CHAPTER TEN
Nanlaki ang mga mata ni Kenneth nang madatnan niya sa loob ng condo unit
niya si Therese. Nakaupo ito sa couch habang may nakatalag na magazine sa hita
nito. Tahimik ang mga yapak niyang lumapit dito at hagkan ito sa pisnge.
"Where have you been?" usisa nito nang 'di inaalis ang mga mata nito sa
magazine na binabasa nito.
"Business trip." she grinned and look into his eyes.
"You're lying Kenneth. Sabi ng assistant mo nag-leave ka. Wala ka namang
appointment, ah."
"So binabantayan mo na rin ngayon ang mga lakad ko?" nakipagtagisan siya ng
titig dito.
"No, Ken. Sinisiguro ko lang na walang umaahas sa fiancee ko." nanlaki ang
mga mata niya sa sinabi nito. May alam na ba ito tungkol sa kanila ni Joey?
"What are you trying to say?" tumayo ito at lumapit sa kanya.
"May nakita akong damit ng babae sa kwarto mo, kanino 'yun? Don't tell me
nagsusuot ka n'un?"
"There--." hindi niya pa man natatapos ang sasabihin niya sinampal na siya nito.
"How dare you ken!"
"Therese,"
"Alam mong mahal kita." umiiyak ito.
"But I don't and you know that."
"I decided to change our wedding date." kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
"Let's get married next week."
"Therese." luhaan ang mga mata nitong tumitig sa kanyang mga mata.
"I won't let you go, Kenneth. I love you and I'm still hoping that you gonna learn
to love me the way I do." napalunok siya nang umalis ito sa harapan niya. Narinig
niya na lamang ang pagsara ng pintuan.
"Stupid!" singhal niya sa sarili. Ibinagsak niya ang sarili sa couch. Nakalimutan
niyang may spare key nga pala si Therese sa unit niya. Hindi dapat malaman ni Therese
ang tungkol sa kanila ni Joey. Ayaw niyang masira ang samahan ng mga ito lalo na
kung wala namang dahilan. Tinanggihan na siya ni Joey kaya mas lalong hindi na dapat
maungkat ang tungkol sa kanila. Gayunpaman, hindi pa rin siya magpapakasal dito.
Labas na sa buhay niya ang dalaga. Iisipin niya na lamang na isa iting !agandang
panaginip na na nangyari sa buhay niya.
Ilang saglit na tinitigan ni Joey ang telepono niya nang biglang tumunog ang call
tone nito. Hindi niya alam kung paano kakausapin ang taong tumatawag sa kanya. She
felt guilty. Kahit na hindi alam ni Therese ang namagitan sa kanila ng fiancee nito
nahihiya pa rin siya sa dalaga. Kahit na minsan walang ginawang masama sa kanya ang
step-sister niya.
"Therese Ann," mahina niyang sambit sa pangalan nito.
Napasinghap siya nang tumahimik na ang phone niya. Ngunit ilang saglit lang muli
itong tumawag. Hindi niya naman pwedeng patayin ang telepono niya baka ano pang
isipin nito. Hindi na siya mapalagay. Bakit ba kasi ito tumatawag ngayon? Kakaalis lang
nga ni Kenneth at hindi pa siya gaanong nakak-recover sa pagkikita nilang muli ng
binata at sa pagtataboy niya dito.
"Naman." napilitan siyang damputin ang phone niya at sagutin iyon. "Hello ann?"
"Joy," bigla siyang nag-alala nang marinig ang umiiyak nitong boses. Sanay na
siyang tinatawagan nito kapag may tampo ito sa mga magulang at fiancee nito. But
after what happened she does'nt know how to react and what to say if she would ask
some advice. Kung iyong sarili niya nga hindi niya magawang payuhan ito pa kaya?
"U-umiiyak ka? Bakit?"
"Joy he's cheating." napalunok siya sa narinig. No, hindi pwede. Wala pa naman
itong nalalaman di'ba?
"A-anong sinasabi mo?"
"Joy may ibang babae si Kenneth." humagulgol ito pagkatapos magsalita.
Anong gagawin niya? Paano niya ito patatahanin kung siya mismo ang dahilan ng
pagluha nito. Kung siya mismo ang dumudurog sa puso nito.
"Joy,"
"Baka naman nagkakamali ka lang, Ann?"
"No. May nakita akong damit ng babae sa condo niya, how can you explain that? I
saw it, Joy."
