Kiss Goodbye "Brigette!" tawag saakin ni Liberty, gusto kong umiwas sa kanya pero di ko na nagawa. hanggang ngayon kasi ay hiyang hiya ako sa nangyari noon sa Restobar. "Umiiwas kaba samin?" hinawakan pa nito ang isang kamay ko saka ako hinila sa lilim nang puno. umiling lang ako sa kanya. "Usap usapan dito yung pag eksena ni Mr.Monteverde sa RestoBar noong Friday, marami ang nagtatanong kung anong meron sa inyo ngayon." nagtaas ito nang kilay saakin. "Magkaibigan lang kami" iwas tingin ko sa kanya. "Saamin pede mong ipaliwanag iyan, pero kay Louie, pati narin sa mga estudyante dito ewan ko nalang" umiling iling pa ito saakin habang naka halukipkip. "Wala akong dapat ipaliwanag isa man sa kanila" seryoso kong sabi dito na itinuon ang tingin sa mga estudyanteng napapalingon saamin. "S