Chapter 19: Battle Aiden Chandler's P.O.V "Apple pie... Sige na, wag mo muna akong iwan dito..." Nakasimangot na sabi sakin ni Eliana. Hays ang babaeng ito talaga bakit di ko manlang siya matiis. "Eliana... Hindi pwede! Ayokong mag-away kami ni Lorainne dahil di ko siya sinipot sa monthsary celebration namin." "Hays, sige na kasi?" "Hindi nga kasi pwede..." "Hindi ko na mababago ang isip mo? Hindi lang naman kasi talaga ako sanay ngayon na di kita kasama eh." Ano bang pwede kong gawin para di sila magalit sakin? "Ah! Alam ko na! Bakit di ka nalang sumama sakin? Samahan mo nalang kaming magcelebrate." "Baka naman—" "Iniisip mo ba na baka magalit sakin si Lorainne kapag isinama kita? Bakit naman sya magagalit eh para kayong magkapatid magka-ugali kayong dalawa kaya sure ako na mag