First kiss "Oh hija bakit ang aga mo ata? Nasaan si Peter? di ba kayo mag kasabay Saan ka sumakay?" Sunod sunod na tanong ni manang Nelia saakin. "Opo manang nauna na ako,bigla po kasing sumama ang pakiramdam ko" maagap kong sagot. "Ay ganoon ba?" Sumulyap pa ito sa labas saka bumalik ang tingin saakin. "Gusto mo bang kumain? ipag hahain kita? gamot,gusto mo dalhan kita sa silid mo?" tanong pa nito. "hindi na po manang salamat nalang" na nag umpisa nang ihakbang ang paa paakyat,di na niya ako kinulet pa kaya tumungo na ito para isara ang pinto. Ang malakas na pag preno ng sasakyan ang nag palingon saakin..ang nagmamadaling si Peter ang umibis doon,nakahubad na ang long sleeve nito at ang white shirt nalang niya ang tanging natira. Napahigpit ang kapit ko sa railing dahil sa lakas ng