Santana’s POV Pagkatapos naming kumain ni Reon, inasikaso na muna namin ang paglipat sa villa. Sabi kasi niya, lumipat na raw kami ngayong gabi kasi nasisikipan na rin daw talaga siya sa kubo na ‘yon. Kaya, bago kami pumunta sa party, lumipat na kami. Pagdating sa villa na iyon, nag-ayos lang kami ng mga gamit namin at saka kami nagbihis nang pang-party namin. Nag-topless lang siya, tapos bulaklakin naman na short. Suot pa rin niya ang pekeng balbas para pang-disguise. Ako naman sinuot ko na ‘yung puting swimsuit na binili ko. Tama sina Sassa at Mimi kasi bagay na bagay sa akin itong swimsuit ng sinuot ko. Nagsuot na lang muna ako ng polo na net para hindi muna masyadong daring ang istura ko kapag lumabas kami dito sa villa. Suot ko rin ang fake bangs para mang-disguise, mahirap na, maram