Logistic band Mabilis na akong naligo at saka sinuot ang black sleveless kong dress na ang tabas ay di lalampas sa tuhod, saka ang black boots na paborito kong suotin pag may gig ako. humarap ako sa salamin di ko din nakalimutan maglagay ng eyeliner.. Di ko maitago ang ngiti habang bumababa ng hagdan, dahil excited ako, first time kong makaka panood ng concert at ang paborito ko pang banda ang mapapanood ko. Nag hintay ako sandali sa sala dahil wala pa si peter, kaya minabuti kong lumabas na ng bahay para magpa hangin. bigla ay napalingon ako ng may tumikim sa likuran ko.. kumaba ng husto ang puso ko nang magtama ang mga mata namin, he is wearing a black polo na may mangas na tinernuhan ng fitted jeans, at white rubber shoes! napaka neat nitong tignan, kahit alam kong simple lang