Kabanata 9

1500 Words
Santana’s POV “Until now, I still don’t understand why Kyson keeps promoting your channel. Hindi ka lang nakipag-collab, parang binayaran mo pa siya dahil halos lahat ng account niya, pino-promote ang vlogs at account mo. Honestly, did something happen between you and Kyson in bed? Did you offer him something at parang bigay-todo siya sa pag-promote sa iyo?” tanong ni Reon matapos niyang makita na halos magta-tatlong million na ang followers ko sa loob lang ng tatlong araw na lumipas simula nang mag-collab kami ni Kyson. I didn’t tell him that I’ve known Kyson since elementary. I didn’t tell him that the reason he’s helping me is to proceed with my plan for revenge against Luella. Kapag nalaman niya kasi ‘yon ay baka magalit lang siya sa akin. Siyempre, mahal at gusto niya ang bruhang ‘yon kaya kapag nalaman niyang balak kong pabagsakin si Luella, baka ngayon pa lang ay pigilan na niya ako. Baka itapon na lang ako bigla ni Reon sa kung saan. At ayoko namang mangyari ‘yon. Ngayon palang ako nag-uumpisa sa pag-ahon sa hirap kaya ayokong mabitin agad. “Nothing happened between us in bed, Reon. He’s just a kind person. Natuwa kasi siya sa pagiging kalog ko. And besides, why would he be interested in me when he’s reportedly about to marry his girlfriend Michelle Swift?” “Talaga? Hindi kayo nag-s*x?” tanong pa ulit niya. Ano ba ito, nagseselos na ba siya? Para siyang baliw. Parang boyfriend kung makapagtanong at mag-imbestiga. “Hindi nga. Ang totoo rin kasi ay humingi rin ako ng tulong sa kaniya. Na kung maaari ay i-promote niya nang ilang beses ang channel ko para dumami agad ang followers. Kaya, ayon, panay ang promote niya sa akin. Saka, bakit ba panay ang tanong mo? Ano naman sa iyo kung sakaling totoo ngang nag-s*x kami? Ang mahalaga ay ito na, million followers na ako at malapit ko na ring maabutan ang followers mo,” sagot ko habang nakangisi. Sa tono kasi ang pagtatanong niya, para kaming magsyota tuloy. Nagtingin tuloy sa amin ang mga kasambahay niya. “Tama naman. Magaling, Santana. For now, let’s just wait for offers from popular brands here in the Philippines that might want to collaborate with you. Three million followers ka na at halos million-million din ang views ng collab vlog ninyo ni Kyson kaya tiyak na napansin ka na rin ng karamihan. Trending ka pa nga kahapon. Ang hot mo pa raw at ang sarap mo pang kumain sabi ng mga tao. Nakakatawa nga lang na makabasa pa ako na bagay raw kayo ni Kyson,” sabi niya at saka ito ngumisi na parang nanunukso. Ang weird ni Reon ngayon. “Ang ganda nga ng camera ni Kyson eh. Ang fresh ko doon at parang ang ganda-ganda ko nga. Kaya siguro pinuntahan na rin ako ng mga followers ni Kyson sa channel ko. Ayon nga, minu-minuto at segu-segundo ay nakakatanggap ako ng comment. Doble-doble pa ang nagme-message sa akin ngayon ng mga kalalakihan kaya pakiramdam ko, dapat na rin akong mag-hire ng mga admin ko.” “Hindi na kailangan. Nandito naman ako. Saka, tigilan mo na kasi kaka-entertain ng mga lalaking nagme-message sa iyo. Napaghahalataang malandi ka niyan eh,” sabi niya habang napapailing. “Eh, hindi ba’t iyon naman ang gusto mong maging ako. Maging malandi?” Sumibangot siya nang tignan ako. “Hindi sa lahat ng lalaki. Kay Torin lang. Sa kaniya ka lang kasi nga maghihiganti ka. Ay naku, minsan talaga mahina gumana ‘yang utak mo.” Sa inis niya ay nilayasan na lang niya tuloy ako. Hinintay ko lang isara niya ang pinto ng kuwarto ko. Nang tuluyan na siyang umalis, nag-open naman agad ako ng isang account ko. Doon na kasi kami nag-uusap ni Kyson. Ang saya-saya ko nga dahil sinabi niya na kapag naging magkagalit na kami ni Reon, balak niya akong kunin at pasunurin sa New york. Siya na raw ang bahalang tumulong at magpatuloy para maghiganti ako. Push na push din talaga siya na bawiin ko ang lahat-lahat kay Luella. Kaya ngayon ay may second option na tuloy ako. Kaya ko na ring magmalaki kay Reon kung gusto. Pero not now. Mabait pa siya sa akin at okay na okay pa kami. Kapag nakitaan ko na lang siguro siya ng hindi magandang asal, doon ako gagawa ng hakbang ko. Gusto ko muna kasing maranasang makasahod ng malaki dahil sa pagba-vlog ko. Sa million-million views ng mga vlogs ko, sigurado akong tiba-tiba ang sasahurin ko ngayon. ** “Oh, saan ang punta mo at gayak na gayak ka?” tanong sa akin ni Reon nang makita niya akong bihis na bihis ngayong umaga. “Reon, puwede naman siguro akong gumala sa mga mall o kahit sa mga coffee shop nang hindi tayo magkasama ‘di ba?” Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at saka lumapit sa akin. Nagulat ako nang agawin niya ang phone ko. “Anong ginagawa mo?” tanong ko tuloy. “May kausap kang lalaki ‘no? Makikipag-meet ka sa kaniya ngayon no?” Ngumisi ako. Parang baliw, umagang-umaga eh. “Kung may kausap ako, dapat alam mo. Hindi ba’t nabubuksan mo ang gamit kong account?” “Eh, kung ganoon, saan ka pupunta?” “Binigyan mo ‘di ba ako ng 200 thousand pesos kahapon?” “Oo, bakit? Anong gagawin mo doon?” “Na-inspire ako sa kung paano maghanda at mag-vlog si Kyson kaya naisip kong bumili rin ng mga things na magagamit ko. Gaya na lang ng magandang camera, mga malalaking ring light at kung ano-ano pang kailangan ko,” sagot ko sa kaniya. Bigla siyang napangisi. “Bakit hindi mo agad sinabi. Sandali, hintayin mo ako.” “Bakit, dadagdagan mo ba ang perang ibibigay sa akin?” tanong ko habang nagpapa-cute ako ng mukha. “Hindi! Ano ka sinusuwerte?! Sasama ako sa iyo para magabayan kita. Baka kasi kung ano-ano na lang ang mabili mo, sayang naman ang pera,” sagot niya kaya natawa tuloy ako. Habang hinihintay siya, naupo na lang muna ako sofa. Habang wala pa si Reon, tinignan ko ang mga notes na binigay sa akin ni Kyson. Siya kasi ang nag-suggest sa akin ng mga brand na dapat kong bilhin. ‘Yung pang-high quality para daw maganda ang mga vlogs ko. Pagdating namin ni Reon sa mall. Sa shop agad ng mga camera kami pumunta. Nung una, hinayaan niya muna akong mamili ng camera na gusto ko. Hindi niya alam na alam ko na talaga kung anong dapat kong bilhin kasi kahit picture nung camera, pinasa rin sa akin ni Kyson para hindi ako mahirapan mamili. Pati ringlight na gusto ko nabili ko na rin. Pati ang mga gamit na kailangan ko, dinamay ko na rin para hindi sayang ang lakad. “Hindi na pala dapat ako sumama. Alam mo naman pala ‘yung mga dapat mong bilhin. Impyernes naman sa iyo, mukhang natandaan mo ‘yung mga gamit ni Kyson. Ang totoo niyan ay magaganda ‘yung brand na napili mo,” puri niya sa akin nang papunta na kami sa isang coffee shop. Nag-aya siyang magkape kaya sumama ako. Alam ko kasing libre niya ‘yun kapag siya na ang nag-aya. Pagpasok namin sa coffee shop, um-order na agad kami ng kape namin. Habang ang driver naman ni Reon ay kinukuha na ang mga pinamili ko para dalhin sa kotse. Habang naghihintay kami ng order namin, biglang nagtanong si Reon sa akin. “Bukod sa pag-agaw ni Luella kay Torin, ano pang mga naging kasalanan niya sa iyo?” tanong niya na kinagulat ko. “Akala ko ba ay alam mo na ang lahat?” balik kong tanong sa kaniya. “Oo, ‘yung iba alam ko na, pero alam ko rin na bukod doon ay may mga nagawa pa siyang kasalanan sa iyo na hindi ko pa alam.” “Noong elementary kami, madalas niya akong i-bully. Iyon ang mga malalaking kasalanan na ginawa niya sa akin.” Iyon lang ang dapat muna niyang malaman. Saka na ‘yong pagnanakaw nito ng story ko. “Si Ellery at Alaya, marami ring naging kasalanan sa iyo kaya sila ang mas paghandaan mo, huwag si Luella. Kasi, ako na ang bahala sa kaniya. Ang mahalaga naman ay mabalik sa iyo si Torin, ‘di ba?” Ayoko sanang tumango pero dahil ayoko munang magkaroon ng problema sa kaniya, tumango na lang ako. Kahit ang totoo ay hindi ako papayag na hindi bumabagsak sa lupa ang bruha na ‘yon. Ngayon palang tuloy ay parang nakikita ko na ang mangyayari. Na balang araw ay baka pati si Reon ay maging kaaway ko na rin. Kaya dapat lang na bago kami maging magkaaway, masulit ko manlang ang masarap niyang katawan sa kama. Bago siya mapunta sa Luella na ‘yon, nalawayan ko na ang lahat ng parte ng katawan niya. Nang sa ganoon, hindi nakakapanghinayang na mapunta ang guwapong si Reon sa bruhang gaya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD