"Oh babe, kain ka muna, niluto ko yung paborito mo," Sabi ko kay Van nang makauwi siya. He looks so haggard, para siyang dinelubyo, kung sa picture taking eh mugshot na ang pinanindigan niya. Such a hard-working man.
“Mmh, for sure masarap 'yan," Sabi ni Van. That's why I love him, kahit gaano pa siya kapagod, hindi nawawala yung tamis sa mga sinasabi at ginagawa niya.
"Teka, pagsandok kita," Sabi ko. Pumunta ako sa kitchen at kumuha ng pinggan, sinaluhan ko iyon ng kanin at pork adobo at inilapag sa mesa. Kumuha narin ako ng spoon and fork tapos yung tubig niya.
"Kumain na ako," I smiled at him. Tinitigan niya lang kasi yung pagkain niya, and knowing him, hindi siya kakain kung hindi pa ako kumakain.
"Ah okay," He smiled at me then started to eat.
Tumayo ako at kinuha yung suit case niya. Van is a CEO of his own company, actually sa parents niya 'yon, but since first son siya, siya yung naghandle. Plus yung ate niya na panganay ay kumukuha ng Medicine, tapos ako nursing. Toys yung merchandise ni Van, and he's really good at business. Ako, naman I'm fine. May utak ako, kasama ako sa top 5 ng pinakamataas sa board exam ng licensed nursing. Nagtatrabaho naman ako dati eh, kaso pinilit lang ako ni Van na sa bahay na lang at siya ang asikasuhin ko. And yes, this house belongs to me, to us. Well, siya ang bumili pero sa akin niya ito pinangalan. At first, we really argued, dahil una, malaking pera yung pinaguusapan, pangalawa, ayoko naman na isipin ng ibang tao na pera lang ang habol ko sa kanya because he's so damn rich pero sa huli nanalo siya.
My parents already migrated in California, yung kapatid ko naman na dalawa ay nasa France, at ako lang talaga yung naiwan dito. And I stayed for him, for Van.