime Minister Frail, agad siyang tinamaan sa likod. Sinundan ko ito ng sunud-sunod na sipa sa katawan niya. Napalingon ako nang makita ko ang isang kahon na sinipa niya patungo sa akin.
Agad ko itong hinampas ng aking espada. Nahati ito. Mabilis na binunot ng Punong Ministro ang kanyang espada at agad akong nilabanan.
Habang nag-aaway kami, nagkaroon ako ng pagkakataon. Sunod-sunod kong sinipa siya sa dibdib niya, tapos binigyan ko siya ng mas malakas na sipa na tumama agad sa ulo niya. Nahulog siya sa tubig.
Mabilis akong tumakbo papunta sa isang puno nang makita ko ang mga tauhan niya na may hawak na panahan at kaagad nagpakawala ng kanilang palaso patungo sa akin.
Matapos kong iwasan ang mga palaso, binalik ko ang tingin ko sa Punong Ministro na nasa tubig pa rin ito.
Nagmamadali akong umalis sa Rainforest Rivers nang makita kong dumami na ang mga tauhan niya at lumipad ang mga palaso patungo sa direksyon ko.
Mabilis akong sumakay sa aking kabayo at tinungo ang palasyo. Dumaan ako sa secret tunnel papunta sa kwarto ko.
Pagdating ko, agad na bumulong si Scarlet, "Young lady, it's good to see you," sabi niya kaagad.
Dali-dali akong nagbihis, inayos ang buhok, at saka humiga sa aking kama nang mapansin kong papunta si Prince Draven sa kwarto ko kasama ang ilang hukbo ng Mossy Thorn Empire.