"Ann sorry. I'm sorry."
"Bakit ka nagso-sorry?" saka lang niya napagtanto kung ano ang salitang binitawan
niya.
"I-I mean, sorry kasi wala ako diyan. Hindi kita masasamahan."
"That's why I call you," hindi niya mahulaan ang nasa isip nito. "Joy, ini-move ko
ang kasal namin ni Kenneth. Next week na ang kasal namin." nanlaki ang mga mata niya.
Alam niyang ikakasal ang mga ito pero bakit parang ang bilis naman yata? Ni ayaw nga
tanggapin ng sistema niya ang sinabi ng kausap sa kabilang linya.
"Kasal, next week?" pag-uulit niya.
"Yes, Joy. And I want you to be there. Pwede ka bang umuwi sa sunday?" natigilan
siya sa tanong nito. Sobrang biglaan naman ng desisyon nito.
"Ann, imposible 'yun, kakabalik ko nga lang galing diyan. Hindi ako papayagan."
pagdadahilan niya dito.
"Joy, I need you." biglang umurong ang dila niya sa narinig. Nagawang himasin ng
boses nito ang puso niya. "Joy, please. Kung hindi ka uuwi sa linggo ako ang pupunta
diyan." napailing siya. Batid niyang seseryusuhin nito ang sinabi nito. Ito ang klase ng
taong mahirap tangihan. Oras na hininge nito gagawin nito ang lahat makuha iyon.
"Susubukan ko, Ann. Magpapaalam ako, pero hindi ako nangangako."
"Thanks. Pwede ba kitang makausap ngayon buong hapon?" tumingin siya sa wrist
watch niya.
"Sorry Ann, may trabaho pa ako. Mamaya na lang ulit, bye." pinutol niya ang linya.
Hindi niya na kayang makipag-usap pa nang matagal dito. Isa pa, malapit na ring
matapos ang break niya.
Napabuntong-hininga siya habang nag-iisang nakaupo sa cafeteria na kaharap ng
bangko na kanyang pinagtatrabahuan. Litong-lito na siya sa kung anong dapat niyang
gawin.
Kagat-kagat ng dalaga ang dulo ng kanyang daliri habang lulan siya ng sasakyan
na pinasundo sa kanya ni Therese. Hindi niya magawang tanggihan ang step-sister niya.
Kahit na maging sanhi pa ng pagdurog ng puso niya ang makitang magpakasal ang
nag-iisang lalaking bumihag sa puso niya.
Isang mapaklang ngiti ang gumuhit sa labi niya pagkatapos niyang balikan ang mga
nangyari ilang linggo lang ang lumipas.
"Nandito na po tayo ma'am." wika ng driver sa kanya. Huminto sila sa tapat ng
mansion ng step-mother niya. Ngumiti siya sa driver.
"Welcome to hell, Joey." bumuntong-hininga siya bago bumaba ng kotse.
Kakahakbang niya pa lang sa paanan ng pinto nang salubungin siya ng Step-mother
niya.
"Joey hija," mabilis siya nitong niyakap at hinagkan. Napangiti siya dito. Kahit
minsan wala naman siyang masamang tinapay sa ikalawang Ina niya. Mas gusto niya
pa nga ito kaysa sa Mama niya.
"Hello po, Tita."
"How's your trip?"
"Okay lang po."
"Mabuti naman at pumayag kang dito na mag-stay at hindi sa mandaluyong."
nginitian niya ito.
"Iyon po kasi ang isa sa wishlist ng bride." napatawa ito sa sagot niya. Masuyo
nitong hinawakan ang kamay niya.
"Halika hija, nasa dining area sila." agad na may namuong tanong sa utak niya.
Sinong sila ang sinasabi nito? Kinabahan siya sa ideyang baka nandito si Kenneth.
"Sila po?" tumango ito.
"Si therese at Kenneth." sagot nito. "Kaya hindi nakasama sa pagsundo si Therese
kasi nandito si Kenneth." napalunok siya. Paano siya kikilos sa harapan ng dalawang
iyon? Bakit ba sinusubukan talaga siya ng tadhana? "Let's go?" tumango na lamang siya
sa ginang. Hinayaan niya ang sariling hilahin nito.
"Therese anak," tumayo ang dalaga nang makita silang papasok ng mommy nito.
Bakas ang pagkatuwa nito nang masilayan siya. Isang mahigpit na yakap ang binigay
nito.
"Thanks for coming." nilingon nito ang binatang nakaupo sa harap ng hapag. "Ken,
joy's here." tumango lang ito saka ngumiti ito. Nginitian niya din ito. Sinikap niyang
maging normal sa paningin ng lahat. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya.
"Halika pag-usapan natin ang gown na susuotin mo sa kasal ko. Ikaw ang made of
honor ko." hinila siya nito patungo sa hapag. Pinaupo siya nito.
Hindi komportable ang loob niya. Lalo na't halos isang metro lang ang layo niya kay
Kenneth. Ngunit batid niya din namang ginagawa din nito ang lahat para iwasan siya.
"Where are you going?" untag ni therese sa fiancee nang makita itong tumayo.
"Babalik na muna ako ng office." narinig niyang hinalikan nito ang dalaga. Kung
saan dumapo ang labi nito hindi niya na dapat pang malaman.
"Okay. Take care."
"Joey," napilitan siyang lingunin ito. "Maiwan ko na muna kayo." iniwas niya ang
tingin niya at binalingan si Therese.
"Sige. Mag-ingat ka." mga salitang pinipilit niyang isiping hindi galing sa puso niya
ngunit ang totoo iyon ang salitang gusto niyang sabihin dito araw-araw habang nasa
malayo siya't ilang milya ang layo nila sa isa't-isa.
"Ken nisi," natigilan si Kenneth nang tawagin siya ni Therese. Hindi niya alam kung
bakit nandito sa loob ng opisina niya ang fiancee niya. Dapat hindi ito nagpapakita sa
kanya lalo na't bukas na ang kasal nila.
Ginawa niya ang lahat para hindi matuloy nang kasal ngunit nang aminin niya iyon
sa harap ng buong angkan niya, nagkagulo silang lahat at nasapak pa siya ng Ama niya.
Ngunit tanggap niya naman ang p*******t nito ang hindi niya nagawang labanan ay
nang atakihin sa puso ang Mama niya. Ayaw niyang mawala ito sa kanya pikit mata na
lamang siya sa mangyayari.
Magmula nang tanggihan ni Joey ang pag-ibig niya pinilit niya ang sariling
kalimutan ito. Masasaktan siyang makita ito sa mismong araw ng kasal niya ngunit
kailangan niyang magpakatatag. Mula nang umuwi ito sa bansa hindi niya na ninais na
makausap itong muli. Mas mabuting layuan niya ito lalo na't wala namang pakialam sa
kanya ang dalaga.
"Bakit ka nandito therese?" ngumiti ito sa kanya. Ngunit may kakaiba sa mga mata
nito.
"May itatanong lang ako sayo bago tayo magpakasal bukas. And I want you to be
honest." kumunot ang noo niya. Hindi niya mawari ang nasa isipan nito.
"Ano 'yun?" tumayo ito at humarap sa wall glass ng opisina niya na natatanaw ang
mundo sa labas.
"Ta shi shui?" means who is she.
"Shui?" Who.
"The girl you love." napalunok siya sa sinabi nito.
"Therese hindi na natin siya dapat pag-usapan. Ikakasal na tayo bukas."
"That's the point, Kenneth." hinarap siya nito. "Gusto kong malaman kung sino siya."
"Kahit pa malaman hindi rin naman mababago na mahal ko siya at kahit ikasal ako
sayo siya pa rin ang mamahalin ko." sinampal siya nito saka ngumisi ito sa kanya.
Lumapit ito sa kanya.
"I'm giving a chance, Kenneth. I just want you to be honest. Tell me who she is."
bumuntong-hininga siya. Hindi niya magawang magsalita hindi dahil sa ayaw niya kundi
nahinirapan siya. At oras na malaman nito ang totoo hindi lang silang dalawa ni Joey
ang mahinirapan kundi pati si Therese.
"Let's forget about her." umiling ito.
"No. We can't forget her."
"Therese," nagsimula nang may mamuong luha sa gilid ng mga mata nito.
Kinuha nito sa couch ang bag nito. May kinuha itong cell phone sa loob ng bag nito.
Nagulat siya nang makita na kanya ang teleponong iyon.
"Naiwan mo sa bahay kahapon." iniabot nito sa kanya ang cellphone ngunit nagulat
siya nang iba na ang nasa wallpaper n'un. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang
larawan nila ni Joey sa loob ng condo unit niya. Kinunanan niya ng litrato ang dalaga
habang tulog ito at magkatabi sila.
"How sweet," nagtaas siya ng tingin dito.
"Therese let--." dalawang sunod na sunod na sampal ang dumapo sa pisnge niya.
"Wo hen ni, Ken nisi!" means I hate you, Kenneth.
Hindi niya mapigilang magalit sa sarili. Ilang ulit niya nang pinapaiyak si Therese.
Ayaw niyang makitang umiiyak ito ngunit hindi niya na alam kung anong gagawin niya
para lang mabago ang nararamdaman nito.
"Paano niyo ako nagawang lokohin?"
"Therese hindi namin ginusto, hindi namin sinadya."
"Kailan pa?" hindi niya kayang sagutin ito. "Answer me, kailan pa!" sinunggaban siya
nito ng hampas at suntok sa dibdib niya.
"Therese, hindi namin plano ang lahat ng 'to. Noong nag-away tayo at umalis ka ilang
araw saka kami nagkita. We both drunk at may nangyari sa amin. But after that hindi ko
na siya nakita uli until one night nakita ko siya sa labas ng subdivision niyo. Pareho
kaming estranghero sa isa't-isa, Therese. Pero simula n'un hinahanap ko na siya. Gusto
ko na siya. Ako ang humiling sa kanya na mag-stay siya sa condo ko kahit ilang sandali
lang. Saka ko lang nalaman na magkakilala kayo nang pumunta tayo ng mandaluyong.
Therese hindi ko 'to sinadya pero inaamin kong ginusto ko. I like her, Therese. No,"
umiling siya. "I love her."umupo ito sa couch at humagulgol. "Therese sinundan ko siya
sa Amerika, I told her about my feelings. Pero tinanggihan niya ako. Hindi niya daw ako
gusto." bahagya siyang lumuhod sa harapan nito. "Huwag kang magalit sa kanya, hindi
niya naman alam na fiancee kita." umiling ito.
"You love her that much para solohin mong takpan ang pagkakasala niyo?" nagulat
siya sa mahinahong boses nito. Hindi siya nakasagot sa tanong nito. "I see," ngumiti ito
sa kanya. Tumayo ito at walang pasabing lumabas ng silid niya.
Ano nang mangyayari ngayong alam na nito ang lahat? Paano na si Joey? Kinuha
niya ang telepono niya. Kailangan niyang masabihan ang dalaga. Tinawagan niya ang
numero nito ngunit hindi niya ito makontak.
"Salamat anak at pinatawad mo na ako. Salamat din dito sa bulaklak." hawak
ng Ginang ang kamay ng dalaga.
"Mother's day po. Matagal ko na po kayong hindi nababati ng happy mother's
day."
Napangiti si Joey matapos niyang maalala ang naging pagkikita nila ng Mama niya.
Hindi lang naman ang kasal ni Therese ang iniuwi niya dito. Gusto niya na ding tuldukan
ang lamat sa relasyon nilang mag-ina. Pagkagaling niya sa Bulacan kung saan nakatira
ang Ina niya dumerecho siya sa pag-uwi sa Mandaluyong. Dito na muna siya
magpapalipas ng gabi. Bukas pa naman ng hapon ang kasal ni Therese.
"Joey," napalingon siya sa kay Manang Lumen nang lumapit ito sa kanya sa
veranda ng bahay.
"Bakit po Ate?" isang babae ang nakasunod dito. "Ann." ngumiti ito.
"Pwede ba kitang makausap ng tayo lang?" tumango siya. Sinabihan niya si Lumen
na iwan na muna silang dalawa. Sabay nilang pinagmasdan ito habang papalayo.
"Bakit ka nga pala pumunta dito?" usisa niya. Umiling ito. "Pasensya ka na, hindi ako
umuwi ngayon sa inyo."
"Okay lang. Alam ko namang hirap kang makasama ako sa iisang bahay."
"Ann" nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito.
"Dederechuhin na kita. Hindi na ako magpapakasal kay Kenneth." nanlaki ang mga
mata niya sa narinig. "May mahal siyang iba, eh. At ayaw ko namang maging miserable
ang buhay ko."
Hindi niya magawang huminga ng maayos. Huwag naman sana mangyari ang
kinatatakot niya.
"Alam mo kung ano 'yung mas masakit?" may luhang pumatak mula sa mga mata
nito. "Kilala ko pala 'yung babaeng 'yun."
"Ann,"
"Bakit ikaw pa, Joy? Bakit ikaw pa?" sinubukan niyang lapitan ito ngunit nahihiya
siyang hawakan ito.
