"Kuya, tama na! Lasing na lasing ka na!" Kaagad nang inagaw ni Alyana ang isa pang bote ng alak na tinutungga na naman ni Derrek. Lupaypay na ito at namumula na ang mga mata.
Tumunghay ito at tumitig sa kanya ng ilang sandali. "A-Ariana, asawa ko."
Napahinto si Alyana nang tawagin siya nito sa pangalan ng kanyang namayapang ate. Tatlong buwan na ang nakalilipas simula nang pumanaw ang asawa nitong si Ariana, na nakatatanda niyang kapatid. Naiwan ito at ang anak na lalaking apat na taong gulang pa lamang.
"I miss you." Tumayo si Derrek at lumapit sa kanya.
"K-Kuya..."
Nagulat na lamang siya nang mabilis nitong hinawakan ang mukha niya at kaagad siyang hinagkan sa mga labi. Puno ito ng labis na pangungulila at pananabik.
Hindi nakakilos si Alyana habang nararamdaman ang matamis na halik ng kanyang bayaw, at ng puso niyang tumitibok ng malakas sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.