Kabanata 8

2332 Words
Santana’s POV Sa hacienda ni Kyson ako hinatid ng driver ni Reon. Hindi na sumama si Reon dahil may lakad din siyang iba ngayon. Sa totoo lang, kinakabahan ako dahil first time kong makikipag-collab sa isang kapwa ko content creator. Pero dahil kailangan ko ng experience, nilaban ko na kahit ang gusto ko talaga ay kasama dapat dito si Reon. Takot at nahihiya kasi akong magkamali. Tapos, wala pa akong ibang kasama na kahit isa manlang. Kung may dala-dala ako, camera at mga battery lang ng camera ko. Sobrang lawak na bahay at lupain ni Kyson nang makarating na ako dito. At ang dami niya ring mga kasambahay na sumalubong sa akin. Ang ilan sa kanila, fans ko raw kasi napapanuod na rin daw nila ako. Nakakatuwa tuloy dahil para akong artista nung sinalubong nila. Habang nakaupo ako sa sofa at hinihintay si Kyson, nililibot ko ng tingin ang buong paligid. Dati, pangarap kong makapagpatayo ng ganitong kalaking bahay. Pangarap kong magkaroon ng malaking lupain at gusto ko rin talagang magtayo ng negosyo. Nakakainis dahil lahat ng pangarap ko ay wala manlang natupad. Na dapat eh, sa ganitong edad ko, mayroon na akong ganito. Kung hindi lang talaga sa tatlong bruhang babae na sagabal sa buhay ko ay siguro mayaman na ako ngayon. Natanaw kong pababa na sa hagdan si Kyson kaya tumayo na agad ako para maghanda. Malayo palang siya, kita ko na agad na magandang lalaki talaga siya sa personal. Hindi nga lang ako makapaniwala na kahit ang takaw-takaw niya sa mga ginagawa niyang mukhang sa mga vlog niya ay ganito pa rin kaganda ang katawan niya. Marahil ay inaalagaan pa rin niya ang katawan niya sa pagbubuhat sa gym. “Thank you, Santana at nakarating ka dito sa hacienda ko,” sabi niya sa akin at saka ako hinalikan sa pisngi ko. Medyo nahiya tuloy ako doon. Niyakap din niya ako kaya naamoy ko ang napabango niyang pabango. Grabe, ang sarap niyang yumakap dahil sa laki ng mga bycep niya. First time kong makaranas ng ganito. ‘Yung maka-meet ng sikat na tao tapos ang guwapo pa. “Salamat din sa pag-invite mo sa akin, Kyson,” sagot ko na nahihiya pa rin. Nakakatunaw siyang tumingin. Hindi ako sanay na tinititigan ako ng isang guwapo. “Alam mo, ganito kasi ‘yan. Sa tuwing narito ako sa bahay, palagi kong naririnig ang boses mo sa mga cellphone ng kasambahay at mga tauhan ko. Walang araw ata na hindi ko naririnig ang boses mo. Oo, pinapanuod din naman nila ang mga vlogs ko, pero madalas talaga kitang marinig sa kanila kaya isang beses, tinignan ko kung sino bang vlogger ang pinapanuod nila. At doon na kita nakilala. Dahil sa kanila, naisipan kong makipag-collab sa iyo. Kasi, natutuwa at nakakatakam ka ring kumain kapag nagmu-mukbang ka. Kaya naisip ko na kapag sinama kita sa vlog ko ay baka mag-click tayo lalo. Para matuwa rin ang mga fans ko dahil may bagong mukha silang makikita sa vlog ko.” Inaya niya ako sa dining area niya. Magkape raw kami saglit habang nag-aayos pa ang mga staff niya para sa vlog namin. “Dapat pala akong magpasalamat sa kanila dahil sila ang dahilan kung bakit nakipag-collab ka sa akin.” Ngayon gets ko na kung bakit panay ang ngiti at kaway nila sa akin nung makita nila ako rito sa hacienda ni Kyson. Kaya naman pala ang dami rin nilang napag-picture