Chapter 3

2137 Words
"What are you doing here?" untag ni Joey sa babaeng nadatnan niya sa dining area ng bahay ng Stepmother at daddy niya. "Anak," napangisi siya nang marinig ang sinabi nito. "Anak? How dare you call me anak?" nagbanggaan ang ngipin niya sa galit. "Joey hija," sambit sa kanya ng Tita Bianca niya. "Tita talagang hinayaan niyong pumasok sa bahay niyo ang babaeng ito?" hindi niya mapapatawad ang Mama niya sa ginawang pag-iwan nito sa kanila lalo na ang pagsama nito sa ibang lalaki. Napasinghap siya bago tumingin sa Stepmother niya. "Tita I brought this flowers for you. May pasalubong din po akong dress for you." sabay lapag niya sa mga dala niya sa mesa. "Aalis na po ako," "Joey anak," hinawakan nito ang braso niya. Mabilis niyang inalis ang sarili sa pagkakahawak nito. "Huwag na huwag mo na ako uling hahawakan, nakakahiya ka." "Joey!" natigilan siya nang may mabagsik na boses ang nagsalita sa likuran niya. "Pa," "Paano mo nagawang pagsalitaan ng ganyan ang Mama mo?" napapailing siya sa narinig mula dito. "Pa, okay lang po ba kayo? She hurted you, she hurted us." nakita niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito. "Anak, let's forget the past." umiling siya. "No pa, I'm sorry hindi ko siya mapapatawad." madiin niyang saad. Naglakad siya palabas ng mansyon. Derecho siyang lumabas ng gate. Hindi niya na ginamit ang kotse. She was disappointed at mas mabuting babalik na lang siya sa Amerika. Naglakad siya palabas sa subdivision na iyon. Hindi niya lubos maisip kung paano nagawa ng Papa niyang ilihim ang pakikipagbati nito sa dati nitong asawa. Galit siya sa babaeng iyon at kailanman ay hindi na iyon mababago. Mali ang naging desisyon niyang mag-unwind sa Pinas mukhang mas lalo lang nga siyang na-stress. Nag-abang siya ng masasakyan ngunit wala gaanong dumadaan. "Nakakainis," binuksan niya ang dala niyang handbag. Kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan iyon. Panay buga niya ng usok. Hanggang sa naubos na lamang ang yosi niya hindi pa rin siya nakakasakay. Tinapon niya ang upos ng sigarilyo niya at inapakan. Natigilan siya nang may isang kotse ang huminto sa kanyang tapat. Napangiti siya nang makita ang kulay abo na expidition. Pamilyar sa kanya ang nasabing kotse. Dahan-dahang bumaba ang bintana nito. Napangisi siya nang makita ang lalaking lulan ng sasakyan. "Hi," nakangiti itong bumati sa kanya. Lumapit siya sa kotse nito. "Hi chinese guy," umiling ito. He licked his lips. "Saan ba ang punta mo? Ihahatid na kita." "Ihahatid mo talaga ako? Baka naman mahal ang pamasahe hindi ko ma-afford. " he chuckled. "Seryuso, ihahatid na kita." "Okay, madali akong kausap." binuksan niya ang pinto at sumakay sa passenger seat. Sumandal siya at parang komportable pa siya habang kasama ito. Sinilip niya ang binata nang hindi ito kumibo. Madiin niyang tinitigan ito. Halatang umiiwas ito na mapatingin sa kanya. Pormal ang kasuotan nito ngayon at may eyeglasses pa. "Are you a business man?" usisa niya upang may mapag-usapan sila. "Yeah." matipid na tugon nito. "You like me, don't you?" saglit itong tumingin sa kanya. Ngunit agad din itong umiwas nang magtama ang paningin nila. "Bakit mo naman nasabi 'yon?" ngumiti siya. "Hindi ka kasi makatingin sa akin, eh." hindi ito kumibo. Tumawa siya sa reaksyon nito. "Naku, mahirap 'yan. Diyan nagsisimula ang pagmamahal." "Bakit ikaw hindi mo ba ako gusto?" "Lahat ng lalaki gusto ko kapag kasama ko," tumingin ito sa kanya. Seryuso ang pagkatitig nito. "Hey don't stare me that way. Hindi ako masamang babae. Ayaw ko lang ng commitment at ng hassle sa buhay. Mas maganda nga 'yun di'ba? Nakukuha mo ang gusto mo, nakukuha niya rin ang gusto niya." seryuso ito sa pagmamaneho. Hindi na ito muling nagsalita. "Bakit ikaw chinese guy, ano bang pananaw mo?" Ngumiti ito bago nagsalita. Derecho lang ang mga mata nito sa kalye. "I want to marry the girl that I love. I want to build a family." lumingon ito sa kanya. "You don't believe in marriage?" umiling siya. "Hindi. Wala ngang forever di'ba?" sabay iling niya. "Naniniwala akong mayroon." napahanga siya sa nalaman tungkol sa lalaking ito. Kung sa bagay para nga itong hindi makabasag pinggan nang una niyang makita sa bar. Masyado itong harmless tingnan lalo na sa postora nito ngayon. Pero hindi naman siya boring kasama sa kama. Napatawa siya nang maalala iyon. "Natatawa ka yata?" "May naalala lang ako." tumingin siya sa labas ng sasakyan. Nang nasa sentro na sila ng quezon city nagdesisyon siyang bumaba na. "Dito na lang ako," "Ihahatid kita sa inyo. Saan ba ang bahay mo?" "No thanks. Dito na lang ako," bakas ang pagtutol sa mukha nito. Ngunit napilitan din itong itabi ang sasakyan. "Thanks chinese guy," kinindatan niya ito. Binuksan niya ang pinto ngunit mabilis niya din itong sinara nang may nakalimutan siya. "Nakalimutan kung magbayad." nagulat ito nang bigla niyang hinalikan ang labi nito. "Thanks." nginitian niya ito ngunit nanatili itong tulala hanggang sa makababa siya ng kotse. Dali-dali siyang sumakay ng taxi at nagpahatid sa mandaluyong. Tulalang napahawak si Kenneth sa labi niya. Para siyang sira na napangiti. Ang tamis ng halik nito. Nakakabaliw. Gusto niyang halikan ang manipis nitong labi bawat segundo, bawat oras, at araw-araw. Alam niya na ngayon kung bakit hindi ito mawala sa isipan niya. Nami-miss niya ang lasa ng halik nito. Ang mahalimuyak nitong amoy. Ang mahinhin at kapang akit-akit nitong tinig na kumikiliti sa kanyang sistema "Oh God, she made me crazy." napahampas siya sa manibela ng kotse niya. Hinayaan niya na naman itong makalayo sa kanya. Ni hindi nga niya naitanong ang pangalan nito. "Ang bobo mo Kenneth!" paninisi niya sa sarili. Dapat pinilit niyang ihatid ito nang sa ganu'n alam niya kung saan ito pupuntahan. Napapailing niyang ini-start ang kotse niya. Natigilan siya nang may mahagilap ang mga mata niya sa inukupahang upuan ng dalaga. Napangiti siya nang makita ang handbag nito na naiwan. Kinuha niya iyon at binuksan. Naroon ang wallet at cellphone nito. Kumunot ang noo niya nang may makitang sigarilyo at lighter. "She smoke?" hindi niya makapaniwalang untag sa sarili. Umiling na lang siya at hinalungkat niya ang laman ng wallet nito. Halos US dollars bill ang laman ng wallet nito. Kinuha niya ang driver lisence nito. Ngunit nadismaya siya nang makita na US driver lisence iyon. Kung ganu'n sa Amerika ito naka-base. Pero di'bale na. Ang mahalaga alam niya na ang buong pangalan nito. Pwede na siyang magtanong-tanong kung taga-saan ito. "Josefa joy Mendez." napangiti siya. Isa-isa