Intramural Ginawa kong busy ang sarili ko,pinilit kong iwaglit siya kahit sandali. sa ngayon ay naghahanda ang klase namin sa gaganaping Intramural.. "gette, ayos naba itong gown na isusuot ko sa palagay mo?" tanong saakin ni liberty na excited dahil siya ang pambato ng accounting para sa miss.Intramural "wow ang ganda naman niyan!" bulalas ko sa kanya. paniguradong pinagka gastusan niya ito ng malaki para sa pinaka hihintay niyang pageant. "talaga? hmm sa tingin mo maganda ako pag sinuot ko ito?" na idikit sa sariling katawan saka nag pa ikot ikot sa harap ko. "Syempre naman" pabulang sagot ko ngumiti lang ito ng matamis saakin. "Ikaw may susuotin ka naba?"tanong nito saakin, si liberty ang nag presinta na ilaban ako sa Singing contest,kahit na mas gusto ko ang Sport na volleyball