sa akin kanina. Sikat pala ako sa mga kasambahay at tauhan niya. Pagkatapos magkape, inaya na ako ni Kyson sa isang room. Nagulat ako dahil naroon ang makeup artist at stylist niya. Sabi niya, habang hinahanda na ang mga pagkaing imu-mukbang namin ay dapat lang din na magpaayos na kami sa makeup artist at stylist niya. Nakakatuwa dahil ganito pala siya ka-effort kapag nagba-vlog. May makeup artist, stylist, tapos dapat tugma pa ‘yung kulay ng damit na dapat na susuotin namin. Sa preparation palang namin ni Kyson ay marami na akong natutunan sa kaniya. Na dapat pala kapag content creator ka na, maging ma-effort ka talaga. Kasi ‘yon daw ang susi para mas lalo akong mahalin ng mga viewers ko. Pagkatapos naming ayusan ng mga tauhan niya, lumabas na kami. Tumuloy na kami sa isang room kung saan naroon naman ang studio niya. Pagpasok palang sa loob, napanganga agad ako dahil ang laki ng studio. Samahan pa na sinalubong din ng masasarap na amoy ng pagkain ang ilong ko. Ang dami niya ring tauhan dito. May naka-assign sa lighting, camera, background at mga pagkain. Sobrang dami niyang pinapasuweldo kaya sigurado rin ako na malaki na ang kita niya sa pagiging content creator. “Hindi ko inaakalang ganito pala ang mga eksena sa likod ng camera. I mean ‘yung behind the scene. Sobrang effort mo talaga, Kyson. Nakakagulat ka talaga,” sabi ko sa kaniya habang nginingitian ko ang mga staff niya na bumabati sa akin. “Sabi ko naman sa iyo, dapat talagang maging effort. Look, hindi ba’t maganda ang lahat. Kapag malinis tignan at maayos ang trabaho ng lahat, nagiging maganda ang kinalalabasan ng mga vlog ko. At doon dumadami ang mga viewers ko. Hindi lang ako kumikita sa mga ads sa mga vlog ko kundi marami ring project na lumalapit sa akin. Alam mo, Santana, marami ka pa sigurong hindi alam sa mundo ng mga content creator. Bago ka palang, kaya ‘yan ang magiging topic natin sa vlog natin ngayon dito.” “Teka, on the spot question and answer ba ang mangyayari?” tanong ko habang kinakabahan. “Yes, para habang kumakain tayo, nakakapag-usap na rin tayo. Ikaw, puwede ka ring magtanong sa akin ng mga gusto mong itanong. Ihanda mo na lang at handa rin akong sagutin ‘yan mamaya sa vlog natin,” sabi naman niya. Lumapit na kami sa malaking lamesa na puno ng iba’t ibang pagkain. Natakam ako bigla. Time is gold, sabi ni Kyson kaya agad-agad din ay nag-umpisa na kami. “Wazzup, Kyson Eats fam! It’s your boy Kyson, back at it again with another epic food Mukbang! You know the drill – good vibes, good food, and good times. Pero wait, may special guest tayo ngayon, walang iba kundi si Miss Santana Dadonza!” Kumaway ako sa harap ng camera at saka ko nilabas ang maganda kong ngiti. “Hello, Kyson Eats Fam! Masaya ako na masama sa vlog na ito. Anyway, thank you, Kyson sa pag-invite mo sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na isang sikat na vlogger ang ka-collab ko ngayon. Sobrang guwapo mo sa personal at ang totoo niyan, napatitig talaga ako sa iyo kanina nung una kitang makita. Ang bango-bango mo pa.” Ngumiti at umiling si Kyson. “Grabe ka, nahiya tuloy ako bigla. Anyway, vlogger din itong si Santana Dadonza kaya mga ka Kyson eats fam, follow niyo na rin siya dahil napakakalog at napakasaya niyang panuorin habang nagmu-mukbang. For sure, magiging favorite niyo na rin siya gaya ko.” At ‘yon ang pinaka nagustuhan ko sa sinabi niya. Sigurado akong pag-uwi ko mamaya sa bahay ay million followers na agad ako. Tuloy-tuloy na ang pagba-vlog namin. Ang pagkain na pinahanda pala niya ay ang mga sikat na ulam dito sa Pilipinas. Kaya naman pala may naka-ready na maraming kanin ay dahil titikman namin ang mga sikat na ulam sa Pilipinas. Tuwang-tuwa ako dahil karamihan sa mga naka-ready na pagkain ay paborito ko pa. At habang kumakain na kami, nag-umpisa na rin siyang magtanong sa akin. Mabuti na lang at madadali lang ang mga tinatanong niya. Nasasagot ko naman. Tapos, nagsasabi na rin siya ng mga tips kung paano maging sikat na content creator. Lahat ng sinabi niya ay tinandaan ko para magamit ko rin sa pagiging content creator ko. Hanggang sa ako na ang magtanong sa kaniya. “Kyson, bakit naging vlogger ka?” tanong ko sa kaniya. “Well, dati hindi ko rin naman hilig ang maging ganito. Wala sa isip ko na magiging vlogger ako balang-araw. Kaya lang, nung nasa new york ako, may na-meet akong magandang babae. Vlogger siya dahil habang kumakain ito sa isang restaurant ay nagsasalita siya sa harap ng camera niya. Tuwang-tuwa ako ng oras na ‘yon dahil napansin niya ako. At ang totoo, na-inlove ako sa sobrang ganda niya. Kaya naisip ko na mag-vlog. Gusto kong sumikat para ma-meet ko siya ulit balang-araw.” Sumapaw agad ako sa kuwento niya. “Si ano ba ‘to? Si Michelle Swift?” Bago kasi ako pumunta dito sa hacienda niya, may mga sinabi si Reon sa akin na tungkol sa mga information kay Kyson para kahit pa paano ay matuwa raw ito. “Kilala mo siya?” nakangiti tuloy niyang tanong. “Oo, napapanuod ko minsan ang mga vlog niya. At alam kong kayo na. Alam kong natupad na ang pangarap mong ma-meet siya ulit,” sabi ko pa kaya lalo siyang napangiti. “Yes, at ang nakakatuwa pa ay kami na talaga. ‘Yon talaga ang totoong kuwento kung bakit naging vlogger ako. Worth it naman dahil malapit na rin kaming magpakasal.” Pumalakpak ako at saka siya binati. “Ang galing naman.” ** Busog kami pareho nang matapos na ang vlog para sa channel niya. After vlog ay naglakad-lakad muna tuloy kami sa hacienda niya para magpagutom. May next shoot pa kasi kami at ang vlog naman na ‘yon ay ang ia-upload ko sa channel ko. Habang nasa manggahan kami ay bigla siyang nag-open ng topic sa akin na hindi ko inaasahan na sasabihin niya. “Santana, Ana ‘di ba ang totoo mong pangalan?” Nakuha niya agad ang atensyon ko nang itanong niya ‘yon. “P-paano mo nalaman?” tanong ko rin tuloy. “Ikaw ‘yung girlfriend ni Torin. Dati ninyo akong ka-school mate nung elementary palang. Natatandaan kita dahil madalas kang ma-bully ni Luella noon. Sorry kung sasabihin ko ito, pero sobra akong naaawa sa iyo dati sa tuwing makikita kong tinatarantado ka niya.” “Nakakahiya naman. Hindi ko inaasahan na ganoon pala katatas ang isip at mata mo para makilala mo pa ako.” “Sobrang laki nang pinagbago mo, Ana. Malayong-malayo ka na sa dating Ana na inaapi. Nakilala lang kita nung makilala ko ang boses mo habang paulit-ulit na pinapanuod ng mga staff ko ang vlog mo. Kaya rin kita inimbitahan na makipag-collab sa akin ay para makumpirma ko kung ikaw nga