niyang ipinasok ang wallet at cell phone nito sa hand bag. "Nakilala rin kita mystery girl." bulong niya saka pinatakbo ang sasakyan. Nagmamadaling bumaba sa kotse niya ang binata. Sumakay siya ng elevator patungo sa eightenth-floor kung saan naroon ang condo unit niya. Pasipol-sipol siya nang makapasok siya ng unit niya. Dumerecho siya sa kwarto niya. Hinubad niya ang suot na coat at patapon na nilapag sa ibabaw ng kama niya. Hawak niya ang handbag ng dalaga nang umupo siya sa harap ng laptop niya. Ini-on niya iyon. Nag-search siya ng pangalan ng dalaga sa google. Maraming Josefa Mendez ang lumabas. Sinubukan niyang e-search ang bangko na pinagtatrabahuan nito sa Amerika na nakalagay sa identification card nito. Ngunit wala siyang makita. Sinubukan niyang mag-log in sa f*******: ngunit wala din siyang nakita. "Okay, imposibleng wala siyang twitter." wika niya sa sarili. Nag-log in siya sa twitter at nag-search ng pangalan nito. May limang lumabas. Agad na nakuha ng pansin niya ang profile picture nito. He followed her and tweet. "Hey mystery girl I haved your personal belongings. It's chinese guy :)." Dinampot niya ang handbag nito. Napangiti siya. "Magkikita pa tayo ulit." ibinalik niya ang atensyon sa laptop niya at nag-log out. Titingnan niya na lang uli ito kinabukasan. "s**t!" napamura si Joey nang mapagtanto niyang wala ang handbag niya. Naiwan niya pa yata sa kotse ng chinitong iyon. Napatingin siya sa driver ng kotse sa rear view mirror. Nagtama ang paningin nila. Nginitian niya ito. "Kuya, saglit lang kukuha lang ako ng pera sa bahay. Pakihintay lang ako saglit." tumango naman ito. Doble ang bilis ng hakbang niya papasok ng bahay. "Nakakainis talaga!" pagdadabog niya nang makapasok siya ng bahay. Dumerecho siya sa kanyang silid. Kumuha siya ng pera sa isang wallet niya na nasa drawer ng side table niya. Binalikan niya ang taxi driver. Binayaran niya ito. Dinagdagan niya ng kaunti ang bayad niya para na rin sa abala. Pinahintay niya pa iyong tao. Hindi siya mapanatag sa loob ng kwarto niya. Panay lakad niya. Kumuha siya ng isang kaha ng yosi sa stock niya. Pampabawas ng stress. Nakakaalburuto na nga ang nadatnan niyang eksena sa bahay ng Stepmother niya, nawawala pa ang wallet at cell phone niya. "Saan ko naman hahagilapin ang instik na iyon?" pagdadabog niya. Patay sindi ng sigarilyo ang ginawa niya. Hanggang sa tumuntong na lang sa alas-unse ang kamay ng orasan hindi niya pa rin alam kung paano at saan muling makikita ang binata. Mahalaga sa kanya ang phone niya. Nandoon lahat ng contacts niya. "Nakakapikon na!" sigaw niya. Pinatay niya ang sigarilyo at idiniin sa ash tray. Sinuklay niya ng kanyang kamay ang kanyang buhok. Plano niya pa naman bumalik na ng Amerika. At mukhang mapupurnada pa dahil sa instik na iyon. Natigilan siya. Ngayon niya lang naisip. Bakit sa dinami-dami ng tao sa pilipinas ito pa ang naka-one night stand niya. Ito pa ang sumaklulo sa kanya kanina nang wala siyang masakyan. Napangiti siya. "Nakikipaglaro ka na naman sa akin, Destiny." napailing siya. "Okay let's have a bet. Matatalo ka pa rin this time." wika niya. Ilang beses na rin kasi ito nangyari sa kanya. May makikilala siyang lalaki at ipipilit itong ipalapit sa kanya ng tadhana. Pero walang makakapasok sa puso