Santana’s POV
“Ana, laya ka na.”
Agad akong napatayo nang marinig kong sinabi ‘yon ng pulis. Napatingin ang lahat sa akin. Sa wakas, makakaalis na ako sa impyernong kulungan na ito. Napapatulo tuloy ang mga luha ko habang palabas ng selda na ‘yon. Simula nang pumasok ako diyan, hindi na ako nawalan ng pasa at sugat. Palagi akong binu-bully ng mga babaeng matataba at matatanda doon. Inalipin nila ako ng matagal at ginawang parang aso nila. Wala akong choice eh. Kung hindi ako susunod sa mga ito, masasaktan lang ako. Mga napapailing tuloy ang mga bruha habang palabas na ako. At sa huling pagkakataon, gusto kong lumaban na sa kanila kaya habang nasa labas na ako at nakatingin silang lahat. Bigla kong tinaas ang middle finger ko. Sigawan ang mga ito at akmang gusto akong habulin pero wala na silang magagawa dahil makakalaya na ako.
“P-paano po ako nakalaya? Ang alam ko po ay ilang taon pa akong makukulong ah?” tanong ko sa pulis habang naglalakad na kami sa hallway.
“May nagpiyansa sa ‘yo kaya masuwerte ka, Ana. Hindi mo sinabi na kilala mo pala ang sikat na content creator na si Reon. Ang guwapo niya sa personal ah,” nakangiting sabi ng pulis na pinagtaka ko naman. Nang una, naisip ko na baka pagkakamali lang ito. Na baka nagkamali lang ng sabi ng pangalan ‘yung sinasabi ng pulis na content creator na si Reon. Natakot ako na baka bumalik ako sa kulungan. Na-fvck you ko pa naman na ang mga kasamahan ko doon.
Pero nang makaharap ko na si Reon, doon na ako lalong nagulat. Matangkad ito, moreno, matangos ang ilong, singkit ang mata, mapula ang labi, maganda ang porma at mukhang mayaman. Guwapo siya pero hindi ko siya kilala. Siguro ay nung kasalukuyang nakakulong ako ay saka palang siya sumikat. Pero sino nga ba ito?
“Starting now, you will be coming with me to my house. Just consider it as if I’ve purchased you here in exchange for your freedom. So come on, let’s leave this place, Santana,” sabi niya kaya napahinto ako sa paglalakad.
“Wait, my name isn’t Santana. My name is Ana,” sagot ko sa kaniya. Hindi man ako nakatapos ng college dahil nakulong ako, sanay naman akong mag-english. Saka, brainy talaga ako. Umuulan nga ng medal ang bahay namin nung nag-aral ako ng elementary.
Huminto siya at saka hinubad ang salamin sa mata niya. Nakita ko na naman ang singkit niyang mata. Ang guwapo rin ng isang ‘to. I’m just wondering. I wonder if this Reon is famous?
“From now on, Santana will be your name. Ana is gone. May dahilan kung bakit kinuha kita rito. At isa-isa mong malalaman ang mga dahilan na ‘yon sa mga susunod na araw. For now, I’ll let you rest because I know that staying long in prison is no joke. So, let’s go. I want to go home now.”
Hindi ko pa siya kilala. Nakakatakot sumama sa isang tao na hindi ko pa lubos kilala. Pero sa dami nang pinagdaanan ko, sanay na ako sa ganito. Ang mahalaga sa ngayon ay wala na ako sa kulungan. Kung ano man ang binabalak niya, bahala na. Sa ngayon, ang gusto ko ay makalaya na sa bilangguan.
Sumakay kami sa isang magarang sasakyan. “Could you move away a bit, Santana? Your scent isn’t pleasant. Hindi ba naliligo ang mga preso sa kulungan na iyon at ganiyan ang amoy mo? Ang baho!” maarte niyang sabi at saka ito naglabas ng panyo at saka tinakip sa ilong niya.
“Sa dami nang inuutos sa akin ng mga kapwa ko preso, minsan hindi ko na nakukuhang maligo. Pasensya ka na.”
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “Grabe ang dami mong pasa at sugat sa katawan. Mabuti at kinakaya mo pang mabuhay sa kulungan na iyon.” Napapailing na lang tuloy siya. “Hindi ko tuloy ma-gets kung anong nagustuhan sa iyo ng lalaking ‘yon,” sabi pa niya.
“Sino?” tanong ko tuloy pero hindi siya sumagot. “Kinakaya ko talaga dahil gusto kong makalaya na. Ngayong nakalaya na ako. Isa-isa ko nang gagawin ang mga plano ko sa buhay,” sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa bintana.
“Santana, ako ang gagawa ng mga plano. Ako muna ang susundin mo bago ‘yang mga plano mo. I released a significant amount of money for you to be set free, so it’s only right that you follow what I want to happen. Huwag kang mag-alala, pagkatapos mo namang gawin ang mga mission na ibibigay ko sa iyo ay hahayaan na kitang maging malaya. Pero sa ngayon, ako na muna ang susundin mo.”
Tumango na lang ako. Wala na rin naman akong magagawa. Pero sana mabait siya. At sana, hindi ‘yung ikapapahamak ko ang mga ipapagawa niya sa akin.
“Reon?” tawag ko sa kaniya kaya napalingon siya ulit sa akin.
“What?”
“H-hindi mo naman siguro ibebenta ang katawan ko para pagkakitaan?” dire-diretsyo kong tanong. Para alam ko na agad.
Ngumisi siya. “Santana, hindi. Ibang mission ang gagawin natin. Saka, pabor din sa iyo ang mga gagawin natin kaya sigurado akong sisipagan mo pa lalo ang trabaho mo. Sa ngayon, tama na muna ang pag-uusap natin. Puyat at pagod ako kaya gusto kong magpahinga muna.”
Tumango na lang ulit ako at saka nanahimik. Nakahinga na ako ng maluwag. Mainam na ‘yung alam kong hindi ang nasa isip ko ang ipapagawa niya sa akin. Mabuti na lang at hindi talaga ganoon. Kahit pa paano, medyo panatag na ang loob ko.
**
Tapik ni Reon ang gumising sa akin. “Santana, wake up. We’re already at my house,” sabi niya habang malakas ang boses. Siguro kanina pa niya ako ginigising. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng solid na tulog. Yung hindi paputol-putol. Sa kulungan kasi, paputol-putol ang tulog ko dahil sa mga bruhang kasama ko roon. Dito, malamig at tahimik pa kaya napasarap talaga ang tulog ko.
“Pasensya ka na, ngayon lang kasi ako nahimbing ng sobra,” nakangiti kong sagot sa kaniya.
Pagbaba namin sa sasakyan niya, napanganga ako sa nakita kong bahay na kinaroroonan namin. Kung hindi ako nagkakamali ay tila mansiyon itong bahay niya. Siguro, malaki ang kinikita niya sa trabaho niya.
“Ang laki pala ng bahay mo, Reon. Siguro napakayaman mo,” sabi ko sa kaniya habang patingin-tingin sa buong paligid.
“Simula ngayon, dito ka na rin tutuloy muna. Alam ko naman na wala ka ng bahay. Wala ka ng pamilya dahil patay na ang nanay at tatay mo. Only daugther ka lang ‘di ba?”
Sino ba talaga ang Reon na ito at bakit alam niya ang background ko? Siguro, alam na rin niya ang dahilan kung bakit nakulong ako. Ngayon pa lang, napapaisip na tuloy ako kung ano ba talaga ang kailangan niya sa akin.
“Oo,” maikli kong sagot.
Pagpasok sa loob, sinalubong kami ng mga kasambahay niya. Binilin niya agad ako sa tatlong babae doon na iba ang uniform. Ang sabi ni Reon, linisin at ayusin daw ang dapat ayusin sa akin mula ulo hanggang paa. Sumama naman ako sa kanila. Ang hindi ko alam, paliliguan pala nila ako. Mahiya-hiya tuloy ako nang maging hubu’t hubad ako sa harap nila. Mabuti na lang at mga kapwa ko babae sila. Kaya sa huli, hindi na ako nahiya. Kinuskos nilang mabuti ang katawan ko. Pati ang pagkababaé ko kinuskos din nilang mabuti. Pakiramdam ko tuloy ay parang nafi-finger na ako.
Tinanggalan nila ako ng mga libag sa bawat balat ng katawan ko. Pagkatapos, inayos nila ang kulot kong buhok. Matagal ‘yon at halos ilang oras din bago matapos. Ang sabi nung babae, ni-rebond daw nila ang buhok ko para maging straight hair na ako. Nang tignan ko tuloy ang itsura ko sa salamin, parang mas naging maaliwalas na ang itsura ko.
Pagkatapos niyon, nilinis at pinaganda na rin nila ang kuko ko. Sa wakas ay nakita ko na ring malinis at maganda ang kuko ko. Para na ulit kamay ng babae ang kamay ko, ganoon din ang mga paa ko. Binihisan na rin nila ako ng magandang damit. Kaya lang, hindi ako sanay sa binigay nilang damit sa akin. Kaunti na lang kasi ay malapit nang lumuwa ang susó ko dito. Pero ayos lang, susubukan ko pa rin. Baka kasi ganito na rin ang uso ngayon. Bagay naman sa akin eh.
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang matapos sila sa mga dapat ayusin sa katawan ko.
Lumabas na dito sa room na kinaroroonan ko ang tatlong babae. Bago sila lumabas, narinig ko pa ang isa sa kanila na nagsalita.
“Malinis naman na siya ‘di ba? Hindi naman siguro magagalit si Reon sa atin. Tiyak na mapapasarap ang gabi niya dahil tila virgin na virgin ‘yong babaeng titikman niya.”
Nagulat ako sa narinig ko, pero tumawa na lang ako sa huli. Akala siguro nila ay toy girl ako ni Reon.