Lumabas ako sa aming tent matapos kong maisuot ang aking simpleng white swimsuit para mag-swimming. Nai-setup na namin ang lahat ng aming mga dalang gamit sa ilalim ng malaking puno. Tapos na rin akong nakapag-vlog kanina pa, at tinulungan pa ako ni Arthur na kumuha ng shots. He’s kind of good at it, sinasabi niya sa akin ang magandang angle at ang ganda rin ng mga kuha niya. Parang lalo ko pa siyang nagustuhan dahil supportive siya sa pagva-vlog ko. He actually watches one of my vlogs and he told me how engaging and entertaining it is. Of course, na-boost ang confidence ko dahil sa pag-praise niya, at syempre kinilig ako ng husto. Pag ganito siya, baka matatagalan ang pag-alis ko sa piling niya. This is the start of my road trip afterall, hindi naman pwede na tumigil ako dahil lang sa isa