niya. Walang kahit sino man. Wala siyang hahayaang makapasok sa matinik niyang puso Napasinghap siya. Kinuha niya ang laptop niya. Umupo siya sa kama at inilapag iyon sa hita niya. Ini-on niya ang laptop. Dumerecho siya sa email niya. Wala naman siyang mahahalagang mensahe. Mga pangungumusta mula sa mga kaibigan at ka-trabaho sa Amerika. Ngunit may isang mensaheng nagtawag ng pansin sa kanya, mula sa twitter account niya. Napangiti siya. "Chinese guy," kung ganun alam na nito ang pangalan niya. Mabuti naman at ito mismo ang naghanap sa kanya. She went to her twitter account and response to his tweet. Napangiti siya sa username nito. It's cute. @hot_chinito "Give me back my things and I'll give you a prize. Name it , and you gonna have it." kagat niya ang kanyang labi habang binabasa ang mensahe niya para sa binata. Sa 'di matukoy na dahilan nakakaramdam siya ng kasiyahan sa loob ng kanyang kalooban. "Chinese guy," Bakit parang pakiramdam niya may kakaiba sa lalaking iyon? Dahil kaya sa pagiging singkit nito? Inaamin niya ito lang ang Asian na naka-fling niya. At talagang may dugong pilipino pa. Hindi niya magawang magsalita at ibigkas ang tamang sasabihin tungkol dito. Ngunit isa lang may kasiguraduhan, masaya siyang nagkita silang muli kung ano ang dahilan hindi niya alam at wala siyang planong alamin. Sapat nang nasisiyahan siya at nage-enjoy. Napatingin siya sa laptop nang sumagot ito sa tweet niya. "He still awake?" napapailing niyang binasa ang sagot nito. " Is that for real? Kahit anong gusto kong prize?" she smiled. "Yup. Ba't gising ka pa?" "I keep thingking about you." napairap siya sa sinagot nito. Mas mabuting ibahin na lamang niya ang usapan. "So kailan ko makukuha ang things ko?" ilang sandali siyang naghintay ng isasagot nito. "Tomorrow. Ihahatid ko. What is your address?" Napaismid siya sa mensahe nito. Kung alam niya lang na gusto lang nito malaman ang address niya. Isang bagay na hindi maari. Ayaw niyang magkaroon ng personal na attachment dito. Mas mabuting mananatili siyang estranghero sa buhay nito. "Sorry chinese guy, I'm a private person. Let's meet in greenhills tom." "Okay. Can we talk about the prize?" talagang sineryuso nito ang prize na sinabi niya. Sige na nga, wala naman siyang problema kahit anong hingin nito. Basta huwag na huwag lang ang puso niya. Isa iyong suntok sa buwan. "Sure. What do you want?" "Date with me." napasandal siya sa headboard ng kama niya. A date? Nagpapatawa ba siya. Hindi ito ang inaasahan niyang hihingin nito. Mas mataas kasi ang expectation niya-- something intimate. Umiling siya. Kung anong naiisip niya. Nakakahiya naman sa binata. Siya pa talagang may ganang mag-isip ng malaswa. O baka naman kaya iyon ang naiisip niya dahil nami-miss niya itong kasama? "Of course not!" pagsasatinig niya ng kanyang pagsalungat sa kanyang isipan. @mendez_joey "Are you still there?" "Oh no," dali-dali niyang sinagot ito. "Yeah. See you tom, chinese guy. nyt!" pagkatapos niyang mag-tweet sa binata ay nag-log out na siya. Baka umabot pa sila ng umaga kapag 'di siya ang naunang magputol ng kanilang pagpapalitan ng tweet. Itinabi niya ang laptop niya. Tumayo siya at nag-shower sa banyo. Panatag na ang loob niyang matulog ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD