"Sige sa taas ka na lang dumeretso," Sabi ko kay Vince habang hinuhugasan yung pinagkainan namin.
"Okay," He said then left. Narinig ko yung mga hakbang niya paakyat ng bahay.
Nang matapos na ako maghugas ay napagdesisyunan kong sundan si Vince. Masaya rin kasing kausap si Vince, kahit na minsan wala talagang sense yung sinasabi niya, nakakatawa parin. Vince is the happy-go-lucky type. While Van, seryoso yung mundo niya, feeling ko nga nahawaan na ako sa pagkaseryoso niya eh.
-
"God, Vince!" I said laughing. I was laughing my crap out. Nagkukwento siya tungkol sa kung paano siya binubully nung bata siya. He wasn't Vince Montgomery back then, he was still little Vince.
"I seriously, had those old braces," Sabi niya sabay sapak sa punching bag.
"Paano ba naman, bukod sa may braces at glasses ka, ang taba mo pa," Sabi ko habang tinitingnan yung old picture niya. It was the little Vince, yung walang kamalay-malay sa mundo ng mga babaero.
"Not anymore," Sabi niya. I raised my brow and not acknowledging his boastfulness.