ba talaga ‘yon. Ang dalas mo kasing mag-iiyak noon. At dalas mo ring sigawan at mura-murahin na si Luella kapag napupuno ka na sa kaniya, kaya kilalang-kilala ko na rin ang boses mo kahit matagal na panahon na ang lumipas.” “Ang totoo niyan, may dahilan din kung bakit pinasok ko ang pagba-vlog.” “At ang totoo rin niyan ay gusto kitang tulungang sumikat kaya nakipag-collab ako sa iyo. Pero wala ka manlang bang ginawa para mabawi mo sa Luella na ‘yon ang sarili mong kuwento?” Lalo akong nagulat nang sabihin niya ‘yon. “Pati ba ‘yon ay alam mo rin?” “Naging libro na ang novel mo na ‘yon. Kumita ng malaki doon si Luella dahil halos magkaubusan ng copy ng libro na ‘yon sa lahat ng mall. Hindi lang ‘yon, naging movie pa ito kaya ako ang nanghihinayang para sa iyo. Na dapat ay sa iyo ang mga blessing na natanggap ni Luella.” Napatulo ang luha ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na kahit matagal na panahon na ang lumipas, may tao pa rin pala na tanda ang mga nangyari sa buhay ko. Ang galing ng memorya ni Kyson dahil natatandaan pa niya ‘yon. Nasira tuloy ang makeup ko dahil sa pag-iyak ko sa kaniya. “Maghintay ka lang, Kyson. Babawiin ko ang mga dapat ay sa akin. Tama ka, n@kaw lang niya ang story na ‘yon. Ako talaga ang nagsulat niyon. Ninaka@w lang niya ang notebook ko noon. Dapat sikat na akong author ngayon kung hindi lang niya kinuha ‘yon. Hindi lang story ko ang ninak@w niya, pati na rin ang pangarap kong maging sikat na author. Inagaw pa niya sa akin si Torin. Ginamit niya ang lahat ng yaman niya para makuha si Torin na hindi naman siya gusto.” Hinaplos ni Kyson ang likod ko para i-comport ako. Panay tulo na kasi ang mga luha ko. “Kapag gusto mo na siyang harapin at kinailangan mo rin ng tulong balang-araw, tawagan mo ako o mag-message ka lang sa akin. Handa akong tulungan ka para mabawi sa kaniya ang copyright ng story mo. Ang ganda kaya ng story mo na ‘yon. Nabasa ko ‘yon nung minsang mawala mo ang notebook at ako ang nakapulot. Ako ang nagbigay sa security guard ng notebook mo para mabalik ito sa iyo. Kaya alam ko rin talaga na ikaw ang totoong gumawa ng story na ‘yon.” “Grabe, Kyson. Hindi talaga ako makapaniwala na may ganiyan. May Kyson na alam ang lahat ng mga nangyari sa akin noon.” “Ang totoo niyan, kung hindi lang talaga naka-focus ang puso mo noon kay Torin, baka niligawan kita. Crush kaya kita noon. Nahihiya lang akong lumapit at magpakilala sa iyo kasi baka ma-reject mo ako.” “Kyson naman eh. Ang dami mo namang rebelasyon. Nakakahiya na talaga.” “Pero, support ako sa ginagawa mo. Magpalakas ka nang magpalakas, Ana. Malaking tao ang makakalaban mo, kaya kailangan mo rin talaga ng kapangyarihan. Hindi bale, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para dumami nang dumami ang followers mo. Tatlong vlog ang i-shoot natin maghapon para maraming beses kang lalabas sa vlog ko. Nang sa ganoon ay sunod-sunod ang maging pag-promote ko sa channel mo.” Tuwang-tuwa ako dahil ramdam kong kinakampihan na ako ni Lord ngayon. Inilalapit na niya sa akin ngayon ang mga taong tutulong sa akin. Malapit na malapit na. Sisikat na ako kaya humanda na ang mga dapat na humanda. Malapit na akong maningil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD