1

196 Words
in-con-gru-ent adjective incongruous; incompatible. - "Babe, are you serious?" Tanong ko kay Van. Pinagseselosan niya nanaman yung dati kong crush noong highschool pa ako. Nakatalikod siya sa akin at hindi man lang humarap. "Tss, seriously, stop talking to that guy." Sabi niya. Hindi lang pagkaselos ang makikita mo, may bahid na galit din. "Baliw," I laughed at him. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa likod. "Oo na po, 'wag ka na magtampo," Pagbola ko. Simpleng bola lang naman 'tong si Van, wala nayung galit. Bumalik ako sa pagkakahiga ko at siya naman ay humarap sa akin. Nakatigin lang ako sa ceiling pero nararamdaman ko yung mga titig niya. Bumuntong-hininga ako nang maalala ko yung nakaraan. Hay, ang bilis ng panahon, parang kahapon lang ay nililigawan niya ako tapos ngayon, kami na. Kung sa tutuusin, six years na kaming magkarelasyon ni Van, high school and college sweet-hearts kami. Yung nga kaibigan niya nga kinukulit kami kung bakit 'di pa kami magpakasal, may nalalaman pa silang relationship goals. He, sometimes, would bring up the marriage topic, pero hindi pa kasi ako handa sa mga ganon. "I love you," Bulong niya sa tenga ko. Humarap naman ako sa kaniya at ngumiti. "I love you too," I whispered back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD