Make over Nang gabing iyon ay di ako dalawin ng antok, pilit bumabalik sa aking gunita ang huling sinabi saakin ni Peter.. Bakit kaylangan pa nyang i cancel ang mga meeting nya para lang maihatid sundo ako? ganon ba ako ka importante sa kanya para gawin nya iyon? Isa pa isa lang akong hamak na pinag aaral nya at may malaking pagkakautang sakanya, kahit saang angulo mo tignan ay wala akong maisip na dahilan kung bakit tila espeyal ako kung ituring nya, ayuko man isipi iyon pero pilit na inuukil ako ng konsensya sa ginawa ko sa kanya kanina. Kaylangan kong makabawi sa kanya, tama iyon ang dapat kong gawin.pinasya ko nang matulog,dahil maaga pa ako bukas.. "Goodmorning!" Masaya kong bati, sa kanya nang maabutan ko ito sa komedor, umupo na ako para sana sabayan siya sa pag kain nang bigla