Prologue
Prologue
NABABALISA ako. Ilang araw na siyang walang ganang makipag-usap sa akin dahil sa dami ng kaniyang pinupuntahan at iniisip sa tuwing magkasama kaming dalawa.
Magtatatlong buwan na kami ngayon dito sa Sitio Kupang at pilit naming itinatago ang aming tunay na pagkatao sa mga taga rito upang walang makakilala sa amin. Kaya naman nagpanggap kaming mag-asawa. Ito ang ideya niya at ito ang isa sa mga pinaka-kapani-paniwalang rason para sa aming pagsasama sa iisang bubong sa inuupahan naming bahay mula kay Aling Estelita.
"Manang, pabili po ng isang tali ng kangkong."
Narito ako ngayon sa talipapa ng Sitio Kupang. Namimili ako ng lulutuin kong pagkain naming dalawa.
Sa totoo lang ay hindi ako sanay sa mga gawaing bahay dahil pinalaki akong spoiled ng aking mga magulang. Kaya't naninibago ako sa lahat. Ngunit dahil wala siya, walang kikilos para sa aming dalawa.
"Bente lang diyan," wika ng ale saka namili ng ibebenta sa akin.
Hapon na kayaa't marami nang nag-uuwiang mga tao mula sa kaniya kaniyang trabaho. Mayroon ding mga estudyanteng naglalakad na papasok sa kanto kaya't siguro ay nasa pasado alas singko na ng hapon.
Pagkabigay ko ng bayad ko sa ale ay naglakad na ako pabalik bitbit ang mga pinamili ko. Limitado ang budget naming dalawa dahil sa aming pagtitipid. Hindi namin alam kung hanggang kailan kami magtatago kaya't mas mabuti na lang na magtipid.
Hindi rin niya ako pinapayagang mag-apply ng trabaho dahil mas madali akong matutunton kapag ginawa ko iyon. Kaya naman siya na lang ang tanging gumagawa para sa aming dalawa.
Halos tatlumpung metro ang layo ng talipapa sa inuupahan naming tirahan at pinili kong maglakad dahil gusto kong makita naman ang mundo. Bihira kasi akong lumabas dahil iyon ang kabilin-bilinan niya sa akin. Wala akong ibang ginagawa kundi ang magkulong at magmuni-muni habang naghihintay sa kaniyang pag-uwi.
Wala rin siyang sinasabi sa akin kung saan ba siya nagpupunta kaya't wala akong ideya kung saan man siya hahanapin. Tanging cellphone lang na de-keypad ang mayroon ako at allowed lang akong tumawag sa kaniya kapag mayroong emergency.
Minsan, naiisip kong higit pa ako sa isang preso. Bakit ba ako sumama sa kaniya? Bakit ba ako nabulag ng isang pakiramdam na parang dati'y kapag nalayo ako sa kaniya ay hindi ko na kakayanin pang mabuhay?
Maraming katanungan sa aking isipan na minsan ay iniisip ko na lang na karma dahil sa aking tila ba pagkakamaling ginawang desisyon sa buhay.
Hindi ko naman siya sinisisi sa bagay na ito dahil una pa lang ay pinpili na niya ako. Naaalala ko pa nang sabihin niya sa akin na hindi siya mamimilit kung ayaw ko.
Siya ang lalaking akala ko ay malupit na malupit ngunit nang kalaunan ay nakilala ko rin ang pagkatao niya.
Pero sa oras na ito, habang naglalakad ako pauwi sa aming inuupahang tahanan ay mayroong tila boss naa bumubulong sa akin. Sinasabi nito na marami pa akong oportunidad kung pinili kong lumaya sa piling niya, marami pa akong mararating na lugar at makikilalang tao, marami pang trabaho at disenteng tao akong makikilala at mahahanap. Kaya't hindi pa nahuhuli ang lahat para sa akin. Ito ay kung itatama ko ang mg pagkakamali ko sa ginawa kong desisyon na pagsama sa kaniya.
Pagkauwi ko ay agad akong naupo sa isang silyang yari sa ratan. Ihinilamos ko sa mukha ko ang mga palad ko at saka ako nag-isip ng maayos. Pinilit kong timbangin ang mga sitwasyon sa isipan at sa damdamin ko.
Kung mananatili ako dito, makakasama ko siya ng matagal ngunit hanggang kailan kami magtatago? Kung aalis ako dito, mahahanap ko ang sarili ko at magkakaroon ako ng magandang buhay at hindi na ako magtatago sa mga taong hindi naman yata ako ang pakay na habulin, kundi siya. At kapag umalis ako, iiwan ko siya, iiwan ko ang taong nagpaniwala sa akin na ang pag-ibig ay dumadaan sa proseso, hindi ito basta bastang dumarating na lang, dahil iyon ang nangyari sa aming dalawa.
Tumingin ako sa orasan at 5:15 pa lang ng hapon. Marami akong masasakyan patungong Villa Santibanez kung saan kami nakatira. Kaya't ngayon pa lang ay kailangan ko nang magdesisyon.
Ura-urada akong tumayo mula sa aking kinauupuan at agad akong nagtungo sa loob ng kwarto sa tapat ng kusina. Agad kong kinuha ang maliit kong maleta at kinuha lahat ang gamit ko. Kakaunti lamang ang gmit kong iyon dahil mula nang makidnap ako ay tanging mga damit lamang mula sa kaniya ang aking naisusuot. Kung kaya't wala rin akong kadala-dala nang lumipat kami dito.
Nasa isipan ko na sana ay dumating na siya upang makapagpaalam ako ng maayos. Ayaw kong maging unfair sa kaniya. Ayaw kong umalis na lang bigla na walang paalam at hahanapin niya ako na maaari pang maging dahilan upang mapahamak siya.
Aalis ako hindi dahil sa mayroon kaming problema kundi dahil gusto ko munang isipin ang sarili ko ngayon, ang kinabukasan ko at ang buhay ko. Hindi naman siguro iyon masamang dahilan upang umalis na ako.
Pagkatapos kong mag empake ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa sala. Sana ay dumating na siya. Sana.
Pagpatak ng eksaktong alas sais ay maroong kumatok sa pintuan at alam kong siya n iyon.
Hinila ko ang maleta ko at saka ako nagtungo doon. Agad ko itong binuksan at nakita ko nga siyang nakatayo sa kabilang bahagi ng pinto.
"M-mahal, anong meron?" Nagtataka siya nang makita niyang hawak ko ang maleta ko.
Yumuko ako at napahikbi na lang nang tanungin niya iyon sa akin. Mula sa ibaba ay nakita kong nabitawan niya ang hawak niyang plastic na naglalaman ng tinapay
"Aalis ka na?" Malungkot niyang tanong.
Tumango lang ako habang nakayuko at nagulat ako nang biglaan niya akong yakapin.
"Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali pero nirerespeto kita." Ito ang mahinahon niyang wika.
Tumingala ako at saka ko siyya tiningnan sa kaniyang mga mata. Magkakahaalong emosyon ang aking nakikita mula doon. Mayroong lungkot at panghihinayang kaya't alam kong hindi niya iyon maitatago. Kilala ko na siya.
"Cap, patawarin mo ako."
"I understand." Ito ang wika niya saka siya nagtanim ng halik sa aking noo.
"Paalam." Pumiyok ang boses ko nang sabihin ko iyon.
"Kung sakaling gusto mong bumalik, nandito pa rin ako, mahal." Ito ang sabi niya saka siya nagbigay ng daan para sa akin.
Hindi na ako nagsalita pa. Hinila ko na ang maleta ko at saka ko pinahid ang luha ko sa aking mga mata at nagmadaling umalis.
Hindi na ako lumingon pa sa kaniya. Hindi ko alam kung nakatanaw siya sa akin ngunit ang natitiyak ko ay labis ko siyang nasaktan sa biglaang pagbabago ng aking desisyon.
Madilim na at mabuti na lamang at nabuksan na ang ilaw sa mga poste ng ilaw sa kalsada. Kailangan ko pang pumara ng jeep sa kanto kaya naman nagmadali akong naglakad habang hila ko ang aking maleta.
NANG SA WAKAS ay nakarating na ako sa kanto ay wala pa rin akong tigil sa aking pag-iyak. Hindi ko alam kung bakit. At nang mayroong humintong jeep ay lumingon muna ako bago ako sumakay.
Sa dulong bahagi ako naupo. Pero hindi natatapos ang pagbuhos ng luha ko kaya't pinagtitinginan na ako ng mga pasahero.
"Miss okay ka lang?"
Tumango ako.
"Mukhang hindi." Wika pa ng ale sa tabi ko.
Hindi pa gaanong nakakalayo ang sinasakyan ko kaya naman tiningnan ko ang paligid.
Mali ang ginawa ko. Maling mali!
"Teka lang po, teka lang. Para po, m-may nakalimutan ako!" Sigaw ko sa mamang driver.
Naglingunan sa akin lahat ng pasahero pero wala na akong pakialam.
"Mamang driver, pakihinto na lang. Pasensya na sa abala!" Pakiusap ko at agad naman itong huminto.
Pagkahinto ng jeep ay agad akong bumaba bitbit ang bag ko. Nang makaalis na jeep ay tiningnan ko kung gaano kalayo ang lalakarin ko pabalik.
Kayang kaya ko ito. Hindi lang ganito kalayo ang tinakbo ko kasama siya kaya't maning-mani ito.
"Hoooohhh!" Huminga ako ng malalim at ikinompose ko ang sarili ko.
Hila-hila ang aking maleta ay naglakad na ako pabalik sa kanto ng Sitio Kupang.
Ilang sandali pa ay narating ko na ang arko nito at saka ako saglit na nagpahinga. Ipinagdarasal ko na sana ay tanggapin niya akong muli.
"Napaka gaga mo kasi!"Sisi ko sa sarili ko bago ako maglakad ulit.
Papasok na ako sa kanto nang mayroon akong makitang lalaking naglalakad palapit. Medyo madilim ngunit sa kaniyang tangkad at sa korte ng katawan ay kilala ko siya.
Binitawan ko ang maleta ko at naiiyak akong tumakbo palapit. Hahabulin niya ako? Susundan niya ako? Hindi niya rin kayang wala ako?
Ilang hakbang na lang at huminto siya sa paglalakad at hinintay ako sa aking paglapit.
Pagkalapit na pagkalapit ko ay agad akong tumalon upang lumambitin sa kaniya at saka ko siya pinuspos ng halik. Wala akong pakialam kung nasa labas kami ngayon pero tila nakisama ang sitwasyon dahil nagbrown-out at namatay ang lahat ng ilaw sa poste.
"Tyler patawarin mo ako!" Ito ang aking wika sa pagitan ng aming mga halikan.
Hindi ko siya hinayaang magsalita, imbes ay siniil ko siya ng halik sa kaniyang labi at ipinadama sa kaniya ang labis kong pagmamahal.
"Hindi ka na pwedeng umalis ulit kapag bumalik ka sa akin!" Mahina niyang wika.
"Bakit?"
"Lulumpuhin na kita!"
"Seryoso?"
"Oo. Tatlong rounds, hindi ka pa ba malulumpo?"
Naahigikgik ako at sumiksik sa kaniyang leeg.
Mahal ko si Tyler. Mahal na mahal.