"I-i'm sorry. Hindi ko ginusto 'to. Therese, hindi ko alam."
"I know. May itatanong lang ako. Mahal mo ba siya?"
"Hindi." ikinagulat niya ang ginawa nito. Napahawak siya sa pisnge niya nang
sampalin siya nito. "Therese."
"Sinungaling. Hindi ako galit Joy, nasaktan lang ako. Pero kung ipipilit mo ang
pagiging makasarili mo magagalit na talaga ako."
"Therese,"
"I want you to be happy, Joy. Handa ko siyang pakawalan para sayo." hinawakan
nito ang kamay niya.
"You don't have to do this." umiling ito.
"I have to para makita ko na rin 'yung taong mamahalin ako." ngumiti ito at
niyakap siya. "Mabait si Kenneth at sana mahawaan ka ng kabaitan niya." humiwalay
siya dito. Natawa siya sa sinabi nito. "Mas gusto ko si Kenneth para sayo para maputol
na 'yang sungay mo."
"Sira ka. Pero, hindi ko alam kung kaya ko siyang mahalin." ngumiti ito.
"Mahal mo na siya. All you have to do is to follow what it's say." itinuro nito ang
puso niya. "Kaya mo 'yan. Matapang ka, eh." muli niyang ikinubli ang sarili sa yakap nito.
Hindi na mabilang ni Joey kung ilang beses na siyang bumuntong-hininga.
Pagkatapos nilang mag-usap kanina ni Therese Ann hindi siya mapalagay.
Nakokonsensya pa rin siya sa nagawa niya kahit sabihing hindi niya sinadyang saktan
ito. Hindi siya makatulog kaya mas minabuti niya na lamang ang lumabas.
"Kuya isa pa nga," sabay abot niya ng kopeta sa bartender na nasa harapan niya.
Sinalinan nito ang kopeta.
"Ako ba ang dahilan ng pag-inom mo?" napalingon siya sa pamilyar na boses na
tumabi sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maging reaksyon.
Ngumiti ito. Nilagok nito ang bote ng beer na hawak nito. "Alam mo kasi babae
'yung dahilan ng pag-inom ko." napangisi siya sinabi nito.
"Nagkita na ba tayo dati, Chinese guy?" untag niya dito.
"Oo. Same situation, same place and same time."
"Talaga? Hindi ko yata maalala." sinimsim niya ang alak niya. "Pasensya na
nakalimutan ko na yata, 'yun." dugtong niya. Ngumiti ito.
"Gan'un ba?" tumango siya. "Ganito na lang, tutulungan kitang maalala." sa sobrang
bilis ng pangyayari hindi niya nahulaan ang gagawin nito. Mabilis pa sa kidlat na
sinakop nito ang labi niya.
Saka niya lang napagtanto kung gaano siya nasasabik sa malambot at matamis
nitong labi. They kiss passionately. Hindi nila maikakailang nanabik sila na muling
makasama ang isa't-isa.
"Naalala mo na ba?" usisa nito nang pakawalan nito ang labi niya.
"Kahit na minsan hindi ko nakalimutan ang halik mo." hinimas ng daliri niya ang
mapula nitong labi.
"I love you, Joey."
"Kenneth, nasaktan natin si Therese Ann."
"She want us to be happy. Huwag nating hayaang mapunta sa wala ang sakripisyo
niya para sa atin."
"Pero--."
"Sshh." inilapat nito ang daliri sa labi niya. "Isang tanong lang naman ang dapat
mong sagutin."
"Ano 'yun?"
"Mahal mo ba ako?"
"Yes, I do." ngumiti ito. Masuyong nakatitig ang mga mata nito sa kanya.
"I love you more, mystery girl." napangiti siya sa sinabi nito. Muling nagtagpo ang
kanilang mga labi. Sa pagkakataong ito natitiyak niya na kung anong gusto niya at
mahalaga sa kanya. Tama si Therese, kailangan niya lamang sundin ang puso niya. At
mula sa mga sandaling ito iyon ang gagawin niya. Iingatan niya ang pagmamahalan nila
ni Kenneth kahit na sa isang malamig na gabi lamang nabuo ang kanilang pagtitinginan.
"I love you so much mystery girl."
"I love you too, Chinese guy." niyakap niya ito. Muli niyang naramdaman ang init ng
yakap nito.
"Finally, sinabi mo din."
Wakas...