Santana’s POV Maaga kaming natulog ni Reon kaya maaga rin kaming nagising kinaumagahan. Nag-aya siyang mag-jogging sa dagat kaya sumama naman ako. Malamig dito sa dagat tuwing umaga kaya okay lang mag-jogging. Habang nagja-jogging, patingin-tingin ako kay Reon. Tuwing umaga, tahimik lang siya at matipid magsalita. Gusto ko sanang pagkuwentuhan namin ang pagiging wild namin kagabi sa kama, kaya lang nahihiya akong mag-open ng ganoong topic. Iilan lang ang nakasabay naming mag-jogging dito sa dagat, marahil ay ‘yung iba ay may mga hang-over kaya mga tulog pa hanggang ngayon. Sa malapit sa may dulo ng dagat ay huminto kami para magpahinga kasi kapwa kami ay naliligo na sa sariling pawis. May isang oras na rin kasi kaming tumatakbo dito. May dala naman kaming towel, tubig lang ang wala kaya