I don't love you, Therese." isang malutong na sampal ang dumapo sa pisnge ni
Kenneth matapos niya iyong sabihin sa fiancee niya. Hindi niya magawang tingnan
ito dahil sa narinig niyang paghagulgol nito. Ayaw niyang nakakasakit ng babae
ngunit iyon ang totoo. Ang lahat ng tungkol sa kanila ay parte lamang ng kasunduan
ng kanilang mga magulang.
Bata pa lang sila ni Therese pinagkasundo na silang ipakasal ng kanilang mga
magulang. Pareho silang nanggaling sa mga kilalang chinese family dito sa bansa.
At parte ng kanilang kultura ang makapag-asawa ng kalahi nila.
"I don't love you too before, kenneth. Pero tinuruan mo ang puso ko na mahalin
ka." natuptop nito ang bibig sa paghagulgol.
"Therese," may pagsusumamo sa mga mata niya na sana'y bawiin nito ang
sinabi nito. Masasaktan niya lang ito. Sinubukan at tinuruan niya rin ang sariling
mahalin ito pero sadyang may mga bagay na hindi maaring matutunan at ipilit.
"Therese please don't make things hard for us." umiling lang ito. She composed
herself.
"Duibuqi, ken nisi." Sorry, Kenneth. pinunasan nito ang luhaang pisnge. "Wo fei
chang ai ni. And you gonna marry me, it doesn't matter if you love me or not." I love
you so much nilagpasan siya nito. Lumabas ito ng condo unit niya.
Napahawak na lang siya sa kanyang sentido. Hindi maganda itong
nangyayari. Dalawa lang ang pagpipilian niya ngayon-- ang huminge ng tawad sa
fiancee niya at pakasalan pa rin ito o ang maglayas at mamuhay na payak at walang
pamilya. Kapag nagmatigas siya siguradong itatakwil siya ng pamilya niya.
Makakaya niya bang mabuhay na wala ang karangyaang kinalakiha niya? Salubong
ang bagang niyang habang malalim ang iniisip. Makakaya niya. He was old enough.
Bumuntong-hininga siyang umupo sa couch. Anong gagawin niya? Bukas o sa
makalawa malalaman na ng daddy niya ang tungkol sa pagtatalo nila ni Therese at
siguradong mabibinge na naman siya ng sermon nito.
Sinipa niya ang mesitang nasa harap niya. Bakit pa kasi kailangang sundin pa
ang tradisyon at kultura? Marami naman ding mga chinese na nakakapag-asawa ng
hindi chinese. Pero bakit ang pamilya niya hindi pa rin nakakawala sa batas ng
nakaraang panahon? Hindi ba pwedeng maghanap siya ng babaeng mamahalin niya
at pakakasalan?
Inikot niya ang paningin sa buong unit niya. Napangisi siya. He has
everything pero bilanggo naman siya. Maraming pera ngunit hindi naman malaya.
Hindi magawang mapanatag ng loob niya kapag naiisip ang buhay niya kasama
ang babaeng hindi niya naman gusto. Habang buhay na siyang magiging malungkot.
Hindi iyon ang buhay na nais niya.
Naputol ang pag-iisip niya nang tumunog ang cell phone niya. Kinuha niya iyon
sa loob ng suot niyang coat. Napailing siya nang makita ang pangalan ng assistant
niya. He licked his lips and answer the call.
"Hello,"
"Hello, Sir everyone was here sir kayo na lang po ang wala. The chairman keep
asking about you sir." napabuntong-hininga siya. Nandoon na pala ang diktador
niyang ama.
"Magsimula na kayo sa presentation."
"Pero wala pa po kayo, sir." he grinned.
"Just do what I said. May inaasikaso pa ako, hindi na rin ako aabot sa oras. Bye.
" narinig niyang tumutol ito ngunit hindi na siya nag-aksaya pa. Mabilis niyang
pinatay ang tawag. Wala naman siyang pakialam doon. Ginagamit lang naman ng
kompanya ang kaalaman niya sa pagpapatakbo ng negosyo. Para sa Ama niya isa
lang din siyang investment na kailangan gamitin upang mapakinabangan.
Tumayo siya. Pumasok siya sa kwarto niya. Magpapalit siya ng damit. Mas
gusto niyang mamasyal at saglit na kalimutan ang kanyang buhay. Siguradong oras
na makarating sa tatay niya ang ginawa niya kay therese matitikman niya ang
hagupit ng galit ng ama. Kaya habang hindi pa iyon nangyayari, magpapakasaya na
muna siya hanggat nagagawa niya pang ngumiti at tumawa.
Palabas na siya ng unit niya nang tumawag ang Daddy niya. Ilang saglit niyang
tinitigan ang screen ng telepono niya. Nagdadalawang-isip siya kung sasagutin
niya ba o hindi. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago niya in-off ang
phone niya.
Gusto niyang maging malaya kahit isang araw lang at ngayon ang araw na iyon.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Sumakay siya ng elevator patungo sa parking area.
"I'm sorry dad." bulong niya bago pinatakbo ang kotse niya.
Mataas na ang sikat ng araw at dama na ni Joey ang paglapat ng sinag nito sa
kanyang porselanang balat. Lumabas siya ng NAIA airport at sumakay ng taxi.
"Kuya, mandaluyong po ako." aniya sa taxi driver. Agad naman umusad ang
taksing sinasakyan niya.
Nakamasid siya sa mukha ng bansang kanyang kinalakihan. Halos walong taon
na din siyang hindi nakakauwi ng bansa at wala pa ring gaanong ipinagbago ang
bansa. Lalo na ang problema sa kalsada, traffic pa rin.
Hindi niya alam kung bakit naisipan niyang umuwi. Sadyang may
sayad lang siya. Bigla-biglang lumilitaw at nawawala. Gaya ngayon, hindi alam ng
papa niya na uuwi siya. Ayaw niyang mag-abala pa ito sa kanya. Masyado itong
abala sa trabaho nito sa kompanya ng stepmother niya. Nahihiya din siyang
makitira sa malaking bahay nito sa Q.C kaya sa dating bahay na lang nila mag-ama
siya pansamantalang manunuluyan hindi rin naman siya tatagal.
Ibinalik niya ang atensyon niya sa loob ng kanyang sinasakyan. Sumandal siya
at ipinikit ang kanyang mga mata. Ayaw niyang umuwi ng bansa dahil ayaw niyang
maalala ang masakit na ala-ala ngunit anong magagawa niya? Kung iyong mga
dayuhan nga pabalik-balik dito sa pinas siya pa?
She was seven years-old when her father discovered about her mother's secret
affair. And since then, her life became a curse. Gabi-gabi niyang nakikitang umiiyak
at naglalasing ang papa niya. At sa bawat paghihirap nito nadudurog ang puso niya.
Hanggang sa maging ang kompanya na pagmamay-ari nito ay napabayaan na nito.
Naranasan nilang maghirap. Ngunit laking pasasalamat niya na muling
bumangon ang papa niya. Nagtrabaho ito sa ibang kompanya at nagsumikap na
buhayin at pag-aralin siya. Nangako siya na lahat ng paghinirap ng papa niya hindi
masasayang.
Minsan ang buhay parang tren. Kahit buong araw at gabi na tumatakbo hindi pa
rin maaring huminto. Kung magkakasira man hindi dapat tumagal dahil paano na
ang buhay kapag 'di ka na muling tumayo. Hindi mo kailangang tumakbo, maglakad
ka lang makakarating ka rin naman.
Napangiti siya sa naiisip niya. Iisang tao lang naman ang nagtyagang nagbugay
ng bagong pag-asa sa kanilang mag-ama. Ang stepmother niya. Sa dami ng luha na
iniyak ng papa niya he still deserve to be happy at hindi niya nais tutulan iyon.
Divorce sa dating asawa ang Stepmother niya. Mabait ito sa kanya at dama
niya ang pagmamahal nito bilang Ina. Ito rin ang nagpaaral sa kanya sa Amerika.
May isa itong anak na babae at malapit sila sa isa't-isa. Para niya na rin itong
kapatid. Kahit ayaw niya sa pagiging masyadong pormal at maturity nito magaan
ang loob niya sa stepsister niya. And speaking of her stepsister, tumatawag ito sa
kanya.
Ngumiti siya nang makita ang pangalan nito sa screen ng telepono niya. "Hello,
" tugon niya.
"Hi," pansin niya agad ang lungkot sa boses nito.
"Okay ka lang ba, Tai lei zi?" tawag niya sa chinese name nito na may pag-aalala
sa boses niya.
"Okay lang. Pupunta ako sa France," nagulat siya sa sinabi nito.
"France? Anong gagawin mo d'un? Malapit na ang--."
"Babalik din ako agad. Ikaw umuwi ka na, ilang taon mo na akong tinitiis."
napangiti siya sa narinig dito. Hindi pa rin ito nagbabago. Malambing pa rin ito.
"Oo naman. Medyo busy lang talaga ako ngayon sa trabaho kaya pasensya na.
Pero kapag umuwi ako, promise susulitin natin." narinig niya ang mahinang tawa
nito.
"Okay aasahan ko 'yan. Joy, I have to go mag-iimpake pa ako." sambit nito sa
pangalawa niyang pangalan. Josefa Joy kasi ang buo niyang pangalan ngunit
karamihan sa mga kakilala at kaibigan niya Joey ang tawag sa kanya.
"Okay, bye." pinutol niya ang linya.
Napabuntong-hininga siyang napasandal. Ano kayang problema ng babaeng
iyon? Hindi niya na sinabing nakauwi na siya ng bansa dahil dama niya ang
kalungkutan ng kalooban nito. Siguradong hindi ito matutuloy sa pag-alis kapag
nalaman nitong nakauwi siya. Hahayaan na lang muna itong magpalamig sa ibang
bansa. Umuwi din naman siya para magbakasyon at makita ang Papa niya.
Kalahating oras din ang binaybay niya bago nakarating sa lumang bahay
nila sa Mandaluyong. Bumaba siya ng taxi at nagpatulong sa driver na ibaba ang
kanyang gamit.
"Salamat po kuya," inabutan niya ito ng dagdag na one hundred pesos.
"Salamat po, ma'am." nginitian niya ito. Umalis din ito agad.
Nag-doorbell siya sa gate. May iniwang tagapangalaga ng bahay ang papa niya
upang mapanatiling linisin ang bahay. Maya-maya pa ay may matandang babaeng
lumabas ng bahay. Nakasalamin ito. Panay tingin nito sa kanya habang palapit sa
gate. Nang ilang hakbang na lang ang layo nito bigla na lang itong ngumiti.
"Joey?" hindi makapaniwala ang reaksyon nito.
"Ako nga po ate Lumen."
"Diyos ko ang ganda mo," mabilis nitong binuksan ang gate. Niyakap siya nito
nang mahigpit. "Diyos kong bata ka, ba't hindi mo sinabing uuwi ka pala sana
nakapaghanda ako ng mga paborito mo."
Inakbayan niya ito. "Okay lang po ate."
"Halika sa loob." hinawakan nito ang luggage niya. Ngunit mabilis siyang
tumutol at binawi dito ang gamit niya.
"Ako na lang po, ate." hindi na rin ito nagpumilit. Sa ilang taong pamumuhay
niya sa Amerika nasanay na siyang mamuhay na independente. Malayo ang paraan
at antas ng pamumuhay sa estados unidos kaysa dito sa bansa.
"Alam ba ng papa mo na nandito ka?" untag nito nang makapasok sila sa loob
ng bahay.
"Hindi pa po." nilingon siya nito.
"Aba'y bakit? Dapat sinabi mo para nasundo ka niya." ngumiti siya saka umupo
sa sofa na nasa sala.
"Malaki na po ako, Ate. Kaya ko na pong bumyahe ng mag-isa. Ayaw ko ding
istorbuhin sa trabaho ang papa. Nakakahiya naman kay Tita Bianca."
tumango-tango ito. Inikot niya ang tingin ang buong bahay. "Maganda pa rin itong
bahay, ate, ha?"
"Siyempre mahal ko na din itong bahay. At nawawala ang pananabik ko sayo
kapag nakikita ko ang mga laruan at libro mo sa kwarto."
Nang malugi ang negosyo ng papa niya, nabili nito ang bahay. Fully-furnished
ang buong bahay pero wala itong second floor gaya ng dati nilang bahay. May
tatlong kwarto, sakto lang sa simpleng buhay nila mag-ama.
"Ano nga palang gusto mong kainin?" usisa ng ginang sa kanya.
"Adobong manok po. Miss ko na luto niyo, eh." ngumiti ito sa sinabi niya.
"Asus, binola pa ako nito. Halika na ihahatid kita sa kwarto mo." tumayo siya.
"Huwag na po, ate. Ako na lang ho."
"Sigurado ka?" tumango siya. "O sige, magpahinga ka na lang muna sa kwarto
mo. Pupuntahan na lang kita kapag nakapag-luto na ako."
"Okay po," sinundan niya ito ng tingin. Nang mawala ito naglakad na siya
patungo sa silid niya. Gustong-gusto niya nang matulog.
"Hudan!" singhal ng Ama ni Kenneth sa kanya na ang ibig sabihin ay
bastard. Sinuntok siya nito na siyang dahilan upang magkasugat ang labi niya.
"I want you to fix this mess. You should say sorry to Therese and marry her.
Kung ayaw mong itakwil kita!"
Nanglilisik ang mga mata niyang may hawak ang bote ng alak. Galit niyang
nilagok ang alak na hawak niya. Saka ngumisi. Ang saklap nga naman ng buhay.
Kailangan niyang suyuin ang syota niya tulad ng sinabi ng Daddy niya pero hindi
niya iyon gagawin, hindi na siya papayag na manduhan nito ang buhay niya. Tama
na ang ilang taong pagmamanipula nito sa kanya. Pagod na siyang maging isa sa
mga pagmamay-ari nito. Wala naman siyang ibang gusto kundi maging masaya.
"Hi, white wine please." napalingon siya sa babaeng umupo sa tabi niya. Unang
paglapat pa lang ng mga mata niya dito hindi niya na magawang alisin.
Maganda ito. Ngayon niya lang ito nakita. Angkop sa maputi nitong balat ang
blonde nitong buhok. Nakasuot ito ng backless red dress. Kahit sinong lalaki ay
maakit tingnan ang hubog ng katawan nito.
"Thanks," anito nang iabot ng bartender ang in-order nitong alak. Agad na
nilagok nito ang alak. "Parang iba yata ang lasa," she murmured. Tiningnan nito ang
wine glass na wala ng laman.
Naaaliw siyang tingnan ito. Parang magnet ito na hindi niya magawang ialis ang
paningin niya.
Inilapag nito ang kopeta. "One more please," aniya sa bartender. Lumingon ito
sa kanya. Derecho ang titig nito sa mga mata niya. Saglit siyang natulala nang
makita ang maganda nitong mukha. Napalunok siya nang makita ang sexy nitong
ngiti.
"Hi," bati nito sa kanya.
"H-hello," nauutal niyang tugon. Ngumiti ito sa naging reaksiyon niya. Bakit
parang biglang uminit ang pakiramdam niya? Pinapawisan siya na hindi niya
maintindihan.
"Alone?" narinig niyang may sinabi ito ngunit hindi niya naintindihan. Nakatuon
sa hitsura nito ang paningin niya at isipan. "Hey okay ka lang?" nagising siya sa
pantasya niya nang muli itong magsalita.
"H-ha?" tumawa ito sa kanya.
"Naka-drugs ka ba?" natatawa nitong untag.
"H-hindi. S-sorry hindi ko lang masyadong narinig ang sinabi mo. Ano nga ba
'yon ulit?" umiling ito. Hinarap nito ang kopeta na nasa tapat nito. Sinimsim nito ang
alak bago muling nagsalita.
"Tinatanong kita kung nag-iisa ka ba?" muling nagbanggaan ang kanilang
paningin.
"Ah Oo, walang kasama, eh."
"Pareho pala tayo," uminom ito muli ng alak. Madiin siya nitong tinitigan. Hindi
siya mapalagay sa paraan ng pagtitig nito. Iniiwas niya ang tingin dito. "Are you
afraid of me?"
"No. Of course not." mabilis niyang saad. "Nahihiya lang ako sa ganda mo."
umalingawngaw ang halakhak nito sa bar na kinaroroonan nila. Kahit na malakas
ang tugtug hindi pa rin nasasapawan ang boses nito.
"Bolero ka pala," anito sa kanya.
Napangiti siya. Inilahad niya ang kanang kamay dito. "I'm kenneth Lee,"
tumingin ito sa palad niya.
"So you're a chinese?" tumango siya. "I'm sorry Mr. Lee hindi ko basta binibigay
ang pangalan ko." tinanggap nito ang pakikipagkamay niya. "I like your name bagay
sayo." napangiti siya. Parang may kung anong kumikiliti sa kanya.
"Thanks,"