Chapter One
PAUNAWA: Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang eksena, kontekstong panlipunan at mga pangyayaring maaaring hindi angkop sa mga mambabasang nasa edad 18-pababa.
OLIVIA PAULINE
MATAPOS naming tumakas sa kamay ng mga tinaguriang black dagger ay napadpad kami sa Sitio Kupang kung saan ay sa tingin namin ay mas ligtas kami at medyo malayo sa Casa Esperanza at Villa Santibanez.
Wala akong ibang bitbit kundi ang sarili ko at ang aking iisang maleta mula sa kaniya. Ang laman nito ay mga damit na nagmula pa sa kaniya.
"Are you okay?" Tanong niya sa akin nang makarating kami sa kanto ng Sitio Kupang.
"Bawas-bawasan mo ang pag-E-English mo kapag nandito tayo. Hindi ba't sabi mong magtatago tayo? Dapat, pati pagkakakilanlan at dati nating ginagawa ay nakatago." Wika ko sa kaniya.
Napangiti lang siya sa akin at ngayon ay pasulyap-sulyap pa.
"Salamat ha?" Seryoso niyang wika.
"Bakit?"
"Dahil pinili mong sumama sa akin sa kabila ng lahat." Deretso lang ang tingin niya at ako naman ay nakatitig lang sa kaniya.
Pinapili niya naman kasi talaga ako ssa dalawang bagay. Hindi niya ako piniit na sumama. Pero dahil ito ang gusto ko ay ito ang nag-udyok sa akin upang sumubok sa hamon ng tadhana para sa aming dalawa.
"Tyler, mahal kita, kaya't nandito ako para sa'yo." Ikinawit ko ang kamay ko sa kaniyang braso at isinandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat.
"Kung gayon ay tara na. Maghanap na tayo ng pwedeng upahang bahay." Sabi niya at saka umakbay sa akin.
Nakasuksok ang baril niya sa kaniyang likuran at ang dalangin ko ay sana huwag niya iyong ipapakita sa kahit na sino dito upang hindi sila maghinala sa aming pagkatao.
Naglakad na kami papasok sa kanto at ngsimulang maghanap ng matutuluyan.
----
"BAGO lang kayong mag-asawa?" Ito ang katanungan ni Aling Estelita, ang matanang babaeng una naming pinagtanungan na nagmamay-ari pala ng isang paupahan sa lugar.
Ang Sitio Kupang ay tila ba isang barangay. Dikit-dikit ang mga bahay dito ngunit maayos namang tingnan. Pedikab ang sasakyan palabas ng kanto dahil medyo masikip ang daanan papasok. Mukha namang mababait ang mga tao dito kaya't walang problema sa akin ang bagay na ito.
Nagpanggap kaming bagong mag-asawa dahil wala namang maniniwala na magkapatid kaming dalawa. Medyo kayumanggi ang kaniyang balat at ako naman ay may kaputian. Kaya't sa pisikal pa lang na anyo ay wala na talaga.
"Opo. Makikipagsapalaran sana kami dito sa lugar ninyo, Aling Estelita." SI Tyler ang sumagot sa kaniya saka siya tumingin sa akin.
Hindi namin napagplanuhan ang aming mga bagong identidad ngunit bahala na si Tyler sa bagay na ito.
"Ano nga ulit ang pangalan mi hijo?" Tanong ng matandang babae.
"Tonyo po," sagot niya at saka tumingin sa akin.
Nakaupo kami ngayon sa sofa sa kanilang sala habang hinihintay ang asawa niyang maglinis ng uupahan naming kwarto.
"Ikaw naman hija?" Ako naman ang tiningnan ng matanda.
"Oleng po." Sagot ko.
Natutuwa ako sa kasimplehan ng aming mga pangalan. Pinili naming manamit ng simple kaya naman dapat ay naaayon din sa kasimplehan nito ang aming mga pangalan.
"Bago lang kayong mag-asawa ka' ninyo? Ilang buwan na kayong kasal?"
Maya-maya ay mayroong lumapit na dalagita at naglagay ng baso ng juice sa lamesita sa harapan.
"Uminom po muna kayo ng juice," sabi ng dalaga.
"Ah, eh, apo ko nga pala. Si Sonia." Pakilala ng matanda.
Tumingin ako kay Tyler at sumenyas siya ng tatlo.
"Ah eh, tatlong buwan na po kaming kasal, Aling Estelita." Sagot ko sa kaniyang katanungan.
"Naku, bagong bago nga. Diyan yung stage na kasarapan pa lang ng pakiramdam dahil kasal na kayo," natatawang wika ng matanda.
Tawang tawa ako habang panay ang hampas sa tuhod ni Tyler.
"Hindi ka pa ba naglilihi hija?" Tanong ng matanda.
Halos maubo ako sa iniinom kong juice dahil sa katanungan niya sa akin.
"H-hindi pa po," agad kong sagot.
"Naku, kailangan mong dalian. Baka lola ka na, dalaga pa ang anak mo." Sabi pa ng matanda
Mayroong natural na pagkakwela ang matanda kaya naman medyo na-eentertain kaming dalawa ni Tyler sa kaniya.
"Baka po dito na rin mabuo ang first baby naming dalawa Aling Estlita." Sabad ni Tyler saka iniiwasang tumingin sa akin dahil ngayon ay titig na titig ako sa kaniya.
"Mabuti nga kung ganon. Gawan niyo ng marming milagro ang kwarto ninyo para naman mabinyagan," natatawang wika ng matanda.
Panay ang pag-ubo ko sa aking kinauupuan dahil sa kanilang pinag-uusapan.
"Ayos ka lang ba hija?" Tanong ng matanda sa akin.
"Masyado lang pong malamig yung juice ko Aling Estelita," palusot ko at pinilit kong ngumiti sa kaniya.
"Ay ganon ba."
Maya-maya ay dumating na ang asawa niyang si Mang Lito at saka sinabing handa na ang aming lilipatan.
"Oh siya, bago tayo magtungo doon ay gusto ko munang sabihin sa inyo ang mga tungkol sa bayarin," sabi niya pa.
"Isang buwang deposit ang singil ko at isang buwang advance. Pero dahil bagong kasal kayo ay alam kong nagsisimul pa lang kayo. Kaya't isang buwang advance muna ang sisingilin ko. Kasya lang sa inyo ang kwarto kaya't walang problema. Ang presyo ay anim na libo kada buwan, sa inyo ang tubig at ang kuryente."
Natuwa naman ako sa matanda dahil sa kaniyang konsierasyon sa aming dalawa ni Tyler.
"At mukhang wala kayong kadala-dalang mga kagamitan. Mayroong mga gamit doon, ewan ko kung kailan kukunin ng may-ari pero pwede niyo munang gamitin kung gusto ninyo. Mayroon na rin iyong foam at isang higaan. Kumpleto iyon, wala na kayong iba pang poproblemahin," sabi pa ng matanda.
Napakswerte na naming dalawa kung tutuusin kaya naman pinatos na namin ito.
"Kung okay na sa inyo ay halina kayo at dadalhin ko kayo sa inyong magiging kwarto." Tumayo ang matanda at saka kami sumunod sa kaniya.
----
DINALA niya kami sa isang gusaling dalawang palapag. Sa duong kwarto kami sa ibaba at mukha namang maayos iyong tingnan.
Binuksan niya ang kwarto at nakita ko ang kagandahan nito. Hindi nga lang ito napinturahan ngunit na-finisihing naman ang pader.
"Kung sakaling mayroon kayong problema sa tubig ay sabihan niyo kaagad ako ha? Tapos ang mga ilaw dito ay bagong kabit lang. Kayo na ang bahalang mag-ayos kung balak ninyong magtagal." Sabi pa ng matanda habang kami ay inililibot sa loob.
"Ayos na ba ito sa inyo?" Tanong niya sa amin.
"Oo Aling Estlita. Maayos na ito sa amin."
"Okay kung ganoon. Babalik na lamang ako bukas para kunin ang bayad. Magpahinga na muna kayo at alam kong tila malayo ang binyahe ninyo." Sabi pa nito bago lumabas.
"Salamat po," hinatid ko siya sa labas at nang makaalis na ay agad akong pumasok at nagsara ng pintuan.
Agad siyang nagtanggal ng pang-itaas dahil sa init at saka nagsimulang lumibot sa kabuuan ng bahay.
"Maayos ba?" Tanong ko.
Tila ba binubusisis niya ang lahat at mayroon siyang hinahanap na kung ano.
"Anong hinahanap mo?" Tanong ko.
"Mahirap na, at baka mayroong hidden camera dito, makunan pa nila pati ang pagsesex nating dalawa." Seryoso niyang wika.
Natawa na lang ako sa sinabi niya at natahimik. Agad akong pumasok sa kwarto upang tingnan ang lugar na iyon. Mayroong isang kama na sa tingiin ko ay kasya naman kaming dalawa Sa tabi nito ay mayroong isang maliit na lamesa at sa tabi nito ay upuan.
Mayroon ding kurtina ang bintana at iyon lamang ang laman ng loob ng kwartto. Wala kaming lagayan ng damit, which is pabor naman para sa aming dalawa dahil anytime na kailangan naming umalis y dadamputin lang namin ang aming mga gamit at ready to go na kaagad.
"Maayos ba diyan?" Tanong niya saka sumilip sa pintuan.
Niluwagan na niya ang pagkakabukas nito at sakka pumasok sa loob at naupo sa gilid ng kama.
"Matibay kaya ito?" Tanong niya saka lumundag ng kaunti.
Lumangitngit ang bakal na kama at saka siya tumayo.
"Naku, mukhang hindi. Kailangan nakatayo tayo kapag nagsesex," seryoso niyang wika.
Napatingin ako sa kaniya at ska ako umirap sa kaniya nang tapunan niya ako ng tingin.
"Tigilan mo nga ako," sabi ko.
"Bakit? Hindi mo ba narinig yung sinabi ng matanda kanina? Habang bata ka p ay dapat damihan mo na. Baka pagdating ng panahon, lola ka na, dalaga pa lang ang anak mo."
"Tyler, alam mong hindi pa tayo mag-asawa!"
"Pero sa lugar na ito, ako si Tonyo at ikaw si Oleng. Sa lugar a ito, ay mag-asawa tayong dalawa at kinakailangan nating patunayan na mag-asawa tayo kaya't as soon as possible ay dapat mabuntis na kita," dahan-dahan niyaaong nilapitan hanggang sa mapasandal ako sa pader.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin at tila baako'y nalulusaw dahil sa malagkit niyang mga tingin.
"Parang gusto ko na nngang simulan ang larong bahay-bahayan ngayon eh. Kung ppayag ka." Saka niya ako hinaikan sa pisngi ng pinakasenswal na paraan.
"Kapag hindi ako pumayag?" Tanong ko.
"Kapag hindi ka pumayag, sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong bumukaka. Mahirap galitin ang king cobra."
Ito ang sexy niyang wika.
Bibigay na naman ba ako sa kaniya?
Tyler, naman, kararating pa lang natin, ang init mo na!
"Pwede bang magpahinga muna?"
"Wala pa tayong ginagawa, mamaya na ang pahinga!"
At saka niya ako sinibasib ng halik sa labi.
End of Chapter one.