Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or magagalit or maiinis. Matutuwa dahil nakauwi na siya, maiinis dahil umuwi pa siya, magagalit dahil sa inaasta niya. Pwede bang lahat na lang?
I hate it when we fight. Tulad ngayon nagsisigawan na kami. Hindi ko kasalanan na wala siya dito ng halos apat na linggo. Grabe, kung nagkataon, masyado ba siyang nasiyahan kasama ni Cassie? Kahit na ayaw kong isipin 'yon, pero apat ng linggo? Hindi man lang kami nagusap. Ayoko man aminin pero I called him once but he never answered.
"NO! HINDI KO MAKITA KUNG BAKIT KA NAKIKIPAGLANDIAN SA KANYA!" Sigaw ni Van.
"NAKIKIPAGLANDIAN?! KASALANAN KO BANG HINDI KA UMUWI NG APAT NG LINGGO?!" I shout back. Nanginginig ang mga kamay namin. Yung mga gamit namin maypagkasira na. Hindi naman ako ang nagsira, siya lang. Lagi naman eh, pag nagagalit siya sinisira niya yung mga gamit namin.
"DON'T YOU HAVE FRIENDS?! Yung mga kaibigan mong ayaw sa akin?! Yung mga putang 'yon?!" With that I slapped him. Wow, wow talaga.
Sobra na.
Allison, sobra na.
"Wow. Van, wow. Tangina, Van. Tatlong araw ang sinabi mo, tapos pinalitan mo ng dalawang linggo may narinig ka ba sa akin? Wala! Wala Van! Tapos ano?! Umuwi ka magaapat na linggo na! Masyado ka bang nagenjoy sa Ilocos at nakalimutan mo nang umuwi?! At nakalimutan mo nang may girlfriend ka pa?!" I was crying. Umiiyak na ako. Sa lahat ng ayaw ko ay ang umiiyak sa harap ng iba, kahit pa man sa kaniya.
"Allison..." Sabi ni Van. I saw tears in his eyes. May gana pa siyang umiyak?
"Sa 'yo pa talaga nanggaling yan..." He continued. Umalis siya, mga ilang minuto lang ay bunalik na siya na may dalang ladder. What the heck?
He placed the ladder at the corner of the room the. He started climbing. Is that...
"Is that a camera?" I asked.