Kabanata 5

2795 Words
Santana’s POV Pababa na ako ng hagdan. Kanina pa kasi ako pinapatawag ni Reon. Handa na raw ang almusal at gusto nito ay sumabay akong mag-almusal sa kaniya. Himala nga eh, dati naman ay nakakakain siya ng mag-isa. Now, he wants to join me for breakfast. Ano kayang mayroon? “Miss Santana, galit na po siya. Pakibilisan po ang pagpunta doon at pati po kasi kami ay napapagalitan na,” salubong sa akin ng kasambahay namin dito. Nagmadali na tuloy ako sa paglalakad. Ayoko rin kasi na napapagalitan ang ibang tao nang dahil sa akin. When I arrived at the dining area, I approached him to give him a kiss on the cheek, but he quickly avoided it. “Maupo ka na. Halos twenty minutes mo na akong pinaghihintay dito,” cold niyang sabi. Ang aga-aga naman niyang masungit. “Sorry na. Madaling-araw na kasi ako nakatulog. Alam mo na, nag-edit ako ng vlog ko. Pinag-aaralan ko namang maging mabilis sa pag-e-edit, kaya lang mahaba talaga ‘yung naging vlog ko kaya nagtagal ako. Saka, gusto ko maganda at malinis ang pagkaka-edit kaya inumaga talaga ako.” Nagsimula na siyang sumandok ng kanin. Humigop na rin siya ng kape. Wala siyang naging sagot sa sinabi ko. Na para bang gusto niya lang akong makasabay kumain ngayon. “B-bakit nga pala gusto mong sabay tayong mag-almusal ngayon?” tanong ko habang naglalagay na ng kanin sa plato ko. “You shouldn’t be responding to your male fans. Remember, I have access to your accounts, so I know who you’re talking to. I can’t believe almost all your chatmates are men.” Sa wakas ay tinignan na niya ako sa mga mata ko. At sana pala ay hindi na lang siya tumingin sa akin. Nakakatakot siyang tumingin ngayon. Mas nakakatakot pa naman siya kapag seryoso. “Sorry, magpapadala raw kasi sila ng regalo sa akin. Tapos ‘yung ibang lalaki nagbibigay din ng pera sa akin,” katwiran ko para payagan pa rin niya akong makipag-usap sa mga lalaking fans ko. “Hindi sila ang goal natin, Santana. Kumikita ka na ngayon sa pagba-vlog. I also give you money. I buy you all expensive things. Is all of that not enough, and you still find the need to talk to other men?” Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa? I feel like he is getting jealous of the men I talk to. “Tandaan mo, Santana ang goal natin. Ekis ka dapat sa mga laro-larong ‘yan. Magseryoso ka. Sina Luella at Torin ang goal natin ngayon. Hanggang ngayon wala ka pa ring malaking project na natatanggap. Puro latak pa rin ‘yung mga nag-aalok sa iyo. Kung puro ganiyan, wala. Hindi natin matutupad ang gusto nating mangyari.” Binitawan ko ang hawak kong spoon. “Mag-collab na kasi tayong dalawa. Kailangan ko ng tulong mo. Marami kang followers. Kapag nag-collab tayo, mababahagian mo ako ng mga followers mo. Bakit ba kasi ayaw mo akong pagbigyan doon?” “Inaayos ko na. Nag-iisip lang ako ng magandang content para sa gagawin natin. Ayokong masayang ang oras at effort ko kapag nag-collab na tayo. Maghintay ka kasi. Darating din tayo diyan,” sagot niya kaya natawa ako. May hintay-hintay pa siyang nalalaman eh, siya nga itong hindi makapaghintay na sumikat ako. Baliw ba siya? Pagkatapos naming mag-almusal, sinabi niyang gumayak daw agad ako. Hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta kaya hindi ko tuloy alam kung anong dapat na suotin kong damit. Bahala siya. Nagputing dress na lang tuloy ako. Nung pababa na ulit ako ng hagdan, nakita kong naghihintay na siya sa sala. Nakaupo siya roon habang hawak ang kaniyang tablet. Kahit saan na lang talaga siya mapunta ay kayang-kaya niyang mag-edit ng mga vlog niya. Ganito siya palagi kaya hinding-hindi mabo-boring ang taong ito. “Kanina ka pa ba naghihintay sa akin?” tanong ko kaya tinapunan na niya ako ng tingin. Nakita kong napataas ang dalawang kilay niya nang tignan ako. Dalawang beses pa niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. Ano na naman kayang problema niya? “Anong suot ‘yan, Santana?” tanong niya na pinagtaka ko naman. “Aalis ‘di ba kamo tayo? Ito, gumayak ako. Hindi mo naman kasi sinabi kung saan tayo pupunta kaya gumayak na lang ako sa kung ano ang gusto kong suotin. Bakit, saan ba tayo kasi pupunta?” “Santana, sa palengke lang tayo pupunta. I thought about having seafood content. You cook it and then do a mukbang. For sure, a lot of people will watch that. And starting today, your vlogs will feature delicious food for your mukbangs. Nang sa ganoon ay mapabilis ang paglago ng mga followers mo,” sabi niya. “Akala ko kasi may event tayong pupuntahan. Nag-high heels pa man din ako. Sandali at magpapalit lang ako ng damit ko,” paalam ko sa kaniya habang nakangiwi ang mukha. Ito naman kasing si Reon, palagi akong ginagawang manghuhula. Sa totoo lang, hindi naman ako ang may mali dito eh, siya ‘yon. Kung kanina pa lang sinabi na niya na sa palengke ang tungo namin, ‘di sana alam ko na agad ang dapat kong suotin. ** Nakarating na kami sa palengke. Ako at ang driver lang namin ang bumaba ng sasakyan. Si Reon, naiwan sa kotse dahil hindi raw siya naka-disguise. Takot na naman pagkaguluhan ng mga tao. Kung bakit ba naman kasi pinili pa niyang maging sikat na tao eh, madamot naman pala siya sa mga taong gustong magpa-picture sa kaniya. Ayaw na ayaw niyang pinagkakaguluhan siya eh, talaga namang ganoon na kapag sikat at kilala ka na. Ewan ko ba sa kaniya. Naguguluhan pa rin talaga ako sa mga pag-uugali niya. Mabuti na lang at masarap siya sa kama. Doon ko naman siya puri. “Tara, Santanation, samahan ninyo akong pumili o bumili ng fresh seafood that we’ll cook later at home. Bago ito, guys. Dahil parami na kayo nang parami, mag-e-effort na ako ng todo sa mga content na gagawin ko para palagi kayong mag-enjoy sa panunuod ng mga vlogs ko.” Nakasunod lang nang nakasunod sa akin ang driver ni Reon. May alam na ito sa pagbi-video dahil dati pa man ay nagiging camera man na ito ni Reon. Kaya alam na rin nito ang ginagawa niya. “Santanation, do you know that I’m going to do this for the first time in a vlog? I mean, ‘yung ako ang magluluto at pagkatapos ay saka ko imumukbang. Just to make it something new for you to see. ‘Yung hindi puro sa labas ako kumakain. Hindi ‘yung puro sa mga restaurant ako kakain. From now on, I will be doing this more frequently. Saka, para makita niyo na rin kung paano ba ako mamili sa palengke, kung paano ako pumuli ng mga fresh na sea food at kung paano ako magluto.” Habang namimili ako, pinag-aagawan ako ng mga tindera. Hindi na rin nawawala ‘yung mga taong kumakaway kapag nakakakita ng camera. Nakakahiya talaga ‘yung ganitong pinag-aagawan ka ng mga tindera, pero siyempre doon pa rin ako sa mga may magaganda ang tinda. Hanggang sa makahanap na nga ako ng nagtitinda ng mga fresh at malalaking seafood. “Look, guys. I’ve already found the seafood that I’ll be cooking later. Tara, samahan niyo akong mamili,” sabi ko sa harap ng camera. Ang totoo ay wala akong alam sa pagpili ng mga seafood. Pero dahil kasama ko si Reon at naituro na niya sa akin ang mga dapat kong bilhin, alam ko na ngayon kung anong kukunin ko. At ang nakakatuwa pa sa nangyari ay binatang lalaki ang tindera dito. Nagkaroon ako ng discount dahil followers ko pala siya. Selfie ang kapalit ng discount, kaya bago ako bumalik sa kotse, nakipag-selfie muna siya sa akin. Kinuha ko na ang camera sa driver namin para siya ang magbuhat ng mga supot-supot ng seafood. Habang ako naman ay panay ang pagba-vlog habang pabalik na sa parking area. “Santanation, sulit mamilit sa ganitong mga wet market. Bukod sa fresh ang mga mabibili ninyong isda o seafood, murang-mura pa. Lalo na kapag maganda o guwapo ka,” sabi ko sa harap ng camera at saka kumindat. Sabi ni Reon, mang-uto daw dapat ako palagi kapag nasa harap ng camera. Dapat daw talaga na palaging sweet para matuwa ang mga tao sa akin. Nakakatawa nung una ang mga sinasabi at ginagawa ko, nasanay na lang din talaga akong maging ganito. Kahit na hindi naman talaga ako sweet na tao. Saktong tapos na akong mag-vlog nang mamatay na ang camera. Na-lowbat na ito kaya napabilis ang pagbalik namin sa sasakyan. Nakaabang sa labas ng kotse si Reon. May hawak itong kape na nabili niya ata sa malapit na coffee shop. Kahit nakapambahay lang siya, ang lakas-lakas pa rin talaga ng dating niya. ‘Yung tindig, laki ng katawan at tangkad niya kasi ay ang lakas makaguwapo lalo. Samahan pa na kahit sunglasses lang ang suot niya ay napaka-hot na niya agad tignan. Proud na proud talaga ako na nakaka-s*x ko sa kama ang taong ito. “Patingin nga ako ng mga napili mong seafood kung approve sa akin,” sabi niya at saka isa-isang sinilip ang mga supot na hawak ng driver namin. Nagulat naman ako nang kunin niya ang supot ng sugpo. “Ang laki nito ah. Ang galing mo dito, Santana,” puri niya kaya natuwa ako. “Favorite ko kasi ‘yan kaya ginalingan ko rin talaga ang pagpili,” sagot ko sa kaniya. “Dahil magaling kayo, sige, kunin niyo na ang kape ninyo sa loob ng sasakyan.” Napangiti ako doon. Akala ko kasi ay siya lang talaga ang bumili ng kape. Mabuti naman pala at mabait pa rin siya paminsan-minsan. ** Pagdating sa bahay, si Reon ang nag-set up ng mga camera sa kusina. Ang nakakatuwa sa kaniya, todo-effort din talaga siya sa pagtulong sa akin. “Reon, thank you, ah!” sabi ko sa kaniya kaya napatingin ito sa akin. Kumunot naman ang noo niya. “Huwag kang mag-thank you agad. Wala pa ngang nangyayari eh,” sagot naman niya kaya napangiti ako. “Bakit, mayroon bang mangyayari mamaya?” tanong ko naman. Lalong kumunot ang noo niya nang itanong ko ‘yon. “Ang ibig kong sabihin, wala pang nangyayari sa pagba-vlog mo. Kapag nagkaroon ka na ng mga big project, ayon, doon ko pa lang masasabi na may nararating at nangyayari na talaga sa pagba-vlog mo,” paliwanag niya kaya natawa tuloy ako. Ang akala ko kasi ay pagse-s*x ang tinutukoy niya na may mangyayari. Nakakahiya tuloy. “Sorry, iba pala kasi ang naisip ko,” sagot ko sa kaniya habang napapakamot ng ulo. Natatawa tuloy ang kasambahay na si Geneva. Mabuti at alam na rin niya simula pa nung una na nagkaka-s*x talaga kami ni Reon. “Oh, ayan. Tapos na, puwede ka nang magsimulang mag-shoot dito,” sabi niya. “Huwag kang mag-alala, galingan mo lang ang pagba-vlog ngayong araw para mamayang gabi ay papayag akong, ako naman ang imukbang mo,” bulong niya sa akin kaya napangiti ako. “Kapag ganiyan eh, talagang gagalingan ko,” sagot ko naman pero hindi na siya kumibo. Umalis na kasi siya. Tumuloy na ito sa itaas para pumunta sa kuwarto niya. Ako naman ay nagsimula nang mag-shoot. Alam ko naman na ang mga gagawin ko. Tinuro na rin ni Reon kung paano ko ito iluluto. Bonus na lang din talaga sa pagkatao ko na, once naituro na sa akin kung ano ang gagawin, nage-gets ko talaga agad. “Santanation, I’m home now. We’re at the part where we’ll start preparing our dishes. But before anything else, let me show you the seafood I bought. We have shrimp, mussels, crab, octopus, squid, clams, scallops, and sea snails.” Naghahanda pa lang ako ng mga iluluto ko, natatakam na rin agad ako. “Kanina, offcam na-ready ko na rin ang iba pang sangkap na gagamitin natin. Kaya naman puwede na tayong magluto kapag nalinis na natin itong mga seafood na binili natin.” Doon ko na tinawag ang mga kasambahay namin dito. Sila ang inutusan kong maglinis ng mga seafood. Sabi ni Reon, puwede akong magpatulong sa kanila. Ibu-blur na lang daw ang mga mukha nila sa vlog ko. “Guys, here’s what you need to do when cooking this kind of dish. Separate the seafood and wash it thoroughly. Remove any skins or shells if necessary.” Kinuha ko ang camera para maipakita kung paano ang ginawa ng mga kasambahay. Sobrang hirap din talaga ang ganitong trabaho. Akala ko nga nung una ay madali, pero hindi. Nagkakamali ako dahil mabusisi talaga ang maging content creator. “Sa isang mangkok naman, haluin ang soy sauce, oyster sauce, mirin, asukal, sesame oil, at sesame seeds. Pagkatapos ay itabi muna ito saglit sa isang tabi. Kasi magluluto na tayo, Santanation. In a skillet or wok, heat the oil over medium-high heat. Sauté the garlic and onions until they become translucent.” Iba rin talaga sa pakiramdam kapag naaamoy ang ginigisang bawang at sibuyas. Ang bango nga eh. Naalala ko tuloy ang kasabihan ng mga matatanda na kapag mabango raw maggisa ang isang tao, sinungaling daw ito. Hindi ko lang alam kung totoo ba o hindi. Pero, aminado naman ako na kung minsan, sinungaling ako. Pero ito ay kung kinakailangan lang naman. “Sa part na ito, puwede nang ilagay ang seafood mix sa kawali. Naku, guys, igisa ito ng maayos hanggang maging pink o orange ang kulay ng hipon at maluto ang iba pang seafood.” Ang init kapag nagluluto. Bukod doon, nakakangawit din ang paghahalo. Pero pasanayan na lang din talaga sa ganitong gawain. Basta ang mahalaga, masarap at maayos ang magiging luto mo. “Kapag okay na, idagdag ang inihandang sauce sa kawali. Haluin ng mabuti para ma-absorb ng seafood ang lasa ng sauce. Kung gusto mo ng maanghang, maaari mong idagdag ang siling labuyo. Mix the seafood thoroughly and cook for a few minutes until it becomes flavorful and fully cooked.” Kung iisipin, mukhang mahirap magluto ng ganito, pero ang totoo ay hindi. Madali lang pala. “Ito na ang pinakagusto kong part. ‘Yung ililipat na ang niluto nating seafood mix sa lagayan natin. Natatakam na tuloy ako. Dapat na rin akong maghanda ng kanin at juice. Wait lang, guys. Magbabalik ako. Ihahanda ko lang ang lamesa ko.” Habang nililipat na ng mga kasambahay ang niluto kong seafood. Umakyat muna ako sa kuwarto ko para mag-retouch ng sarili. Pinagpawisan kasi ako. Sabi ni Reon, kapag nagba-vlog ako ay dapat lang talaga na palagi akong maganda sa harap ng camera. Nang sa ganoon ay hindi raw maumay ang mga manunuod ng mga vlogs ko. Papasok na ako sa kuwarto ko nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Reon. Nagulat ako nang makita kong topless at tanging boxer short lang ang suot. “Santana, pagtira mo ako, ha? Huwag mong i-serve lahat sa iyo kapag nag-mukbang ka,” sabi niya. Akala ko pa naman ay aayain niya ako saglit para siya muna ang imukbang ko. “Oo, magtitira talaga ako ng para sa iyo. Para naman matikman mo ang luto ko.” Tumango siya at saka muling sinara ang pinto ng kuwarto niya. Napabuntong-hininga na lang tuloy ako. Habang tumatagal talaga na kasama ko siya, parang lalo na akong na-attach sa kaniya. Sa ganito ako nagsimula kay Torin noon. ‘Yung palagi kaming magkasama sa school, sa street namin at kahit sa bahay. Sa dalas naming magkasama, akala namin magkaibigan lang kami. Hanggang sa ayon, ako pa ang unang umamin sa kaniya. At hindi malayong mangyari ito sa amin ni Reon. Ang kaibahan lang sa ngayon, mukhang ako lang ang naa-attach sa kaniya. Mukhang ako lang ‘yung may nararamdaman sa kaniya. Kasi ang puso at isip niya ay nasa Luella pa rin na ‘yon. Wala pa siyang alam, pero may plano na kasi ako sa babaeng ‘yon. Kung magtagumpay man siya na makuha ang puso ni Luella, wala akong pakelam, tuloy pa rin ang plano ko. Ang plano kong agawin ang lahat sa bruhang ‘yon. Kukunin ko ang dapat na sa akin. Sisiguraduhin ko ‘yan. Magkakampi kami ngayon ni Reon, pero baka bukas, maging magkaaway na rin kami kapag pinabagsak ko na ang babaeng mahal niya. At hindi lang si Luella ang babalikan ko. May iba pa. Matatahimik lang talaga ang buhay ko kapag sila naman ang nailagay ko sa pinaglagyan nila sa akin noon. Humanda sila sa akin sa oras na magkaroon na ako ng yaman at kapangyarihan. Sana nga sumikat na agad ako gaya nang gustong mangyari ni Reon sa akin. Nang sa ganoon ay talagang maumpisahan ko na ang mga dapat kong gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD